46. DOWNFALL

2.2K 73 0
                                    

It is a weekend but I woke up early. I stayed in bed and tried to sleep again. Pero hindi na ako makatulog kaya bumaba na ako sa kitchen to have some coffee. Habang nasa hagdanan ako, napansin ko na may mga luggages sa baba. Are they home? Ang alam ko next month pa pareho ang uwi nila.

I suddenly heard voices. Parang may nag-aaway.

"What are we going to do now Jacinto?" My mom is crying. Halatang halata sa pagkabasag ng boses niya.

"I don't know ok? It is all so sudden. Hindi ko pa alam ang dapat kong gawin." Si dad. He sounds angry and frustrated.

Anong nangyayari? Mom and dad don't argue. Bihira lang. Pero never silang nag-away ng ganito. May problema. I knew it. They are fighting because something is wrong.

I am almost at the living room kung nasaan sila ngayon.

"Hindi mo pa alam ang gagawin? My goodness Jacinto. Do something!" Mom shouted.

"Gagawa ako ng paraan. Just give me time Claudia." sabi ni Dad.

"We can't lose everything Jacinto." Napaupo na si mom dahil sa pag-iyak.

"What is wrong mom? What are we going to lose?" Nagulat sila pareho. They did not know na kanina ko pa naririnig ang sagotan nila.

"Jazz. Bakit gising ka na? Go back to your room." Dad commanded.

"No dad. Narinig ko ang usapan ninyo. Ano ba ang problema? Please tell me." Hinihintay ko na may sumagot sa kanilang dalawa. I badly want to know kung ano ang problema.

"It's nothing son. Please umakyat ka na sa kuwarto mo. We'll talk later." Pinupunas ni mom ang mga luha niya.

"Alam kong may problema. Hindi ako aalis dito. I have the right to know. We are a family. Kung ano man iyan, I know na maayos din natin agad." I said trying to calm them.

Wala pa ring kumikibo sa kanila. I started to worry. Their silence is making me nervous.

"Listen son." Dad started. "Mayroon nga tayong problema. It is about our business. I am afraid that the problem is not easy to solve. Hindi magiging madali ito anak. I lost a huge amount because of a failed investment. Sobrang laki nang nawala sa company natin Jazz. What is left, unfortunately, will not be enough to sustain our business. Kailangan nating ibenta ang iba nating shares. I am sorry Jazz. I am sorry Claudia. Pero we need to prepare ourselves. We might lose everything that we have." Dad let his tears fall down. Umiiyak na rin siya. Nararamdaman ko ang takot niya.

They have invested a lot of time, effort and money for the company. Nakita ko simula pagkabata kung paano inalagaan at pina-unlad ni dad ang company na namana niya pa sa mga magulang niya.

My parents are good people. Dahil sa paglaki ng company namin, marami kaming natulongan. Malinis silang magtrabaho. They make sure na maayos ang services na naibibigay namin. Dugo at pawis nila ang puhunan sa paglaki ng kompanya.

Looking at them now, I feel scared na bigla na lang mawala ang lahat sa amin. My dad is our rock. If he gives up, mawawala talaga ng tuloyan ang lahat.

Is this our downfall? If only I can do something. I need to save the company. Pero paano?

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon