"So how long have you been staying here?"
He suddenly threw his attention to the girl who's now sipping her coffee while holding her phone. Tumikhim naman siya at saka inayos niya ang kuwelyo.
"Hindi ko alam. Ikaw kailan ka lang dumating?"
Kumibit balikat ito. "For a while?"
Itinaas nito ang kilay sa kaniya at saka naman tumikhim. Umangat naman ang gilid ng labi niya saka inusog ang upuan sa tabi ng dalaga. Luminga-linga pa siya baka may makakita sa kanilang dalawa.
Nang mapansin niyang may pamilyar siyang mukhang nakita. He was not sure if she's Pia, maybe...Pia. Damn that bitch.
"Hold my hand," bulong niya kay Shenice. Tumaas naman ang kilay nito na tila nagtataka.
"Hold my fucking hand!" Mahinang asik niya muli sa babae. Nang matunton ni Pia ang direksyon nila'y dumiretso ito sa table ni Justin. Walang anuma'y pinagsalikop niya ang kamay kay Shenice. And on the other hand, Shenice was puzzled on what's happenning.
Ni gulat ay wala sa ekspresyon ng mukha ni Pia sa halip ay lumabas pa ang ngiti nito sa labi.
"Can I share with you guys?" Taas kilay na turan nito nang di maputol-putol ang titig nito kay Justin. Napalunok naman ang binata at saka tinanggal ang kamay niyang nakahawak kay Shenice saka niya inakbayan ito.
"Is it okay with you... love?" Nag-aalangang tanong niya kay Shenice. Hindi naman alam nito ang maging reaksyon kaya sa halip na magsalita ito ay napainom na lang ito ng frappe. Hinagod naman ni Justin ang hita nito at saka inilapit niya ang bibig sa tainga ng dalaga.
"Act normal... she's flirting me."
"Oh," ani Shenice at pinagpag nito ang hita kasabay nang pagwaksi sa kamay ni Justin. Nilingon ni Justin ang dalaga na lalong na-justify ang pagiging singkit nito. With her Asian-American looks, lalo itong nagmukhang mataray.
Nilingon ni Justin si Pia na nakataas lang ang kilay sa kanilang dalawa. Lumabas ang ngiti ni Justin at saka siya tumikhim.
"Pia," he smiled.
"I didn't know that you're already taken."
"Nor did I?" Pilyo ang ngiting pinakita niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan, at hanggang saan sila pagtatagpuin ng panahon. Pia is a good person, but the only thing is... she wants him always at night. She literally wants him.
Wala nang ideya o topic ang lumabas sa isip niya. Dahil hindi niya maipaliwanag kung gaano ka-awkward ang eksena ngayon sa coffee shop. Matapos kasi niyang makita si Shenice ay agad niya na itong niyayant magkape. Hindi naman niya inaasahan na magkikita rin sila ni Pia sa mismong coffee shop.
And how about Joselle? How is his sister anyway? Wala na siyang balita roon. He's longing to see her. But the fate was playful to him. He just loved her silently without her noticing it. Hindi niya rin alam kung hanggang kailan ang nararamdaman niya--hindi niya alam kung mapapawi pa ba ito? Dahil una sa lahat ang iniisip niya, ang nararamdaman niya ay pawang mali. Hindi ito tama, pero kung iisipin niya ang nakaraan niya, hindi niya maipagkailang... may kutob siya na isa sa kanila ay hindi magkadugo, o ampon o anak sa labas.
Gusto niya maging ganoon ang pangyayari. Pero sa nakikita niya ay wala pang ibang ebidensyang hindi sila magkapatid.
"Love?" Malambing na tanong ni Shenice na siyang nakakuha ng atensyon niya.
"Yes...love?" aniya na gulat ang ekspresyon ng kaniyang mata. Hindi siya nakapag-contact lenses dahil hindi naman siya pupunta roon sa kapatid niya. Isa pa, masakit din sa mata ang pagsuot ng gano'n lalo na't pag natutuyo sa airconditioned room.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
Fiksi Umum"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...
