Epilogue

598 14 4
                                    

Animo'y parang spring time ang pag-boom ng business ni Justin. Dalawang taon na rin lumipas mula nang lumisan siya sa Pilipinas. Pero may naisip siyang mali na ginawa. Dahil tila iniwan niya sa ere si Joselle noon. Tiyak,sasama na naman ang loob no'n sa kaniya. Pero hindi niya na lang inisip pa. Because this time, he will back again to her, not just pretending as Justin, but as himself now.

Ito na rin ang tamang oras para i-launch niya na ang business. Inimbitahan niya ang kaniyang engineer at architect sa opening ng The Alchemist Hut. Niyaya niya rin si Shenice pero tumanggi na ito sa kaniya dahil maraming tambak na mga invitation daw sa dalaga para sa interview sa iba't ibang unibersidad do'n sa Texas, mayroon din daw imbitasyon dito galing Boston College. He just wished her a good luck. Hindi niya naman mapipilit ito dahil mas pipilitin pa niya ang dalaga sa pag-aaral nito.

Nasa Hongkong na siya ngayon dahil connecting flight ang kaniyang biyahe. Ilang oras na lang naman ay nasa Pilipinas na siya.

Tahimik lang siyang nagbabasa ng diyaryo habang hinihintay ang oras ng flight niya. Maging sa diyaryo ay laman ang The Alchemist Hut. Napangiti na lang siya sa naging resulta ng kaniyang pagsisikap. He called this as his success. Tila hindi siya makapaniwala na akala niya'y panaginip lang ito.

Nagbasa rin siya sa mga internet website at usap-usapan ngayon ang kaniyang bar. Tama nga naman si Shenice. Twenty fifteen maybe the best year to launch his bar on the Philippines.

Lalo na siyang nagmukhang matured ngayon. Ang mga mata niya'y lumalim ng kaunti at kitang-kita pa rin ang pagka-hazel nito. Ang katawan niya ay tumikas lalo. Maging ang height niya ay tila nadagdagan. It's been two years though.

Nang tinawag na ang attention nila para makapag-board na ay agad nang hinanda ni Justin ang sarili. Naging magkaayos na rin sila ng Mommy niya bago siya umalis ng Amerika. He maybe stay in the Philippines for like one year or six months only. Pero may dinukot siya bigla sa kaniyang bag.

Isang singsing. This ring is really memorable. May kasama itong liham galing kay Karlo. Ito ay kasama sa DNA sample noon ni Zenaida Gaviola, ang totoo niyang ina. Pero dahil ilang taon din niya hindi binuksan ang liham na iyon ay napatitig na lang siya sa singsing.

Medyo luma na ito pero kaunting linis lang at magmukha na ring bago ito. Isang white gold na tingin niya'y mga nasa fourteen carat gold ito. May bato rin ito na maliit sa gitna. He was wondering if this is from his mother, Zenaida Gaviola?

Maybe and maybe not.

Napailing na lang siya at nang maayos na ang gamit niya dahil nilagay niya na sa overhead cabin ang malaking bag, umupo na siya sa kaniyang upuan.

Malamig ang loob ng eroplano pero okay lang ito sa kaniya tutal nasanay na rin siya sa malamig. He will return now to the Philippines with all by himself. Napangiti siya habang titig na titig sa singsing na hawak niya.

Bigla niya na lang binuksan ang liham pagkatapos. Ang unang akala niya'y galing kay Karlo ito pero nagkamali siya. Galing mismo ito sa kaniyang ina.

Levi,

Anak patawarin mo sana ako kung ipinagbili kita noon sa pamilya Montalban. Wala na rin kasi akong magawa pa at wala na akong maibibigay na kinabukasan sa iyo. Anak ang singsing na hawak mo ngayon ay bigay iyan ng nakabuntis sa akin noon na Louis ang pangalan. Wala na akong ibang impormasyon tungkol sa ama mo. Pero Levi, ang singsing na iyan ay sana maibigay mo sa tamang tao na para sa iyo. Na mamahalin mo,aalagaan at poprotektahan mo hanggang sa iyong huling hininga. Anak sana hinding-hindi mo ako makakalimutan kahit sandali lang kita nakita. Anak ang guwapo guwapo mo... Kamukha mo talaga ang tatay mo. Anak kahit iba na ang pangalang kinalakihan mo, ikaw pa rin ang baby Levi ko na mahal na mahal ko. Hanggang sa muli.

Behind His Feelings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon