Wala na sina daddy at mommy pagka gising ko kanina. Nasa Manila na siguro sila ngayon.
Last night, we talked as a family. Pinag-usapan namin ang desisyon na kailangan naming gawin. Dad included us in making the decision. Mahalaga sa kanya ang opinyon at saloobin namin ni mommy. In the first place, we are a family. At ang isang pamilya ay nagdadamayan at nagtutulongan.
Sa huli ay nakapag desisyon din kami. We came up with the right and the best decision. Ibebenta ni dad ang kanyang mga natitirang shares. It was a difficult decision. A sacrifice rather. Dad can endure losing his beloved company but he can never endure seeing his people lose their jobs. Because of this, I admire him even more. Napaka buti niya talagang tao.
Kailangan naming maghanda sa mga pagbabago. Everything will be much different the moment we lose the company. Alam kong makakabangon din kami but that will take time. Ang mas mahalaga sa amin ngayon ay maisalba ang kompanya at ang mga taong buong pusong nagsilbi dito.
Wala pang kasiguradohan ang mga bagay pero one thing is for sure. We will never regret the decision we have made.
*****
"Sali tayo!" malakas na sigaw ni Henry.Nasa labas pa lang ako ng classroom pero dinig na dinig ko na ang ingay ng mga mukong. Isa ito sa mga bagay na hindi na kailanman mababago sa amin.
"Sige na. Sali na tayo. Since grade 7 pa ang contest na ito pero hindi pa tayo sumali kahit minsan." pangungulit na naman niya.
Anong contest ba ang sinasabi niya? Wala akong oras sa mga kalokohan.
"Jazz!" masayang tawag ni Henry sa akin. "Sali tayo sa contest."
"Anong contest?" I sound uninterested. Hindi naman talaga ako interesado sa kahit ano mang contest. Wala siyang mapapala sa akin.
"Teachers and Students Talent Contest!" halatang sobrang excited ang mukong. Taon-taon ginaganap ang talent contest na iyon at taon-taon din namin iyong dinededma. Seriously? Hindi ko maisip ang mga boys at mga teachers na magkakasama sa contest. Hindi ko maimagine. It will be a tragedy.
"I know what you are thinking bro. Iniisip mo na hindi puwede, imposible, kalokohan. Hindi ba?" Exactly. I don't know that this dude can read minds.
Pero hindi pa pala siya tapos. "Kaya natin. Posible bro. Kaya ipupush natin ito." Humalakhak pa ang mukong.
"You sound gay Henry." pambabara ni Thom.
Sorry na lang pero wala akong balak sumali. Bahala siya. Bahala sila.
"Sumuko ka na bro. Walang sumasang-ayon sa iyo." Duke teased him.
Ngumiti naman ng nakakaloko si Henry. "Sorry na lang kayo. Niregister ko na ang section natin." Ngiting tagumpay ang mukong.
"Ano?!" We reacted in chorus.
"Nagregister na ako kahapon pa. Wala ng atrasan ito mga boys. We are joining." Henry said triumphantly.
Napakamot na lang ako sa ulo.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Genç KurguSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...