Sinikap naming malaman kung sino ang gumagawa ng mga ibinibintang sa amin. My mind will explode any moment from now dahil pagod na rin akong mag-isip.
That day nalaman namin na apat sa mga teachers ng PHS ay nagko-complain dahil sinadya daw i-flat ang gulong ng mga sasakyan nila. As expected, kami sa hell section ang itinuturo nila.
Mrs. Villa has instructed us to see her in the guidance office.
"Take your seats boys." she said. The boys started to feel tensed. If this is just an ordinary situation, pagtatawanan ko sila. Never natetense ang boys ng hell section. Ang tatapang ng mga mukong eh.
"I'm sure na aware kayo kung bakit kayo nandito. Dumadami na rin kasi ang complaints sa inyo and I am afraid na kailangan nang ipatawag ang mga magulang ninyo." Ni minsan ay hindi ipinatawag ang mga magulang namin. We did a lot of trouble since grade 7 pero they never called them.
Karamihan sa amin sa hell setion ay mayayaman kung hindi man ubod ng yaman. My parents are well-known in the field of business. We have chains of hotels across the province. Five star ang mga ito.
Neil's dad is our city mayor. Grandfather naman ni Gray ang current governor ng province namin. Vice governor naman ang dad ni Thom.
Kilala din ang family business nila Henry. They own almost all the gasoline stations sa city and sa entire province.
Believe it or not ay isang kilala at magaling na lawyer ang mom ng kambal na sila Ace and Axe. Top architects naman ang parents ni Bruce.
Partners naman sa business ang mga magulang nila Mike at Duke. They own coffee shops and restaurants here and outside the province.
Shareholders ang parents at families namin dito sa Patterson High School kaya siguro ay pinalampas nila ang mga naging kalokohan namin noon.
We did many kinds of trouble dito sa PHS pero wala kaming sinaktan nang matindi kagaya ng sa isa sa mga teachers namin. Mahilig lang kaming mambully at mansindak. Kapag may nasisira kami, we pay for repairs or replacements.
Nakakipagbugbogan at madalas kami sa rambol. Lahat naman ng mga iyon ay outside PHS. But people don't know na ang pagkakasangkot namin sa gulo ay pagtatanggol lang namin sa aming sarili. If we will not fight back, kami ang kawawa.
Hindi kami magalang at disiplinado. We break rules kaya naiintindihan namin kung kami ang napagbibintangan ngayon. Pero we will not pay for things we did not do. Kailangang malinis ang pangalan ng section namin.
"Baki kailangang ipatawag ang mga magulang namin? Have you proven na kami nga ang may gawa ng mga iyon?" I can't hide my anger anymore.
Mrs. Villa looked at me and said "Your section has always been a cause of problem in this school. For the past years ay hindi kayo nagsuffer ng kahit anong consequence. That I think was a big mistake. Mas tumulis ang mga sungay ninyo. Hindi kayo tumigil sa paggawa ng mga kalokohan. Nasanay kayong kinatatakotan ng lahat."
She is angry and we are too. She also said na hindi daw namin pag-aari ang Patterson High School at hindi na daw nila papalampasin ang mga complaints na iyon sa amin.
"Your parents must be here tomorrow. Tatawagan na sila right after you leave my office." sabi pa niya.
"You have no proof na kami ang gumawa ng mga iyon. Until we're proven guilty, hindi ninyo puwedeng ipatawag ang mga magulang namin." galit na sabi ni Neil.
Galit na galit na kaming lahat. Those are pointless accusations.
We are about to leave Mrs. Villa's office when Perez entered.
"Don't leave yet boys. You need to hear what I am about to say." There is a sound of urgency in her voice.
Nagulat naman si Mrs. Villa at mukhang hindi niya gustong nandito si Perez. "You are not needed here Miss Perez." sabi niya.
"At bakit naman po ako hindi kailangan dito Mrs. Villa?" she asked. "My students are here. They are not just my students. They are my advisees. Ako ang adviser nila kaya kailangang nandito ako." Perez bravely added.
"Ipapatawag na ang mga parents nila so I can discuss the consequences these boys will face." Napaka unreasonable naman pala talaga ng matandang ito. Kumukulo na ang dugo ko. Malapit na ring magwala ang mga boys.
"Consequences? Walang kasalanan ang mga boys kaya wala silang consequences na haharapin." Napaka tapang na pagkakasabi ni Perez . "Wala kayong ebidensiya na guilty sila."
"Wala rin naman kayong ebidensiya na inosente sila. It's done. Bukas matatapos ang usapan. We'll call their parents now." Tatayo na sana si Mrs. Villa nang magsalita si Perez.
"Who says we don't have proof?" For the first time I saw Perez smirked. Ang angas pala niya.
She's holding a USB at mukhang nandoon ang sinasabi niyang ebidensiya.
"I can tell you right at this moment kung sino ang may gawa ng mga iyon. I know who the real culprit is." dagdag pa niya.
We are all surprised. Sino ba talaga ang gumagawa sa amin nito? I can't wait to see the evidence.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Teen FictionSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...