This is the final chapter of Behind His Feelings. I may update the epilogue right after I finish this or maybe tomorrow.
--
Tulalang nakatitig si Justin sa telepono mga ilang minuto na. Sa sobrang saklap ng nangyari sa buhay niya ay hindi niya alam kung paano na magsimula. Marami na ring tumawag sa kaniya tungkol sa kaniyang bar business na ilo-launch sa mga susunod pang taon. Kaya siya natulala dahil tinawagan niya si Karlo. Nais niyang kausapin si Zenaida dahil gusto niya nang mabigyang kasagutan ang tungkol sa pagkatao niya.
Pero hindi magandang balita ang natanggap niya mula sa pinsan. Anito ay nakita na lamang ni Karlo na wala nang buhay ang ginang sa sarili nitong kuwarto na bumumula pa ang bibig. Dahil na rin siguro sa mga nangyari noong naroon pa siya sa Baguio.
Hindi niya inakala na sa ganoong dahilan pa ang pagkawala ni Zenaida. Sabi ni Karlo sa kaniya ay inaasikaso na nito ang pagpapalibing pero nag-atubili naman si Justin na siya na ang sasagot sa libing. Gumuhit muli sa isipan niya ang usapan nila ni Karlo.
"Ako na bahala sa libing ni Nana Zena." Panimula ni Karlo mula sa kabilang linya pero sumabat naman si Justin doon.
"I can cover her funeral. Alam ko na ang lahat. But I have one more thing to ask you," aniya't napalunok matapos niyang inumin ang heineken. Bumuga siya ng hangin at ang kabilang linya naman ay tahimik lang na tila hinihintay pa ang kaniyang susunod ns sabihin. Tumikhim siya kasabay ng paghawak sa kaniyang sentido.
"I want a DNA test just to prove that she is my mother,"
Hindi na nakasagot pa ang pinsan niya kaya binaba na ni Justin ang tawag at saka napatitig na lang sa screen ng kaniyang phone.
Hindi niya alam pero tila namanhid na ang sistema niya sa mga nababalitaan. Pero gaya ng hiling ng mommy niya sa kaniya, ay huwag na niya itong sabihin muna kay Joselle. Dahil nalaman ng mommy niya ang totoo niyang nararamdaman sa kapatid. At habang naalala niya iyon ay hindi niya maiwasang magalit.
Namuo ang kaniyang kamao habang nayuyupi ang lata ng alak na hawak hawak niya. Napalunok siya at saka nagtungo sa sala.
Wala na rin siya balita kay Joselle at ganoon pa rin ang nararamdaman niya rito. Ni hindi man lang siya nagtapat nang maayos dito.
Pero kung aalahanin niya ang nangyari kay Zenaida, may parte rin sa kaniya na nalungkot. Nalulungkot siya dahil minsan niya lang nakilala ang totoo niyang nanay ay ngayon pa ito nawala. Dahil na rin siguro sa pagkabigla niya. Hindi niya rin kasi inakala noong panahong iyon kaya siya nabigla. Napabuga na lang siya ng hangin nang at saka binuksan ang kaniyang facebook.
Wala namang bago pero naalala niya na naman ang taong nais makita ng puso niya. Ang taong labis niyang minamahal mula pa noon, at dahil mukhang may pag-asa pa siya sa dalaga ay itutuloy niya na rin.
Hindi pa niya kinakausap ang kaniyang monmy tungkol sa pagkamatay ni Zenaida pero panatilihin niya na lang ilihim iyon. Sa halip, ayaw niya rin kausapin ang mommy niya dahil sa inamin nito na sana maaga na lang nito sinabi para maipagpatuloy niya ang panliligaw kay Joselle. Kaso nga lang sinira niya na ito at tiyak hindi na siya mapapatawad ni Joselle sa ginawa niya.
Sa kaniyang messenger naman ay puro message ni Shenice. Hindi niya na rin pinagtuunan nito ng pansin pero ang sabi nito ay sabay silang bumalik ng Amerika. Pero ngayon ay pupunta pa siya ng St. Luke's para magpakuha ng DNA sample at si Karlo naman daw magdadala ng DNA sample ni Zenaida. At ite-test na lang din ito sa clinic.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...