Chapter 17

315 8 10
                                        

Biglang humiwalay si Joselle sa pagkakayakap kay Justin. Nakita ito ng binata na patingin-tingin kung saan at tiyak alam niyang may kasama ito. Napangiti rin siya dahil nakita niyang namumula ang pisngi nito. Ayaw niya sanang mag-isip ng kung ano pero ramdam niya na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Uminit din ang pakiramdam niya bagamat malamig naman sa mall. Matapos ito luminga sa paligid ay binaling nito ang tingin sa gawi niya. Tinitigan siya nito na tila nag-iisip ng sasabihin. Binasag niya na lang ang awkward na ambiance sa kanilang dalawa.

"Sige na, baka hinahanap ka na ng kasama mo," turan niya at nanatili na lamang nakatitig si Joselle sa gawi niya. Lumapit siya rito at hinawi niya ang buhok nito papunta sa likod ng tainga ng dalaga. Ramdam niya ang panlalamig ng palad niya sa ginawa niyang iyon.

"Sige, kuya. Salamat po rito. Alis na ako baka hinahanap na nga ako ni daddy." Tumalikod ito at nagsimulang maglakad pero huminto muli. Hinarap siya nito. "Babawi ako sa susunod nating pagkikita, kuya," at tuluyan nang umalis si Joselle.

Sinundan na lamang ng tingin ni Justin ang papalayong si Joselle. Napasuntok siya nang mahina sa hangin at nakangiting tagumpay. Bitin pero worth it! Sigaw ng isip niya. Pero bumalik na lamang siya sa ulirat nang nanatiling nakatingin sa kaniya ang mga staff ng boutique. Medyo nahiya siya roon pero napakamot na lang siya saka nilisan ang boutique.

"Sir Justin!" rinig niya ang boses ng kaniyang mga tauhan kaya napalingon siya at nasa labas na ang mga ito. Napakamot siya at saka namulsa.

"Ano, may nagustuhan kayong kainan?" 

"Sir, mukhang lumiwanag ang mukha n'yo po, a?" pabirong turan ni Engineer Rendon. Tinapik niya naman ito sa balikat. "Ikaw talaga, mapagbiro ka. Ano, saan na tayo?"

Ramdam niya ang pagtibok ng puso niya sa binanggit ng engineer. Lumiwanag ang mukha niya dahil nakita niya naman ang taong nagsisilbing liwanag sa buhay niya. Dahil sa kaniyang iniisip, hindi na mawala-wala sa mukha niya ang malawak na ngiti. Nagtungo na sila sa buffet na nakita ng isa sa mga contractor. Nang makita niya ay mahaba ang pila nito pero matiyaga na lang silang naghintay sa mga matatapos.

Napatingin siya sa relo pero wala naman siyang pagkakaabalahan ngayon araw kaya sinabihan niya na lang ang kaniyang engineer na maghintay na lang. Saka niya iniwan ang mga ito. Paalis na sana siya nang makasalubong niya muli si Joselle, pero sa pagkakataong ito ay kasama na nito ang daddy nila. Tila nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan nang magtama ang titig nila ng ama niya.Mabuti na lang at nakapagsuot pa siya ng contact lenses dahil kung hindi ay makikilala siya nito. 

Kagalang-galang ang postura ng ginoo. Nakasuot ito ng amerikana at may dalang attache case. Malinis din ang pagkakaayos ng buhok nito at ang mga mata nito ay napakaseryoso. Lalo na nang tumingin ito sa kaniya. Napalunok siya at tila kaba na lang ang namamayani sa dibdib niya. Yumuko na lang siya. 

"Excuse me," turan niya at saka dumiretso nang hindi na sinulyapan si Joselle na nakatingin sa kaniya.

He felt guilty on that scenario, but he has to do it.

--

"I'm sorry, bored ako sa condo. How are you now, Justin?" tanong ni Shenice habang ngumunguya ng chewing gum. Nasa Central sila ngayon kasi napagpasiyahan ni Shenice na uminom at niyaya na lang nito si Justin kaya hindi na rin siya nakaayaw. Nakita niyang dumukot ito ng fries at saka nilagok ang alak.

"I'm fine now," matipid na turan niya saka ininom ang whiskey. Napaismid siya sa pait at ang lakas ng lasa. Gusto niya lang sana ng mild pero wala naman siyang nagawa dahil libre naman ito ni Shenice. Nagulat naman siya nang hinawakan nito ang kamay niyang may band-aid.

"You're so clumsy kasi! Hindi ka sana nagkasugat ng ganiyan." turan nitong may pag-alala. Suminghap na lang siya at saka ramdam niya ang paglapit lalo ni Shenice sa tabi niya. "Ako na lang kasi dapat ang para sa 'yo, Justin. You know what? Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga sinabi mo sa akin noong high school. It hurts me, still." 

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon