Saturday na, hindi pa nawawala ang mga chicken pox ko. Bakit ba kasi hindi ako nagkaroon ng ganito noong bata ako? Nakaka inis naman oh.
Nasa kwarto pa rin ako at nakahiga. It's 10 o'clock. Tanghali na. Narinig ko kanina na kumakatok si manang pero hindi ako nag-abala pang sumagot. Kung tatawagin niya ako for breakfast, wala akong gana.
After an hour, bumaba na rin ako because my stomach is already growling. Gutom na ako.
Pababa na ako ng hagdanan. I stopped dahil may naamoy ako. Naaamoy ko ang niluluto sa baba. Is mom here? Naaamoy ko ang special champorado niya.
I hurriedly went downstairs. Dumiretso ako sa kitchen. Nakita ko si manang kasama ang isang babae. To my disappoinment, hindi si mom ang nagluluto.
"Sir Jazz, bumangon ka na pala. Sakto malapit na siyang makaluto." manang said.
Tinignan ko ulit ang babaeng busy sa pagluluto. She's not one of our maids kasi hindi siya nakasuot ng uniform.
Naka t-shirt siya at jogging pants. Pink ang sapatos niya. Parang iyong kay Perez. Teka. Shoes yata ito ni Perez. Siya ba ito?
"Tapos na!" she said. Tama nga ako. Si Perez ang nagluluto. Wait. Si Perez nandito sa bahay?
She's wearing an apron at mukhang nag-enjoy siya sa pagluluto.
"Who gave you permission to be in our kitchen? Bakit ka nandito sa bahay?" Nakakainis. Ang lakas ng loob niyang pumunta dito.
"Ah Sir. Maagang pumunta si Miss Perez para dalawin ka. Kinakatok kita kanina pero hindi naman po kayo sumagot. Pinapasok ko siya Sir." pagpapaliwanag ni manang.
"Ano ka ba Jazz. I'm here to visit you. Umupo ka na diyan at iseserve ko na iyong niluto ko." Nagluto siya?
"I'm not hungry. Puwede ba umalis ka na." naiirita kong sabi.
"Don't worry. Uuwi din ako mamaya pagkatapos mong kumain. Niluto ko ang favorite mo." she said smiling.
Nilapag niya sa dinning table ang niluto niya. Champorado. Nagulat tuloy ako. How did she know na ganito ang gusto ko lalo na kapag may sakit ako?
"Hindi ako gutom Perez." pagmamatigas ko.
"Sir ilang araw na po kayong hindi makakain. Alam ko po na iyan ang gusto ninyo pero hindi ko makuha iyong recipe ng mama mo. Sabi ni Miss Perez susubokan niyang magluto para sa iyo." Hindi ako makapaniwalang mag-aabala siyang magluto para sa akin.
Tinuro ni mom kina manang kung paano lutuin ang special champorado pero hindi nila makuha iyon. Hindi special ang niluluto nila for me.
Tinignan ko lang ang champorado na nakahain sa harap ko. Weird man pero kasing amoy ito ng luto ni mommy.
"Kain na." Perez said. Gutom na gutom na ako pero ayokong kainin ang luto niya.
"I said I'm not hungry." Pero traydor ang tiyan ko. Bigla itong kumalam, tanda na gutom na gutom na talaga ako.
"Ipagtitimpla kita ng juice." Tumalikod siya at pinaghanda ako ng maiinom. Hindi na ako makahindi kaya kumain na ako.
Masarap ang luto niya. Kuhang kuha niya ang recipe ni mommy. Sobrang sarap ng champorado. Mabilis ko itong naubos.
"Ubos na? Gusto mo pa?" tanong niya sa akin at surprisingly tumango ako.
Pinaghain niya ulit ako. At pagkatapos kong kumain ng maraming special champorado, naging magaan at maganda ang mood ko. Pakiramdam ko ay magaling na ako.
Nagpaalam na rin si Perez sa akin at kay manang.
Nang nasa pintuan na siya, nagulat ako sa ginawa ko.
"Perez." I called her. Lumingon naman siya sa akin.
"Thank you sa champorado." halos batokan ko na ang sarili ko nang marealize ko ang ginawa ko.
I said thank you and I think sira na rin ang ulo ko gaya ng kay Neil.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Genç KurguSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...