37. HER FATE

3.3K 98 2
                                    

Pinagpatuloy namin ang pag-uusap. Nandito pa rin kami sa may park.

Nagiging malinaw na ang lahat sa akin.

"Kahit isa na akong gangster noon ay nagdecide pa rin akong magpatuloy ng pag-aral. Nalaman ko rin na pangarap pala ni mommy ang maging isang teacher. Hindi natupad ang pangarap niyang iyon dahil mas binigyan niya ng panahon ang pagiging gangster.

Pumasok ako sa isang top university sa Shanghai. Sinabi ko sa sarili ko na ipagpapatuloy ko ang pangarap ni mommy. Magiging teacher ako para sa kanya. Pinagsabay ko ang pagiging protector at aking pag-aaral.

Nang makapag tapos ako ay nanatili pa rin ako sa Shanghai. Isang araw ay bumalik ng Shanghai si Condrad. Gusto daw akong maka-usap ni daddy. Mabigat pa rin ang loob ko sa kanya kaya hindi ako pumayag. Sinabi na niya sa akin noon na madalas nang magkasakit si daddy. Nakaramdam ako ng awa pero hindi pa rin ako bumalik ng Pilipinas.

Naging protector ako ng isang mayamang Chinese. Isang araw ay may nagbanta sa kanyang buhay. Dahil trabaho ko ang protektahan siya, nakipaglaban ako.

Ngunit natuklasan ko na mayroon pala siyang illegal na ginagawa. Bilang isang protector, mahalaga sa amin ang magkaroon ng magandang repotasyon. Mga taong nasa tama at tuwid lamang ang aming pinagsisilbihan. Ako ang nagsiwalat sa lahat ng mga illegal niyang gawain kaya naman siya ay nakulong.

Naging kalaban ko siya at ang kanyang mga kasamahan. Hinanap nila ako at pilit ginagantihan. Hindi ko na matiyak noon ang kaligtasan ko kaya napag-desisyonan ko nang bumalik sa Pilipinas.

Walang may alam nang biglaan kong pag-uwi. Naghanap ako ng lugar na malayo kina daddy at Condrad dahil alam kung hahanapin at hahanapin nila ako.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na tuparin ang pangarap kong maging isang guro. Natanggap ako sa Patterson High School. Sobrang saya ko noon. Sa wakas ay hindi lang pangarap ko ang matutupad kundi pati na rin pangarap ni mommy.

Habang nasa PHS ako ay ginawa ko ang lahat para maitago ang tunay kung pagkatao. Walang puwedeng makaalam na gangster ako at hindi nila puwedeng malaman kung nasaan ako. Bukod kay daddy alam kung hinahanap na din ako ng mga nakabangga ko sa Shanghai.

Ganoon na lang ang gulat ko nang dumalaw sa PHS si Condrad. Nahanap nila ako kaya nagalit ako ng sobra sa kanila. Noong araw na iyon ay pinaki usapan ako ni Condrad na dalawin si daddy sa villa niya. Nang mahanap nila ako ay bumili pala si daddy ng villa sa labas ng siyudad. Nagmatigas ako. Sinabi ko kay Condrad na hindi pa ako handang makipag kita sa kanya.

Pero pinuntahan ulit ako ni Condrad. Nang sinabi niyang malala ang kalagayan ni daddy ay sumama na ako sa kanya.

May sakit nga si daddy. Hindi na siya makalakad kaya naka wheelchair na siya. Ang laki ng binagsak ng katawan niya. Sabi ni Condrad ay ayaw na daw ni daddy ang magpa gamot.

Pagka tapos ng maraming taon ay noon lang ulit kami nakapag-usap. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya sa akin. Umiiyak siya habang humihingi ng tawad. Nagmakaawa siya na doon na ako manatili. Nag-alala ako sa kalagayan niya kaya pinagbigyan ko siya. Nanatili ako doon ng ilang araw.

Naging maayos naman kami kahit papano. Pero isang araw sinabi niya sa akin na panahon na para manahin ko ang business ng mga Chua. Hindi ako pumayag. Sinabi ko sa kanila na hindi ako Chua. Tinalikoran ko na noon pa ang pagiging isang Chua. Isa akong Perez at wala akong balak na manahin ang kahit ano sa mga yaman niya. Nang araw na iyon ay umalis na ako."

Ayaw pala talaga niyang maging taga-pagmana ng mga Chua. Napakahirap ng sitwasyon niya pero mas pinipili niya kung saan siya magiging masaya.

"Sabi ni daddy sa akin bago ako umalis na wala akong magagawa para bagohin ang kapalaran ko. Isa akong Chua at kahit anong mangyari ay mananatili akong Chua.

Pero alam mo Jazz, naisip ko na tayo at wala ng iba ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.

Tinalikoran ko na ang pagiging gangster. Tinalikoran ko na rin noon pa ang pagiging taga-pagmana ko.

Kung pipili man ako ng gusto ko, iyon ay ang maging guro.

Nang makapasok ako sa Patterson High School at makilala ang hell section, alam ko na sa sarili ko na I finally found the place where I truly belong. Nahanap ko na ang mission ko sa mundong ito.

My fate is not to be a gangster nor an heiress Jazz.

Destiny has brought me to PHS and to your section because I was meant to be a teacher.

Despite all the odds, ito ang pinili ko at pipiliin ko Jazz."

Ngumiti siya sa akin. Napa isip ako sa lahat nang sinabi niya. Perez was already decided. And I know deep inside that I am happy of what she has chosen.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon