Ilang araw na akong hindi makapag focus sa klase. Iniisip ko lagi ang problemang kinakaharap ng pamilya ko. The boys do not know anything. Wala pa akong napag-sasabihin sa kanila.
Kapag magkakasama kami, I try my best to act normal. Pinipilit kong iwaglit sa isip ko ang problema namin. Our family has never been in a very difficult situation like this.
Marami din namang pinagdaanan ang kompanya. It had its ups and downs. Pero ang sitwasyon ngayon ay hindi basta basta. Nanganganib mawala ang lahat ng pinaghirapan ni daddy at ng mga magulang niya. If worse comes to worst, marami din ang mawawalan ng trabaho.
"A penny for your thoughts." Duke said to me. Bukod kay Neil, malakas din makiramdam si Duke. Alam kong napapansin niya na mayroong bumabagabag sa akin.
Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko. "Bro baka malunod ka sa mga iniisip mo. Anong problema?"
Gustong gusto kong sabihin sa kanya pero hindi pa ako handa na malaman niya o malaman nila ang problema namin. I badly want to get this off my chest but I don't know how.
Tapos na ang first period at umalis na ang lahat papuntang Science laboratory. Paalis na rin sana ako nang tinawag ako ni Perez.
"Jazz. You can tell it to me. Don't keep it to yourself. I'll listen." Alam kong nababasa niya ang mga kilos ko. Alam kong ramdam niya na may mabigat akong iniisip. I guess I can't hide anything to her.
"Business." Iyan lang ang nasabi ko.
"Bakit? May problema ba ang kompanya ninyo?" worry is written in her face. This is the very reason why I refuse telling this to them. Alam kong mag-aalala sila.
"Malaki at mabigat." I sighed. Sabay kaming lumabas ng classroom at pinagpatuloy ang pag-uusap.
"What exactly happened?" tanong niya ulit sa akin.
"Dad has screwed big time. The company has lost millions because of a failed investment. Sa sobrang laki ng nawala mapipilitan si dad na ibenta ang ibang shares ng kompanya. Kung hindi niya ito gagawin ay tuloyang malulugi ang kompanya. Nanganganib mawala ang lahat ng pinaghirapan nila." I finally said to her.
"Anong mangyayari kapag nagbenta ng shares ang daddy mo?" tanong niya.
"The company will survive but sadly somebody else will own it. Hindi na kami ang magmamay-ari nito." I answered bitterly.
Tahimik siyang nakikinig sa akin. "Naaawa ako kay daddy. Dugo't pawis ang naging puhonan niya sa pagpapalago ng kompanya. He dedicated almost his entire life for the company and its employees. Ang kompanya ang naging mundo niya. Nawalan siya ng panahon sa amin ni mommy pero hindi iyon naging dahilan ng kahit anong problema sa aming pamilya. Naintindihan namin. Mom and I supported him. Dad has a great vision not only for the company but also for the employees. Alam mo ba na hindi ang pagkawala ng maraming pera ang iniisip ni dad? Mas inaalala niya ang mga empleyadong mawawalan ng trabaho. He is willing to give up the ownership of the company he inherited just to make sure that his people will not lose their jobs. Mahal na mahal ni dad ang mga tao niya."
Wala pa rin siyang kibo. But I felt relieved. Sa wakas ay nailabas ko na ang iniisip at nararamdaman ko. Gumaan kahit papano ang kalooban ko.
Ten minutes late na ako sa klase kaya naman nagpaalam na ako kay Perez.
"I have to go. Thank you for listening."Nakakailang hakbang na ako palayo nang tawagin niya ulit ako.
"Thank you for trusting me Jazz. Alam kong mahirap sa iyong sabihin sa amin ang problema ninyo pero nagtiwala kang nandito ako at handang makinig sa iyo. This means a lot to me." seryoso niyang sabi.
Her effort to reach out and to listen also mean a lot to me.
"Stop worrying now. Magiging maayos din ang lahat. I got your back." Ngumiti siya at nagpaalam na sa akin.
Napangiti rin ako. Things are hard and complicated now pero masarap sa pakiramdam na may taong hindi ka hahayaang mag-isa. Na kahit anong mangyari ay nasa likod mo lang siya lagi.
I walked towards the scilab feeling lighter now. Sana nga ay maging maayos din ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Teen FictionSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...