60. BACK TOGETHER

2.2K 80 7
                                    

According to my mom, I was unconscious for two days.

Mom also told me that Neil came right after I was rushed in the hospital. Sobra daw siyang nag-alala lalo na't siya ang huling kasama ko bago ako napahamak. The dude was so guilty. Sayang nga lang at hindi ko nakita ang mangiyak-ngiyak niyang mukha noon.

Dalawang linggo akong magrerecover dito sa ospital. Luckily ay wala naman akong major injuries. Bugbog sarado lang talaga ako. I guess I am really a tough guy.

Halos araw-araw ding dumadalaw ang mga taga hell section.

Nagbaon ng noodles, hopia at dumplings ang kambal at si Bruce.

Nagkukulitan sila habang kumakain. The food, especially the noodles, brings back memories. Naalala ko siya.

"Kain na Jazz. Hindi iyan kasing sarap ng luto ni Mang Paosio kaya pagtiyagaan mo na lang." sabi ni Bruce.

Si Mang Paosio ang taga-luto sa noodle house na madalas naming kainan.

"Magpagaling ka. Kapag ayos ka na, ililibre ka namin doon sa noodle house. Eat all you can!" dagdag naman ni Axe.

Sina Henry, Duke at Mike naman ang magkakasabay na dumalaw.

Noong una ay tahimik lang sila. Parang patay na ang dinadalaw nila kaya naman pinagalitan ko sila.

"I am still breathing. Buhay pa ako. Bakit ba ganyan ang mga mukha ninyo? Hindi lamay itong pinuntahan niyo!" singhal ko.

"Ah eh." napakamot sa ulo si Henry.

Nasundan naman ito nang pagbatok ni Mike. Kaya ayon, halos gumulong na sila sa sahig dahil sa pag-gagantihan nila ng batok.

Hindi ko na napigilang tumawa dahil sa itsura nila. Nakakamiss pala ang tumawa. Sa dami nang nangyari these past few days, muntik ko na yatang makalimotan ang ngumiti at tumawa.

The following morning ay kompleto ang mga boys. Nagkuwentohan at nagtawanan lang kami buong araw.

Akala ko ay magkakawatak-watak na kami. Kailangan pang mabugbog ako para lang magkasama-sama ulit kami. I laughed inside because of that thought.

We are back together. Buo pa rin ang hell section. We lost her but we will never lose each other. Mananatili kaming buo kahit ano pa ang mangyari.

"Namiss ko ito. Nakakamiss pala kayo." sabi ni Neil.

Nagtinginan sila at nagulat na lang ako nang lumapit silang lahat sa akin.

"Group hug!" sigaw ni Ace.

Hindi ko man maipakita sa kanila pero masaya akong nandito sila at buo pa rin ang grupo.

*****
Ngayon na ako madi-discharge. Si Neil ang kasama ko ngayon habang inaayos ni mom ang mga papers ko.

Naalala ko ang mga huling nangyari bago ako mawalan ng malay noong gabing iyon.

Somebody came to save me. Hindi ko siya nakita pero narinig ko ang boses niya. I also saw a familiar pair of shoes.

Siya ba talaga iyon? But it's impossible. Maliwanag ang naging huling pag-uusap namin. I knew from that moment na wala na siyang balak bumalik pa.

"What are you thinking?" Neil asked me.

Gusto kong sabihin sa kanya ang mga ito. Pero I have my second thoughts. Ayokong umasa at ayoko rin silang paasahin.

"Jazz I have to tell you something." he continued.

I nodded as a signal that I am listening.

"I went to see her that same night. Naki-usap ako sa mga bantay pero hindi nila ako pinayagang pumasok. Sabi nila ay wala pa daw siya.

I waited outside. Naghintay ako at nang makita kong paparating ang isang sasakyan ay agad akong lumapit dito. Buo ang loob kong maka-usap siya kahit pa marami siyang bantay at posibleng mapahamak ako.

I knocked at her car's window. Nagmakaawa ako sa kanya. Ilang beses akong kumatok at naki-usap. Akala ko ay hindi niya ulit ako pagbibigyan.

I was surprised yet happy when she rolled down the window. Nakita ko ulit siya.

I took that chance to tell her everything that I feel. Inilabas ko lahat ng nasa isip at puso ko. Sinabi ko sa kanya na kailangan natin siya at hihintayin natin ang pagbabalik niya.

When I told her that ay nakita ko ang mapait niyang ngiti.

Alam ko Jazz. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot. She still cares for us. Hindi ko alam kong ano ang pumipigil sa kanya pero alam kong gustong gusto niya tayong balikan.

Bago matapos ang usapan namin, ay may sinabi siya.

She told me to look after you Jazz. Sinabi niya na huwag kitang hayaang umiinom ng mag-isa. Ibinilin din niya sa akin ang mga boys. Maging ako ay sinabihan niyang huwag magpapabaya at huwag magpapasaway.

Naiyak ako sa mga sinabi niya sa akin. Jazz may pag-asa pa. Posible pang mabalik natin siya. Please Jazz let's do everything to get her back."

Perez still cares for me, for us. Posible ngang siya ang tumulong sa akin. To clear my doubts ay sinabi ko na ito kay Neil.

"Bro that night, someonce came to save me. Hindi ko nakita ang mukha niya pero nabosesan ko siya. It was her Neil. Akala ko ay hallucination ko lang iyon but before I passed out nakita ko ang suot niyang sapatos. Hindi ako puwedeng magkamali Neil. Sapatos niya iyon. That was my gift to her. Bigay ko iyon sa kanya noong birthday niya."

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Neil. After several moments ay nagliwanag din ito.

"Tama ako. Mahalaga pa rin tayo sa kanya. We must bring her back Jazz. Gagawin natin ang lahat para mapabalik natin siya." he said.

Yes Neil. By hook or by crook, we will get her back.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon