30. FORGIVE AND FORGET

3.4K 109 0
                                    

Naging maayos din naman ang mood ni Gray pagkatapos ng klase namin sa EsP. But I know deep inside ay nagising iyong lungkot at hinanakit niya.

After classes ay nagpahatid pa ang mukong sa akin.

Mabilis lang namin narating ang bahay nila. Bago siya lumabas ay nagfist bump pa ito sa akin. He is trying to look happy. Hindi ko alam pero lumabas ako ng sasakyan para kausapin siya.

"Gray, sandali." sabi ko sa kanya.

"Bakit bro, kailangan ko bang magbayad ng pamasahe?" pagbibiro pa niya sa akin.

"Sira! Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang ba." Tinignan ko siya at hinintay ang sagot niya.

Ngumiti siya sa akin ng mapait. "I have no choice but to be ok Jazz."

Papasok na sana ako ng kotse nang marinig ko si Gray na sumigaw. Natigilan ako at tinignan ang nangyayari.

"I said what are you doing here?!" galit na tanong ni Gray sa kausap niya. Babae ito. Kasing age lang siguro ni mom. Umiiyak siya.

"Gray anak. I'm here for you. Bumalik ako para sa iyo." humahagulgol na ang babae.

Is she his mom? Kaya ganoon na lang pala ang reaction ni Gray.

"Please leave. I don't need you." Punong-puno ng pait ang mga salita ni Gray.

Lalapit na sana ang babae kay Gray pero pinigilan niya ito.

"Don't you dare come near me." Pagkasabi ni Gray iyon ay bumalik siya sa sasakyan ko. Kahit wala siyang sabihin ay alam kung gusto niyang umalis. Pinaandar ko naman agad ang kotse at mabilis na nagmaneho paalis sa bahay nila.

*****
I brought Gray to our house. Pagka dating namin ay nagrequest na siya ng maiinom. Tinawagan pa niya ang mga boys na pumunta dito.

I secretly texted them para ipaliwanag ang nangyari kanina. Mas maganda ngang nandito sila ngayon. Gray needs us.

Dumating ang mga boys after several minutes. Sinabayan nila ito sa pag-inom. Lasing na siya pero sige pa rin siya sa paglagok ng alak. Wala naman sa amin ang kaya siyang kausapin. We don't know what to do. Naaawa ako sa itsura ni Gray ngayon. He looks miserable. Masyado siyang apektado sa pagbabalik ng mommy niya.

Tinignan ko si Neil at naintindihan naman niya ako. Tumayo siya at nag-dial ng phone. Siya lang ang makakapag pagaan ng loob ni Gray ngayon.

*****
"Nasaan siya?" tanong ni Perez pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa bahay.

"He's in the bar area." sagot ko. Sinamahan ko siya papunta doon.

Nadatnan namin si Gray na lasing na lasing. Tawa ito ng tawa. Sinasabayan lang siya ng kambal.

Magbubukas pa sana ito ng isang bote nang pigilan siya ni Perez.

"Enough Gray. Sobrang lasing ka na." Inilayo nito ang mga bote ng alak sa kanya.

"Bakit nandito ka? At ano bang pakialam mo? Iinom pa ako." Ayaw magpa-awat ni Gray.

"Alam ko kung bakit ka nagkaka ganyan Gray. Believe me. Naiintindihan kita." she said that with so much concern.

"Naiintindihan mo ako? Paano? Bakit? Wala ka rin bang kompletong pamilya kagaya ko? Iniwan ka rin ba ng mga parents mo?" tanong ni Gray sa kanya.

"Hindi ka makasagot? Dahil hindi ninyo alam ang pakiramdam ng walang pamilya. You don't know how painful it is to live without them. Iniwan ako ni mommy after silang maghiwalay ni daddy. Tapos bigla siyang babalik at sasabihing she is back for me? Sino ba ang linoloko niya?" tumatawa habang umiiyak na sabi ni Gray.

"Stop acting like you understand me. Dahil kahit kailan hindi ninyo naranasan ang naranasan ko." sabi pa nito.

Tahimik lang na nakatayo si Perez habang pinag mamasdan si Gray.

"We all have our own story to tell Gray. Naiintindihan kita dahil kagaya mo ay iniwan din ako ng mommy ko." nagulat ako sa sinabi ni Perez.

"Pero mas masuwerte ka Gray, dahil ang mommy mo ay bumalik para sa iyo. She's back to make it up to you. Hindi katulad ko. Kahit kailan, kahit gustohin ko man, hindi na babalik si mommy." Nakita ko na may namumuong luha sa mga mata ni Perez.

Natahimik si Gray.

"Forgive and forget Gray. Huwag mong hayaan na mahuli ang lahat. Nandito na ulit siya para sa iyo. Don't waste this chance." mapait na ngumiti si Perez sa kanya.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon