The twins and I are still in the parking lot waiting for Neil. Ang dalawang mukong hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina.
"How did she do that bro? Nasalo niya iyong itlog. Nakatalikod siya bro. Paano niya nalaman na babatohin mo siya? She even used her left hand to catch it." Ace said to us. Kahit ako hindi ko rin mafigure out kung paano niya iyon nagawa. I thought she's a weakling.
"Mukhang masyado natin siyang naunderestimate Jazz. Kakaiba siya. Perez is not a typical teacher." pagpapatuloy ni Axe sa usapan.
I am confused and the boys are bothered. That was the first time na may teacher na hindi tumiklop sa amin. Kapag sa iba nangyari iyon, wala na siyang mukhang ihaharap at kakaripas na iyon palabas ng Patterson High School.
"She's new in PHS right? Sinabi niya iyon noong first day ng class." Napaisip ako lalo sa sinabi ni Ace. We can't check her out kasi kahit magtanong-tanong kami wala din kaming malalaman since kakapasok lang niya sa PHS.
"One more thing, wala akong alam or kakilalang Perez dito sa city natin. Does it mean she came from another place?" Axe said in wonder. He's right. Wala akong kakilalang Perez dito. Our city is small kaya madali lang magkakilakilala ang mga tao. Maybe she's not from here.
I saw Neil approaching us. Saan ba nagsuot ang mukong na ito at ngayon lang siya dumating?
"Hey. Sorry natagalan ako. May dinaanan pa kasi ako sa administration building" sabi ni Neil. He looks tired. Nagmadali siguro siyang pumunta dito sa parking lot.
"You've been to the admin building? Anong ginawa mo doon?" tanong ko kay Neil na abala naman sa pagpupunas ng pawis.
"To get this." Hawak niya ang isang brown envelope. Nakangisi pa siya habang tinitignan kami. Anong laman ng envelope na hawak niya?
"Bro, ano iyan?" sabi ni Ace with curiosity.
"Guess what's inside." sabi ni Neil at mukhang nainis si Ace sa kanya.
"Spill it out!" I said at dahan dahan namang inilabas ni Neil ang laman ng envelope.
The envelope contains a file. I guess galing iyon sa registrar's office. Doon kasi nakastore ang mga files ng students, teachers at iba pang employees ng PHS. Neil handed it to me and I recognize a familiar face from the file's photo.
It's her. I am holding her file and I can clearly read her name, Allison. What a sweet sounding name, naisip ko bigla.
Mukhang gustong gusto rin malaman ng mga taga hell section kung sino talaga si Perez dahil si Neil na ang nagkusa na kumuha ng file niya. His dad is the city's mayor kaya hindi siya puwedeng hindian ng kahit sino sa registrar's office. Because of what happened earlier, lahat kami ay naging curious sa identity niya.
"Let's go boys!" I said to them. Sumakay na ang kambal at si Neil sa kotse ko.
I can't wait to be home. Gustong gusto na kitang makilala Perez.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Teen FictionSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...