Hindi maalis sa isip ni Justin ang nangyari n'ong isang araw. Kitang-kita niya kung paano umiwas ang kapatid na si Joselle sa senaryong iyon. Hindi naman niya inutusan si Shenice para gawin ito ngunit bakit nito ginawa bigla sa kaniya? May parte sa kaniya ang nakonsensiya at dumating na sa puntong hindi na siya makatulog nang maayos kakaisip sa kapatid. He just felt guilty and that's all that matters. Napahilamos siya ng mukha at saka kumawala ng buntong hininga. Napatingin siya sa salamin habang tinatanong ang sarili. "Bakit pa kasi magkapatid pa tayo? Bakit kasi kapatid pa kita, Joselle? Nahihirapan na ako sa nararamdaman ko!"
Napasuntok na lang siya ng dingding sa labis na inis na nararamdaman niya. Napayuko siya at nakita niyang may tumulong likido mula sa mga mata niya. Napapikit siya nang mariin at kasabay no'n ay ang pagyukom ng kamao niya.
"You don't deserve the pain that you're going through."
Bigla na lang may narinig siyang katok na nagmumula sa labas ng inuupahan niyang bahay. Napaangat siya ng tingin at nakita na naman niya ang sariling repleksyon sa salamin. Naghilamos siya ng mukha at saka lumabas na ng banyo. Wala siyang suot na pang-itaas kaya nama'y pinatuyo niya ang mukha gamit ang tuwalya.
"For a sec!" sigaw niya sa kumakatok sa labas ng gate niya. Hindi niya alam pero wala pa naman siyang pinagsabihan na tao kung saan siya nakatira, maging si Pia ay hindi niya rin ito sinabihan. Sinampay niya sa monoblock ang tuwalya at saka nagtungo ng front door para pihitin ito.
Ginulo-gulo niya ang buhok para naman ay mawisik ang tubig na nandito. Saka siya umangat ng tingin nang magulat siya na si Shenice ito. Naka-spaghetti strap ito na damit at saka naka-shorts na medyo tattered. Ang buhok nito ay medyo wavy at messy tingnan, may kaunting kolorete rin ito sa mukha na siyang nagbibigay ng intimidating looks dito. Nanatili lang itong nakatitig sa kaniya nang nakakaakit.
"Won't you let me in?" Her American accent obviously went out from her mouth. Napataas kilay pa ito sa kaniya habang nakahalukipkip.
"Ah..." nangunot ang noo niya saka tumango-tango. "Yeah, come on in," at pinagbuksan niya ito ng gate. Nakita niyang luminga ito sa paligid ng inuupahan niyang bahay. Alam niyang hindi ito gaano kalaki pero okay na ito para sa kaniya tutal siya naman na mag-isa ang nakatira roon. Hindi naman kasi siya magtatagal doon. Ilang buwan na lang at babalik na muli siya ng Amerika.
Rinig niya naman ang tunog ng stiletto ni Shenice habang sinusundan siya nito papasok sa tinutuluyan niya.
"How did you find me?" takang tanong niya pagkapasok nila ng loob ng bahay. Nakita niyang inilapag nito ang bag na Louis Vuitton at saka umupo na rin sa sofa.
"I don't know... somewhere, maybe?" anito at ihinilig nito ang ulo sa sandalan ng sofa. "Ugh... so hot in here. Paano ka naman nakaka-survive dito? It's a real sauna!" pinaypayan pa nito ang sarili.
"Huwag ka na ngang magreklamo." turan niya at saka kumuha ng isang basong tubig sa ref para ibigay ito sa dalaga at nang nailapag niya na ang baso ay agad siyang hinila nito kaya napaupo siya sa tabi nito.
"You miss me? Hmm?" pang-aakit nito sa kaniya kaya umiwas siya ng tingin dito. Hindi niya alam pero wala na siyang nararamdaman pa rito. Bigla nitong pinulupot ang braso sa leeg niya agad siyang lumayo.
"Whoa... whoa... Shenice," sumama ang tingin niya rito habang si Shenice naman ay tinititigan lang siya.
"I love how detailed your eyes are, Justin. Tingnan mo, your pupil is well rounded." at ngumisi ito na siyang nagpakunot sa noo niya lalo. Tutulak na niya sana si Shenice ngunit dumako ang palad nito sa tiyan niya. "How are these? Masakit pa rin ba?" at inangat pa nito ang damit niya saka hinalikan ang abs niya.
Tinulak niya ng mahina si Shenice at umayos ng upo. "Don't do this." malamig na turan niya. Bahagyang napalingon si Shenice sa gawi niya sabay ng pagtawa nito.
BINABASA MO ANG
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...
