41. CHOICE

2.3K 71 0
                                    

I can feel the gravity of the situation. Perez has to make a choice. Isa lang sa aming tatlo ang maaari niyang iligtas.

Buong tapang namang nagsalita si Perez. "Let us not complicate things Barron. Let them go at ako ang kunin mo. Are you turning into a coward now? Natatakot ka ba na patumbahin ng isang gangster na katulad ko iyang mga tauhan mo?"

"Don't dare me Alli. Pero kung nagtatapang tapangan ka, sige pagbibigyan kita." Sumenyas si Barron at lumapit ang tatlong tauhan niya kay Perez. Anim lahat ang mga kasama niya.

Sabay sabay nilang sinugod si Perez. Pero kayang kaya niyang sabayan sa laban ang mga ito. Ilang minuto lang ay tumumba na ang isa. Sa lakas ng sipa at suntok ni Perez ay hindi na ito makabangon.

Pinagtutulongan siya ng dalawang naiwan. Nasuntok sa sikmura si Perez. Halatang nasaktan siya pero pinilit niya pa ring lumaban. Biglang naging mabilis ang paggalaw ni Perez at hindi ko na namalayan ang mga nangyari. Nakita ko na lang ang dalawang lalaki na nakahandusay sa sahig. Namimilipit ang mga ito sa sakit.

I don't know where she is getting all her strength. I can't help but to admire her more.

"Tumumba na ang tatlo Barron." Perez smirked.

Galit na ang mukha ni Barron. Siya at tatlong mga tauhan na lang niya ang naiwan.

Nakatutok sa ulo ko ang isang baril at ganoon din sina Gray at Mike. Hindi ko alam kung paano matatapos ito. Wala kaming magawa dahil isang maling galaw lang ay puwedeng sumabog ang mga ulo namin.

"I can't hurt you pero sila kaya kong saktan." tumawa na naman si Barron.

Kami na ang binalingan niya. Isa-isa niya kaming pinag susuntok at pinag tatadyakan. Pumutok na ang bibig ko sa lakas ng suntok niya sa mukha ko. Hindi ko na rin maimulat ng maayos ang isang mata ko. Sobrang sakit ng katawan ko.

Mas malala pa ang ginawa niya kina Gray at Mike. Halos maubo na ng dugo si Gray sa sobrang pagka bugbog niya.

"Enough!" sigaw ni Perez. Galit na galit na ito. "Ako na lang Barron. Huwag sila."

"Dahil mapilit ka, pagbibigyan kita." sagot nito.

Linapitan siya ng tatlong lalaki. Hindi ko gusto ang mga susunod na mangyayari.

"Sasalohin ko lahat. But please don't touch my students again." malumanay niyang sinabi.

Pagkatapos noon ay pinagtulong tulongan nila si Perez. Maraming suntok at tadyak ang binigay nila sa kanya. Hindi ko kayang makita siyang ganito. She is helpless. Dumudugo na ang mukha niya sa labis na pagkabugbog. I am mad at myself dahil hindi ko siya matulongan. Alam kong ganito rin ang nararamdaman nila Gray at Mike.

We badly need help. We don't know what Barron will do to us after this. I am afraid for our lives.

Nakahiga na si Perez. Hindi na siya maka kilos sa sobrang pagka bugbog.

"That's what you get for being too brave. Nagkamali ka nang kinalaban Alli." sabi ni Barron.

Labis naman ang pagka bigla ko nang makitang unti-unting bumangon si Perez. Pinipilit niyang tumayo. Nang nakatayo na siya ulit ay pinunasan niya ang dugo sa bibig niya. Ibang iba ang aura niya. She looks dangerous.

"It's not over yet Barron. Pinagbigyan ko lang ang mga bata mo." Perez smirked and attacked the men.

Tumumba agad ang isa sa tatlo. Bakas ang galit sa mga kilos ni Perez. Malalakas na suntok at tadyak ang pinakawalan niya. Naririnig ko ang mga butong nabali sa lakas ng mga iyon.

Natalo niya ang mga tauhan at si Barron na lang ngayon ang naiwan.

"Ano na Barron? Ikaw at ako na lang ang kailangang magharap ngayon." hamon ni Perez.

Hawak ni Barron ang isang baril. Itinutok niya ito sa kanya.

"We are not yet finished. Papatayin muna kita." pagbabanta ni Barron.

Kalmado lang si Perez. Hindi siya kumikilos at mukhang tinatantiya ang sitwasyon. Ilang hakbang na lang ang layo ni Barron sa kanya.

"Magpaalam ka na Alli. You'll die now!" sigaw ni Barron.

Ayokong makita ang mangyayari kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa loob. Natatakot akong buksan ang mga mata ko. Nakarinig din ako ng isang malakas na pagbagsak sa sahig.

Nanginginig ang katawan ko. Naghihina na rin ako. Suddenly, I felt a hand touching my face. I opened my eyes and saw her smiling at me. Tinggal niya ang mga tali ko sa kamay at paa.

"Huwag ka ng matakot Jazz. Tapos na. We are safe." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. She is alive. Ligtas si Perez. Sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya. Buhay kaming lahat.

Tinignan ko si Barron na nakahandusay sa sahig. Is he dead?

"He's alive. Tulog lang siya. I gave him a punch that caused him to lose consciousness." ngumiti siya sa akin.

Moments later, nakarinig kami ng police siren. Help has finally arrived. Pumasok sila sa yatch at dinampot si Barron at ang mga tauhan niya. They will surely rot in jail.

Inilabas na rin kami at sinakay sa ambulansya.

I looked at Gray and Mike. I'm glad dahil safe kaming lahat.

Tama nga ako. This trip indeed has been memorable. Hindi ko ito kailanman malilimotan.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon