24. UNDER THE WEATHER

3.7K 113 7
                                    

Two days na akong absent dahil may sakit ako. I got chicken pox. Ang malas diba? Ayoko pa namang nagkakaroon ng scars.

My dad and mom aren't home. Si dad ay out of the country while mom is in Manila. Busy sila sa business. Kaya sanay na rin ako na madalas silang wala. Mga maids lang ang kasama ko dito sa bahay.

Bored na ako. Ayaw naman akong dalawin ng mga boys dahil baka mahawa daw sila. Ang arte ng mga mukong.

Tulog at kain lang ang ginagawa ko. Kapag super bored na talaga ako, nanonood ako ng movies or naglalaro ng online games.

"Sir ready na po ang lunch ninyo." sabi ni manang.

Kapag ganitong may sakit ako, hindi ako makakain ng mabuti. I don't have the appetite. Namimiss ko tuloy si mom lalo na iyong special champorado niya.

Noong bata kasi ako laging ganoon ang niluluto niya for me. Feeling ko ay mabilis akong gumagaling dahil sa sarap ng champorado niya. Pero noong lumaki at lumawak pa lalo ang business namin, naging busy na siya at wala ng time na magluto for me.

Sinusubukan namang magluto nila manang pero iba pa rin iyong kay mom. Kapag ganitong may sakit ako ay walang nag-alalaga sa akin. I always refuse to be confined in the hospital. I hate staying there.

Naalala ko bigla si Neil kaya I decided to call him. Sumagot naman agad ang mukong.

"Jazz. Magaling na ba mga butlig mo sa katawan bro?" tukso niya.

"Sana magka chicken pox ka rin pero sa mukha lahat lumabas." banat ko sa kanya.

"Sorry bro pero tapos na akong magka chicken pox." iyon naman pala. Finally ay may makakadalaw na sa akin dito.

"Good. Daan ka dito sa bahay after class. Movie marathon tayo." I said happily.

"Naku bro sorry. May family dinner kami. I need to go home early." Nadisappoint tuloy ako.

"Ok bro. I understand. Sige. I'll hang up na." Naglaro na lang ako ng online game para mawili.

*****
I'm still sick. Nakaka senti pala ang magka sakit. Nagiging mainitin din ang ulo ko. Ang mga maids ang napagbubuntonan ko ng inis at galit.

Panay ang tawag ni mom sa akin pero minsan lang ako sumagot. Akala ko sanay na akong wala sila dito. I thought ok lang na wala sila kapag ganitong times na may sakit ako, pero hindi pala. Nalulungkot tuloy ako.

Hindi ko nauubos ang food na hinahain nila for me. I really want mom's champorado.

"Sir Jazz kumain ka naman ng marami. Ako ang papagalitan ng mama mo kapag hindi ka kumain." sabi ni manang.

"Wala akong gana." matamlay na sagot ko sa kanya.

I'll be fine kapag nakakain ako ng masarap na champorado.

I fell asleep dreaming of mom taking care of me and cooking her special champorado for me.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon