I can't believe Neil has a crush on her. Seryoso ba siya? Ano ang nagustohan niya sa babaeng mahilig sa pink?
Badoy magdala si Perez. Kung makikita mo lang siya ngayon, you'll definitely agree with me.
Naka t-shirt na naman siya ng maluwang. Iyong jeans niya ay maluwang din. Pink na naman ang shoes niya. Napaka badoy talagang tignan. Iyong buhok niya, laging nakatali. She doesn't wear make up. Kahit lipgloss lang sana wala. Wala din siyang jewelries o accessories. This woman needs a make over. Masakit sa mata siyang tignan.
"Ano ang pretty sa kanya bro?" inis na tanong ko sa kanya.
"Her eyes. Her smile. Everything. Araw-araw ay mas gumaganda siya sa paningin ko Jazz." Halos masuka ako sa sinabi ni Neil. Hindi siya maganda. She looks very plain and ordinary.
"You better have your eyes checked Neil." sabi ko sa kanya.
"She is beautiful inside and outside bro. I can still remember how she saved us that night. Kung paano siya nag-alala sa akin at iyong effort niya na bilhan ako ng lemon juice. She got me there bro." Really? So matagal na palang tinamaan ang loko.
Hindi ko na lang pinansin si Neil for the rest of the class. Pero iyong iba, tingin nang tingin sa kanya. Kung alam niyo lang. Nababaliw na ang kaibigan natin.
Bago mag-uwian, Neil told us na magkakaroon ng party ang dad niya this friday. Magbi-birthday na pala si tito mayor and as usual invited kaming mga boys ng hell section.
"Can I bring a date?" tanong ni Bruce.
"Sure. Kayo din boys. You better bring a date 'cause I'll have mine too" sabi ni Neil.
Date? No way. Pupunta akong mag-isa sa party.
*****
Tapos na ang first period. Palabas na kami for our next subject. Nakita ko si Neil na lumapit kay Perez. Ano bang trip ng mukong?Hinintay ko siya sa labas. From here, I can still hear kung ano ang sasabihin niya.
"Miss Perez, dad's having a party tomorrow night. Gusto ko sanang pumunta ka. The boys will also attend." Talaga naman oh. He is inviting Perez. Siya ba ang date niya?
"Thank you for the invitation Neil. I would love to pero wala akong susuotin sa party." she said shyly.
Oo nga naman. Magmumukha siyang engot kapag badoy ang attire niya sa party.
"Ako ang bahala Miss. Please come. Dad will expect you." sabi ni Neil sa kanya.
Siya ang bahala? Hay nako. Ewan ko sa iyo Neil.
*****
Yearly talaga ay magarbo ang birthday celebration ni tito mayor. Marami ang guests. Mostly ay politicians.Napaka ganda ng venue. It's very classy. Halatang pinaghandaan ng mga bisita ang gabing ito. Everyone is in their best. Ellegant suits and gowns ang suot nila. Samahan mo pa ng mga expensive jewelries.
Nandito na kaming lahat. Walang nagdala ng date sa amin. Bruce said na may important appointment daw ang date na dapat ay kasama niya tonight. I know Bruce. Sigurado akong wala naman talaga siyang date.
Si Neil na lang ang wala. Nasaan na ba iyon? Magpapa late ba siya sa birthday celebration ng dad niya?
"Bakit ang tagal ni Neil?" asked Thom.
"Diba may date iyon? Siguro ay sinundo niya ito." sabi naman ni Henry.
The boys don't know kung sino ang dadalhin ni Neil mamaya. Ako lang ang nakakaalam. Actually gusto kong makita kung ano ang itsura niya ngayon. Badoy pa rin kaya siya? I can't imagine seeing her in events like this. Wala naman kasi siyang kaclass-class sa katawan.
Moments later, I saw Neil approaching us. May kasama siyang babae. Teka mukhang hindi naman si Perez ang kasama niya. Sira talaga ang lalaking iyon. Pero mas mabuting wala siya dito. I can't stand her presence.
Malapit na sila sa amin. Napaka ganda ng binibining kasama niya. She looks stunning in that red dress. Bagsak ang buhok nito. Bumagay sa kanya ang pearl earrings and necklace na suot niya.
The woman is looking very confident. Ngiting ngiti si Neil habang kasama ang babae.
Nang nasa harap ko na sila, napansin kong singkit ang mga mata nito. Napaka ganda ng mga mata niya. Hindi tulad ng singkit na mga mata ni Perez.
Natigilan ako bigla. Singkit? I looked at the girl from head to foot. Narealize ko na familiar siya. May kamukha siya.
"Good evening gentlemen. Meet my date for tonight, Miss Allison Perez." parang nabingi ako sa sinabi ni Neil.
There standing in front of us is our teacher. Si Perez nga talaga ang date ni Neil.
Tinignan ko ulit siya and I must admit na maganda rin naman pala siya.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Teen FictionSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...