I did not tell the boys na nagpunta sa bahay si Perez to cook champorado for me. Well, wala namang nagtatanong kung may dumalaw sa akin pero naisip ko lang na walang dapat makaalam ng pagpunta niya.
After more than a week, nakapasok na rin ako sa school.
"Happy New Year bro!" bati ni Neil sa akin. Nagtawanan naman ang mga boys. Mukhang pinagtitripan ako ng mga mukong.
"Anong kinalaman ng bagong taon sa pagpasok ko?" I said glaring at them.
"Tsk. Slow mo bro!" dagdag ni Neil.
"Sa dami kasi ng polka dots mo sa balat, para kang sasalubong ng bagong taon." Gray said.
Halos gumulong na siya sa sahig sa kakatawa. Ang ibang boys ay masakit na daw ang tiyan. Sino ba kasi ang nagsabing nakakatawa iyon?
I didn't react. I won't give these boys the satisfaction to make me mad or irritated. Sana lang talaga ay magka chicken pox sila sa mukha. Umupo na lang ako at pinanatili ang expressionless na mukha ko.
*****
Wala kaming klase ng first period dahil wala si Perez.Nakapagtataka lang dahil ni minsan ay hindi siya umabsent. No. Don't get me wrong. I'm not worried. Bakit naman ako mag-aalala sa kanya? Mas maganda pa nga sana kung huwag na siyang pumasok kahit kailan.
The day went by smoothly. Nagyaya si Thom na tumambay sa bahay nila. Kahit tinatamad ako ay sumama pa rin ako. Ayokong matawag na kill joy.
Kapag magkakasama kami, kung ano-ano lang ang napag-uusapan namin. Himala rin na walang nagrerequest ng inoman ngayon. Panay lang ang kain namin ng junkfoods.
"Bakit kaya absent si Miss Perez?" pag-iiba ni Neil sa usapan.
Tinukso naman siya ni Ace dahil mukhang namimiss niya daw ang ate crush niya.
Simula kasi noong sinabi ni Perez na she treats us as little brothers and she wants us to consider her an older sister, ate crush na ang laging tinutukso nila kay Neil. Ang mukong ay nababadtrip naman.
"Is she sick? May pinuntahan kaya siya? Kasi tuwing may meeting ang teachers o may pupuntahan siya, parati namang may seatwork na naiiwan sa atin. Pero ngayon wala." sabi ni Mike. Tama nga siya. She doesn't leave her class without giving us something to do.
"Bukas papasok na iyon. Si Miss Perez pa." Neil said smiling.
*****
Today is wednesday at pangatlong araw ng hindi pumapasok si Perez.Ano kayang nangyari sa kanya? Si Neil hindi mapakali. Pati tuloy ang ibang mga boys ay nahahawa na sa kanya.
"Three days na bro. Absent pa rin siya. Tanongin na kaya natin ang head nila? I'm worried." pangungulit ni Neil.
"Relax. Bukas papasok na iyon" sabi naman ni Ace.
*****
Dumaan ang thursday at ngayon ay friday na. Start na ng afternoon classes pero walang Perez na pumasok. The boys can't hide na worried na sila. Lalo na si Neil. Sure akong any moment from now ay magtatanong na siya sa mismong head ng department nila Perez."Ikaw Jazz, hindi ka man lang ba nagtataka kung bakit limang araw na siyang wala? No one knows the reason. Ganyan ka ba talaga katigas sa kanya?" Neil suddenly asked me.
Iniisip ko din naman kung bakit hindi siya pumapasok. I also want to know kung anong nangyari. Pero wala sa level ng pag-aalala ang nararamdaman ko. Perhaps, it's just a feeling of curiosity.
Neil sighed nang wala siyang marinig na sagot sa akin. Umalis siya at nagpaalam na pupunta sa SocSci department para magtanong.
Dahil vacant naman namin, dito sa rooftop kami tumambay. I'm quiet restless. Hinihintay ko si Neil. Ano kaya ang sabi ng head nila?
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Teen FictionSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...