Chapter 11

365 12 9
                                    

"Kamusta ka naman diyan, 'nak?" anang Mommy ni Justin na tila busy itong nakatutok sa pc nito. Tumawag ito sa kaniya out of the blue. Malalim na ang gabi at tiyak umaga o tanghali na roon sa Amerika. Nangalumbaba naman si Justin at saka inayos ang laptop.

"I'm fine, Mom. May kaunting problema lang but it's now okay," agad siyang umayos ng upo at saka binuksan ang kaniyang notebook.

"Good. Bumisita ka ba roon sa mga kamag-anak natin? Tumawag sa 'kin si Kuya Johannes mo, e nasabi ko naman na nasa Pinas ka na. Tiyak gusto ka nang makita ng pinsan mong si Karlo," turan pa nito at nakita niyang nagtungo ang Mommy niya sa fridge at kumuha ng baso para pagsalinan ng tubig.

"Saka na, Ma," turan niya at saka nagkamot ng ulo. Naisip niya bigla ang sasabihin dito ngunit parang may pumipigil sa kaniya. Nais niya lang kasi sana ikuwento sa kaniyang Mommy na nakita na niya ang bunsong kapatid. Ngunit umurong na lang bigla ang kaniyang iniisip.

"I have something to work on to, Ma. Bye po," turan niya'y binaba na ang tawag. Napasandal naman siya sa upuan at humalukipkip na tila nag-iisip. He missed Benguet so much but he don't have time to visit there. Maiging ay mag-focus na lang muna siya sa kaniyang negosyo.

A week passed and he was still on an adjusting period. Especially the timezone. Hindi niya alam... sadiyang nasanay na lang siya siguro sa buhay niya sa Amerika. He spent five years there and that's why he adopted the culture of the said country. Kinuha niya ang kaniyang notebook at saka binuklat ang kaniyang business plan. He's an old fashion kind of person, because instead of saving it on his computer, he just wrote it down on his notebook. Mas madali sana iyon kapag gano'n ang kaniyang ginawa. Ngunit sa isip niya naman ay napo-format din kasi ang computer memory, lalo na kapag naluluma na ang software nito.

Nahinto naman ang kaniyang tingin sa kaniyang mini notebook. Naroon kasi ang guhit niya kay Joselle. Napahinto siya saglit saka ngumiti. Hindi niya alam bakit bigla na lang siyang ngumiti sa hindi niya malamang dahilan. Maybe because the more she saw her presence, the more he falls deeper on her. Napakagat labi na lang siya habang lumulundag sa tuwa ang puso niya sa kaniyang mga naiisip.

Bakit niya ba kasi iniisip iyon, e, kapatid lang talaga ang turing no'n panigurado sa kaniya. She was his sister but Justin didn't treat her like one. Ihinilig pa niya ang ulo nang bigla niyang naisip ang isang nakaraan bago sila maghiwalay.

"Justin!"

Pukaw nang kaniyang ina habang nagkatitigan sila ng kaniyang bunsong kapatid na si Joselle. He's thirteen, at hindi niya made-deny ang mga nangyayari sa kanilang pamilya. Labis siyang nasaktan sa nangyari. Kung nasaktan siya, ano pa ang naramdaman ng bunsong kapatid niya?

Hinila na siya ng Mommy nila at saka siya bumulong doon sa kapatid. "I promise I'll be--"

"Let's go!" Pasigaw na turan ng Mommy nila kaya napalingon na lang siya bigla sa gawi nito at saka siya hinila palabas ng kanilang silid.

Ramdam niya ang sakit sa narinig niyang iyak ng Mommy nila. Hindi niya na rin malingon pa ang ama dahil patuloy lang siyang hinihila ni Josephina. He thinks that what Joselle's had witnessed was clearly heartbreaking. Hindi niya rin alam kung mapapatawad pa siya paglaki nito o baka lalong mapupuno na ang poot nito sa puso dahil sa nangyari sa pamilya nila.

"Mommy... pa'no si Joselle?" turan niya habang tumutulo ang luha. Umiwas naman ng tingin ang Mommy niya at saka pinunasan nito ang mga luha sa mata. Yumuko ito para maabot siya at pinunasan nito ang kaniyang mga luha.

"Anak... I already told you, right?"

Lalo siyang humikbi dahil naalala niya ang kaniyang buhay noong bata pa siya.

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon