49. BRILLIANT IDEA

2.1K 65 0
                                    

Eversince manalo sina Henry at Mike sa inter-high darts competition ay nagkainteres na ang hell section sa pagsali sa iba't ibang contest kagaya ng basketball at billiards. Marami ang nagugulat sa tuwing mayroon kaming napapanalonan. People think that we are nothing but bunch of bullies and airheads. Hindi nila alam na nag-eexcel kami sa sports.

Pero a talent contest is a different story. Hindi ito basta-basta. Hindi naman sa wala akong kompiyansa sa mga boys. Iniisip ko lang kung anong talent ang ihahanda at ipapakita ng hell section. Besides, hindi lang naman kami ang kasali, kailangan ay may mga teachers na kasama. It's teachers and students talent contest anyway. Sino naman kaya sa mga teachers ang papayag na sumali?

Sa dinami-dami kasi ng kalokohang gagawin ni Henry ito pa ang naisip niya.

Wala kaming klase kay Perez ngayon dahil umattend siya ng meeting. Hindi pa niya alam ang tungkol sa contest. I am crossing my fingers that she will disagree with the idea. Sana lang ay maisip niya na baka mapahiya lang ang section namin.

*****
"Talaga? Wow. Nakaka excite naman." pagsang-ayon ni Perez.

Napapalakpak sa saya si Henry. Napahilamos naman ako sa mukha. Mukhang sasakyan pa ni Perez ang kalokohan ni Henry.

"Paano ba iyan guys? Payag ang adviser natin na sumali tayo. Umpisahan na natin ang magplano." he said happily.

"Sabagay. Wala namang masama kung susubokan natin. Maybe it is not a bad idea at all." Neil said.

Isa-isa namang sumang-ayon ang mga boys kaya naman tuloy ang pagsali ng hell section sa talent contest.

"Kailangang pag-isipan nating mabuti ang concept ng magiging performance ninyo." sabi ni Perez.

"Namin? It can't be Miss Perez. Kailangang kasama ka dahil ikaw ang section adviser." Tama nga si Henry. Kailangang kasama siya since siya nga ang adviser namin.

"Pero ano naman ang talent na maipapakita ko?" Perez said.

"Singing. You are good in singing." sabi ni Bruce.

He is right. Magaling kumanta si Perez. Narinig na namin siyang kumanta noong nasa beach house kami nina Neil. We did not expect na may tinatago pala siyang talent. She can really sing and her voice sounds good.

"Tama si Bruce Miss Perez. Marunong naman sila ni Henry sa musical instruments. Kaya swak na swak kayo." si Duke naman ang nagsalita.

"Kakanta lang kayo? Very ordinary na ang ganyan sa mga talent contest." Gray has a point.

"Sayaw na lang tayo ng K-Pop!" singit ni Ace.

"Acting na lang. Parang iyong ginawa natin noong surprise birthday celebration ni Miss Perez Jazz." Nainis ako sa sinabi ni Neil. Ayoko ng maalala iyon. Nakakahiya ang ginawa namin. That's one of the most embarassing moments of my entire existence.

They are now debating. There are many suggestions. Some are good. Samantalang ang iba naman ay kalokohan lang. Nahihirapan silang mag-isip ng magandang concept. Pursigido sila sa pag-sali.

Tahimik lang ako pero mayroon na din naman akong ideya. Ayoko lang talagang makialam.

"Ugh! May naisip na kayo?" tanong ni Henry.

Umiling naman sila. Maging si Perez ay wala pang magandang naiisip.

"Jazz. Tumulong ka naman." reklamo ni Thom.

"Do a variety show." mahina kong sabi. Iyan lang ang naisip ko.

"Variety show? Why not?" Perez sounds excited.

Lumapit sa akin si Henry at niyakap ako bigla. Hahalik na din sana siya sa akin pero sinalubong ng kamao ko ang mukha niya.

"Jazz bro! Your idea is brilliant!" si Henry.

"Maganda nga ang concept na naisip mo Jazz." Mike agreed.

"You guys can sing, dance and act. Why not roll those things into one? Magvariety show na lang kayo. Hindi na ninyo kailangang magdebate kung alin sa mga iyon ang gagawin ninyo." I said.

"But let me remind you Jazz na you can't exclude yourself. Kasama tayong lahat." Henry reminded me.

Hindi na lang ako kumibo. Everyone seems to be very excited and I don't want to burst the bubble.

"Variety show it is!" Henry said and the boys including Perez cheered.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon