Tahimik kaming lahat. Nobody dared to speak first. Nakatingin pa rin ako kay Perez na bahagya nang nakayuko.
All of a sudden, she spoke and said "Ok boys. Let's forget what happened earlier. Nothing has happened, understood?" She paused for a while and continued "I got a tattoo. Nakita na ninyo pero it doesn't mean anything. Tattoo lang siya na pinalagay ko years ago."
Pinakinggan lang namin si Perez pero we don't believe na walang ibig sabihin ang centipede tattoo niya sa leeg.
"It's getting dark. Umuwi na tayo." After that, I saw her smiled at us and went inside her car. You are really something Perez, I said to myself.
Nagdecide na rin kaming umuwi na. What just happened was so exhausting. Sumabay si Neil sa akin sa pag-uwi. Mukhang sa bahay na naman magpapalipas ng oras ang mukong.
Tahimik pa rin kami while we are in the car. Kakalabas lang namin sa may gate ng school nang biglang may mga lalaki in motorcycles ang humarang sa amin.
I saw them and I started to panick. Ang mga nakamotor na lalaki ay mga members ng gang na nakasagupa ng hell section noong minsan kaming nagpunta sa isang bar. Masyado kasi silang mayayabang kaya nag-init ang mga boys at nakipagrambulan sa kanila. Dahil sa mas marami kami, bugbog sarado sila. Pero tanda ko pa ang pagbabanta nila na babalikan kami.
They are here now. Duwag ang mga mukong. Tinaon nilang kami lang ni Neil ang magkasama. Anim sila at dalawa lang kami. Kilala ang taga hell section na sanay sa basag-ulo kaya hindi kami uurong ni Neil kahit dehado.
Bumaba kami ng kotse ni Neil. "Buti maayos pa ang mga pagmumukha ninyo pagkatapos namin kayong bugbogin?" matapang na tanong ni Neil. Halata namang nainis ang isa sa mga lalaki na may hawak na baseball bat.
"Tumahimik ka Guzman dahil lulumpohin namin kayo ni Sison. Lintik lang ang walang ganti." Sumugod ang mga lalaki sa amin. Magaling kami sa away, kayang kaya namin ni Neil makipaglaban sa anim na mukong na ito.
Napatumba ko ang tatlo kaya tumakbo ako papunta kay Neil na pinagtutulongan ng dalawang engot. Tutulongan ko na sana siya nang maramdaman kung may humampas ng malakas sa likod ko. Napahiga ako at hindi na makatayo sa sobrang sakit.
Bugbog na rin si Neil at marami ng sugat at pasa sa mukha. Hinang hina na siya. Pareho na kaming hindi makalaban sa kanila.
Tinulak ni Neil nang malakas ang lalaki sa harap niya pero gaya ko ay hinampas din siya ng baseball bat. Nawalan na ng malay si Neil sa lakas ng pagkakatama sa kanya.
"Get up Neil!" sigaw ko. Tumayo ako para lapitan sana si Neil but one of the guys pushed me and punched my face. I can't believe na hindi ko kayang i-defend ang sarili ko ngayon. I am mad and frustrated.
Pinagtulongan akong itayo ng dalawa sa anim na lalaki. "Humanda ka na Sison dahil lulumpohin na kita." sabi ng isa sa kanila. Pinikit ko na lang ang mata ko at hinintay ang muling pagtama ng baseball bat sa akin. Pero lumipas ang isang minuto na wala akong naramdaman. Nabitawan ako ng dalawang lalaki kaya napaupo ako.
Laking gulat ko nang makita ko si Perez na nakikipaglaban sa anim na lalaki. Stupid! Kahit malakas siya wala siyang laban sa mga iyan at sa baseball bats nila. Bakit ba siya nandito?
Namangha ako dahil mabilis niyang napatumba ang dalawa sa kanila. Walang kahirap-hirap niyang sinuntok at tinadyakan ang dalawa pa sa mga ito. She is surprisingly very strong. Dalawa na lang ang natira. Habang abala siya na labanan ang isa, lumapit sa akin ang isa sa dalawa at nagbantang babasagin ang ulo ko kapag hindi tumigil si Perez.
"Pakialamera. Sino ka bang babae ka?" marahas na tanong niya sa kanya. Walang sabi-sabing pinatumba ni Perez ang kalaban niya at agad lumapit sa amin.
Tinanggal niya ang kanyang salamin. Kitang kita ko ang centipede tattoo sa kanyang leeg. Dahan dahan siyang lumapit.
"Ako si Allison Perez. Teacher ako at mga estudyante ko ang sinaktan ninyo. Humanda ka. Dahil kahit kailan hindi ako papayag na may masaktan sa kanila." Sumugod si Perez at walang kahirap hirap na napatumba ang lalaki. Hindi ako makapaniwala. Ang lakas niya. Hindi siya tulad ng inaasahan ko.
"Ayos ka lang ba Jazz?" puno ng pag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango naman ako at tinuro si Neil na nakabulagta pa rin. Tumawag ng tulong si Perez. Ilang sandali lang ay dumating na ang ambulansya at mga pulis.
Nauna nang isinakay si Neil. Bago ako isakay sa ambulansya papuntang ospital, lumapit sa akin si Perez.
"Jazz susundan ko kayo ni Neil sa ospital pagkatapos kung makausap ang mga pulis." sabi niya at hinawakan ako sa balikat. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Bago kami umalis ay nakita ko siyang nakatingin sa akin at nakangiti.
Unti-unting nagsink in ang mga nangyari. I can't believe this. Perez has saved us. Unexpectedly, the enemy became our savior.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Teen FictionSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...