Today's the first day of school. Nagkalat ang mga excited na students around the campus. Nagmistulang reunion ang muling pagkikita-kita ng mga magkakaibigan, magkakaklase at magbabarkada.
Para sa mga matitino at very driven sa pag-aaral, ang new school year ay pagpapatuloy ng kanilang goals na mag-excel sa klase at makakuha ng sandamakmak na awards and recognitions.
Para sa mga happy-go-lucky, ang new school year ay kagaya din ng mga nakaraan. Papasok sa klase, gagawa ng projects at assignments, kukuha ng periodical exams at bahala na kung papasa o babagsak. Come what may kung baga.
Para naman sa mga katulad ko, ang new school year ay super exciting. Exciting in a different way dahil ang unang araw ng pasokan ay simula ng pagpapahirap sa mga teachers na mapupunta sa pinaka notorious section na kinabibilangan ko.
Kagaya ng dati, sa last section na naman ako.
Pagkapasok ko ng classroom tumambad agad sa akin ang mga pamilyar na mukha.
Magulo ang loob. Chairs are everywhere. Nagkalat ang mga gamit at napaka ingay ng mga tao. Napangisi na lang ako at nakisabay na rin sa payabangang usapan ng mga classmates ko.
After several minutes, tumunog na ang bell. Wala ni isa ang pumansin dito. Nagpatuloy kami sa paggawa ng ingay at pagbabatuhan ng kung ano-ano. Sa likod ng classroom nagsimula nang magbunong-braso sina Bruce at Gray at mas lumala pa lalo ang ingay at gulo.
In the middle of chaos, isang babae ang pumasok at tumayo sa harap ng classroom. I scrutinized her from head to foot.
She's wearing thick eyeglasses. Iyong eyeglasses na para sa mga nerd. She's quite tall at katamtaman ang pangangatawan. She wears cheap clothes - shirt, pants and pink shoes. Mukha rin siyang lampa.
Parang ako lang ang nakapansin sa kanya dahil maingay at magulo pa rin sila.
"Good morning class!" bati ng babae sa amin. Sandaling natigil ang mga classmates ko at napatingin sa nagsalita. "I am Allison Perez your section adviser and at the same time your Social Science teacher." pagpapatuloy niya.
She finally got everyone's attention at kami ay tumahimik at nagsi-upoan na. The teacher smiled at us. She seems very happy. You can see how excited she is to meet our class.
Little did she know na hinding hindi magiging masaya ang magturo sa amin. Dahil sa hell section, walang teacher na nagtatagal. No one can teach and handle us.
Hindi gugustohin ng kahit sino man ang magturo sa amin - ang devils ng hell section.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
TeenfikceSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...