Hindi man lang siya natinag sa nangyari. Sa halip ay linapitan pa niya ang bantay na may hawak na baril.
"Tell him I'm here." he coldly said.
"Sino ka?" tanong naman ng bantay.
Mabilis ang mga naging kilos ni Herrera. Sinipa niya nang malakas ang baril at tumilapon ito sa malayo.
Ang isa pang bantay ay bumunot ng patalim at sinugod si Herrera. Walang kahirap-hirap naman niyang naiilagan ito. Binigyan niya ng malakas na suntok sa sikmura ang bantay at inagaw ang hawak nitong patalim.
Agad namang nakabawi ang dalawang bantay at sabay nilang inatake si Herrera. Habang nakikipag-laban ay kalmado ang mukha nito. Hindi man lang siya nahihirapang sanggahin at ilagan ang mga suntok at tadyak na ibinibigay sa kanya.
He caught the arm of the taller man. Pinilipit niya ito. Napasigaw ang lalaki sa sakit.
The other man attempted to attack him at the back pero sinalubong niya ito ng malakas na tadyak sa mukha.
Hindi na nagtangkang lumaban pa ang dalawa. Herrera is much stronger than them. Hindi nila kaya ito kahit na dalawa pa sila.
"I know he is inside. Sabihin ninyong nandito si Dee. Ngayon na!" sigaw niya sa mga ito.
Kumaripas naman ng takbo papasok ng villa ang dalawang bantay.
"Sir Herrera! You're amazing! May tinatago ka palang angas." sabi ni Ace sabay akbay sa kanya.
Pinagkagulohan siya ng mga boys. Lahat ay interesado sa mga nangyari.
"Astig mo pala Sir!" hirit naman ni Duke.
"Kayang-kaya ko rin iyon. Naunahan lang ako ni Sir." pagbibiro naman ni Axe.
Dahil doon ay nakatanggap siya ng batok mula sa kambal nito.
"Yabang mo! Mukhang maiiihi ka na nga sa takot kanina." pang-iinis ni Ace.
"That was unexpected Sir. Hindi ko akalaing magaling kang makipag-laban." puno ng pagkamanghang sabi ni Mike.
"Salamat Sir. Akala ko ay papasabogin na niya ang ulo ko kanina." nagawa pang tumawa ni Mike.
Ngumiti lang siya sa amin.
I can't deny it. Maging ako ay sobrang nagulat sa nakita ko. Sino ka Herrera? Ang nararamdaman ko ngayon ay katulad din nang naramdaman ko noong una kong makita si Perez na makipag-laban.
Bakit lahat yata ng taong nakikilala namin ay may itinatagong sikreto? What kind of teachers do we have in PHS?
Sa gitna nang pag-iisip ko ay isang bantay na naman ang lumapit sa amin.
"Naghihintay na siya sa iyo sa loob." sabi nito.
"Stay here boys. Huwag na huwag kayong mangpupumilit na pumasok." paalala niya sa amin.
"Pero gusto naming sumama Sir." Neil said.
"Hindi puwede Neil. Ako lang ang papasok sa loob. Hintayin ninyo ako. Please trust me on this." makahulogan niyang sinabi.
Pinanood namin si Herrera na naglalakad papasok sa villa.
Sino siya at sino ang kaka-usapin niya? Bakit Dee ang tawag niya sa sarili niya?
Many questions are running in my head right now. Nakakalito ang mga nangyari.
I guess we have no other choice but to wait for him here.
Mamaya, pagbalik niya ay kailangan ko siyang maka-usap.
He has a lot of explaining to do.
*****
Kalahating oras din namin siyang hinintay.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Genç KurguSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...