65. TEARS AND BLOOD

2K 77 3
                                    

We are a few meters away from the warehouse. I checked the time. Alas nuwebe na pala.

Dalawang oras na rin kaming nagmamanman. Tama nga si Herrera. Tuwing alas otso ng gabi ay umaalis ang dalawa sa mga bantay. Wala kaming ideya kung saan sila pumupunta.

Like what we have expected, apat na lang ngayon ang nagbabantay. For a man like Condrad Cheng, tila ba masyadong maluwang ang security sa warehouse. Perez is here kaya nakapagtataka na wala silang masyadong tauhan. It worries me. Sana lang ay hindi kami mapahamak at makaalis kami ng ligtas.

Until this moment, I am still bothered. Why did they do this to her? Did her father know?

Hindi pa kami kumikilos. Sabi ni Herrera ay hindi daw kami puwedeng magpadalos-dalos. He will give us the signal. Kailangan pa ng kaunting pasensiya.

Hindi nagtagal ay nagsalita na siya.

"It's time boys."

We had a last minute change of plan. Si Herrera ang bahala sa dalawang bantay sa labas dahil sila ang may mga dalang armas. Kami naman ni Neil ang papasok sa loob. Dadaan kami sa likod ng warehouse. Herrera spotted a door at the back earlier.

Naglakad na kami ni Neil patungo sa likod ng warehouse. Maingat ang bawat kilos namin. We are avoiding to make any noise. The last thing we want to happen is for them to discover our presence.

Ilang hakbang na lang ang layo namin sa may pintoan. Bago kami naglakad palapit ay inobserbahan muna namin ang paligid. Nagtago kami sa likod ng isang puno. Walang bantay pero nakakandado ang pinto.

Mabuti na lamang at may mga dalang gamit si Herrera. He handed us a tool which we can use to destroy the lock.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuloyan na kaming lumapit ni Neil sa may pintoan. Hawak niya ang gagamitin sa pagsira ng lock. Napailing ako nang makita na makapal ang kandadong ginamit. Isang malaking gunting na kayang pumutol ng metal ang dala namin.

I am not sure if Neil knows how to use it.

Sinubukang putulin ni Neil ang kandado. Dahil sa makapal ito ay nahihirapan siya. Kitang-kita ang pagtagaktak ng kanyang pawis. He is having a hard time destroying the lock.

Halos mapatalon naman kami ni Neil sa gulat nang makarinig kami ng kaluskos. Hinanda ko ang sarili ko sa posibleng mangyari. Maaaring mapalaban na kami.

Muli na namang kumaluskos. Naghintay kami ng ilang segundo. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa punong pinagtagoan namin kanina dahil doon iyon nagmumula.

Call us stupid, pero wala kaming dalang armas. Herrera would not allow us to carry weapons. Sana lang ay maging sapat ang mga kamao namin kapag nagkagulo na.

Lumakas ang kaluskos at biglang tumalon mula sa itaas ng puno ang isang itim na pusa. Ito pala ang gumagawa ng ingay.

Itim na pusa. I suddenly had a foreboding. Pero iniwaksi ko ito sa isip ko. This is not the right time to entertain any negative thought.

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwang. Pusa lang pala. Bumalik na ako at ipinagpatuloy ni Neil ang ginagawa.

After several trials, sa wakas nasira din ang lock. Maingat naming binuksan ang pinto. Pumasok kami na parang mga magnanakaw. Maingat ang mga bawat galaw namin.

Maraming mga naka-imbak na kahon dito sa likoran kaya mayroon kaming mapagtatagoan.

May kadiliman ang loob. Dalawa lamang ang ilaw.

Mula sa pinagtatagoan ko ay sinubukan kong sumilip.

Nakita ko ang dalawang bantay at abala sila sa paglalaro ng baraha. Inilibot ko pa ang aking paningin.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon