36. THE TRUTH

3.6K 112 0
                                    

Hindi ako mapakali buong gabi. I wasn't able to sleep. I can't still digest the fact na nakilala ko ang multi-billionaire na ama ni Perez.

Pero what bothers me the most ay iyong sinabi niya na hindi kailanman mababago ng isang Chua ang kapalaran niya.

I suddenly feel sad for her. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mas naiintindihan ko na siya ngayon.

Sa pagpikit ng mga mata ko, nakikita ko ang mukha niya. I can see her eyes. Malungkot ang mga ito. Ang mga mata niya ay katulad din ng kay Mr. Chua, puno ng lungkot at pangungulila.

Pinilit kung matulog. I can't keep these thoughts to myself anymore. Bukas na bukas din ay kakausapin ko siya.

*****
She loves what she's doing. Kitang kita ko sa kanya ang passion niya sa pagtuturo. Napakahalaga siguro sa kanya ang ginagawa niya dahil mas pinili niya ang maging isang teacher kaysa maging taga-pagmana.

Tinapik ako sa balikat ni Thom. "Hey. What's with that look Jazz?" tanong niya sa akin.

"Nothing." tipid kong sagot sa kanya.

Tapos na ang klase namin sa kanya kaya naman agad ko siyang nilapitan. She didn't notice me immediately dahil busy siya sa pag-aayos ng gamit.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya at nagtanong "Hi Jazz. Do you need anything?"

Sumagot naman ako ng diretso sa kanya. "Can we talk? It's very important. Kung puwede sana ay tayong dalawa lang at hindi dito sa school."

She seems to understand what I said. "Ok. Doon tayo sa may noodle house. I'll wait for you there."

*****
Wala na ang volkswagen niya noong uwian kaya alam kong nakaalis na siya.

I don't want to keep her waiting kaya sumakay na ako sa kotse at nagtungo na sa may noodle house.

When I arrived there, nakita ko siyang naghihintay sa labas. She smiled when she saw me get out of my car.

"Bakit nandito ka sa labas? Let's go inside." I told her.

"No Jazz. Doon tayo sa may park malapit dito." she answered.

We walked for a while at narating namin ang sinasabi niyang park.

Maganda dito at napansin ko agad na mayroong maliit na treehouse. May playground din para sa mga bata. Humanap kami ng magandang puwesto.

"Madalas ako dito kapag marami akong iniisip. During this hour ay wala ng mga tao kaya tahimik. Nakakapag-isip ako ng maayos." she shared.

"I met your father last night. He was a guest in a dinner party hosted by my parents. Kasama niya si Condrad Cheng." Nagulat siya sa sinabi ko.

"So you finally met him." sabi niya. Hindi ko mabasa ang tono niya.

"Kagabi sinabi niya na ikaw ang taga-pagmana niya. Tinawag ka niyang his runaway heiress. Alam kung nagkalamat ang relasyon ninyo bilang mag-ama. Pero gusto kung maintindihan kung bakit mo pilit linalayuan ang kapalaran mo. Ipaliwanag mo sa akin." Pinilit kong magsalita ng kalmado.

Pumikit siya saglit. Alam kong she is trying to compose her thoughts.

"Nag-iisang anak din si daddy. Kagaya ko, siya rin ang taga-pagmana ng kanyang pamilya. Bata pa lang siya ay hinanda na siya sa mga magiging responsibilidad niya. He will take over an empire.

Pinilit niyang tanggapin ang kapalaran niya pero hindi niya kinaya ang bigat ng magiging responsibilidad niya. Umalis siya at iniwan pansamantala ang kanyang pamilya.

He went to China. Sa Shanghai siya namuhay ng tahimik at doon din niya nakilala si mommy. My mom's name is Alais Perez. She's half-chinese. Nagkakilala sila dahil kay Condrad Cheng. Si Condrad ang unang naging kaibigan ni daddy sa Shanghai and my mom was introduced by him.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon