What: Operation Bringing Back Perez
Who: Hell Section Boys
When: NOW. Huwag ng ipagpabukas pa. ASAP. Ang late dumating pangit!
Where: Kaharian ni King Paosio"Message sent!" Neil said with a determined smile.
Pagkalabas ko kahapon ay nagsimula na kaming gumawa ng plano. Nag-isip kami ng mga posibleng paraan para maibalik sa amin si Perez.
Maaga kaming nagtungo ni Neil sa noodle house. Tuwang-tuwa nga si Mang Paosio na makita kami ulit. Dahil sa tuwa niya ay sagot daw niya ang hopia namin mamaya.
Half an hour has passed and the boys have also arrived. Dalawa na lang ang kulang. Kahit kailan ay kasing kupad ng pagong talaga kumilos ang kambal na sina Ace at Axe.
Ilang minuto lang ay dumating na rin sila. Sa wakas.
"Better late than ever!" sigaw ni Axe.
"Never hindi ever!" pagtatama naman ni Ace.
Sumimangot si Axe sabay sabing "Ganoon din iyon. Bakit ba? Tuturoan mo pa ako. You know that I am more intelligent than you."
"Is that a joke? Ikaw ang mas matanda pero mas mahina naman ang utak mo. Mas matataas ang grades ko kaysa sa iyo kaya ako ang mas matalino." Ace answered with so much confidence.
"Why compare your grades? Paano magiging basehan ang mga grades ninyo sa kong sino ang mas matalino? Parehas lang naman kayong maraming palakol. Pasang-awa kayong pareho."
Umugong ang malakas na tawanan sa sinabi ni Mike.
Sabi nila ay tigasin ang mga taga hell section. Hindi lang nila alam na madalas ay para silang mga bata kung mag-asaran.
"Fine. Ako ang mas pogi." muling hirit ni Ace.
"Dream on brother. Mas pogi ako. Sa ating dalawa ako ang mas pansinin ng mga girls." banat naman ni Axe.
At nagsimula nang magbangayan ang kambal. I gave them time to finish their nonsense argument pero dahil mukhang wala na silang balak tumigil ay nagsalita na ako.
"Titigil ba kayo o pag-uuntogin ko kayo?"
The two instantly stopped. Umakto pang nagzizipper ng bibig si Ace. Si Axe naman ay nagkunwari pang takot at nagtago sa likod ni Mike.
Nang tahimik na ang lahat ay sinenyasan ko si Neil na umpisahan na ang meeting. Ewan ko kung meeting ba ang tawag sa ginagawa namin.
"Boys alam na ninyo kung bakit tayo nandito." pagsisimula niya. "We are here to make plans. Kailangan nating magtulong-tulong sa pag-iisip ng paraan upang maibalik natin si Miss Perez sa PHS." Neil said in a serious tone.
Nagpatuloy si Neil sa pagsasalita at ikinuwento din niya sa kanila ang mga nangyari noong gabing nagpunta siya sa villa ng mga Chua. He also shared what I said to him. Nalaman ng mga boys na si Perez ang nagligtas sa akin.
Seryosong nakikinig ang lahat. I can see in their faces the will to do anything and everything just to get her back.
Nagsimula na rin kaming magplano. Para mas mabilis kaming maka-isip ng paraan, I told them to give suggestions. Henry was the first to raise one.
"Kailangang maka-usap ulit natin siya. Neil, bro, she gave you the chance to talk to her. She listened to you. Siguro ay bibigyan din niya kami ng oras at pagkakataong maka-usap siya. Kailangan niya ding malaman ang mga nararamdaman namin. Maybe letting her know how much we want her back will convince her. Baka sakaling lumambot ang puso niya o maliwanagan ang isip niya."
Sumagot naman si Neil. "Hindi madali ang maka-usap siya Henry. Mahigpit ang mga taga-bantay. Kahit anong paki-usap ay hindi sila natitinag. Naka-ilang balik din ako. I was just lucky that night. Natyempohan ko lang ang pag-dating niya sa villa."
Napa-isip ako sa sinabi ni Neil. Bakit kailangang maging mahigpit ang pagbabantay sa villa, kay Perez? Siya ba ang nag-utos nito?
"Then we will wait. Pupunta tayo at maghihintay kahit doon pa tayo sa labas matulog. Hindi tayo matitiis 'non." sabi naman ni Bruce.
Nagbigay pa ng mga suhestiyon ang iba until we all decided to do Henry's suggestion.
Lahat naman ay sumang-ayon kaya nagpasya na kaming magtungo sa villa ng mga Chua.
*****
We are here. Nandito kami sa may harapan ng villa. Kitang-kita mula sa puwesto namin ang mga bantay. Lima ang nasa mismong gate. I'm sure na mas marami pa sa loob.When we came here before, hindi pa ganito karami ang mga bantay. I wonder why the security became very tight. Makapangyarihan nga mga Chua kaya walang magtatangkang gulohin sila. This kind of security is unnecessary maliban na lang kung mayroong ibang dahilan ang paghihigpit na ito.
Tahimik lang kaming nag-hihintay dito sa labas but we know that the guards are observing our every move.
Wala kaming balak manggulo. Besides, hindi namin kakayanin ang mga bantay. We don't know if Perez is inside or if she knows that we are here.
Dumaan na ang tatlong oras pero wala pa ring nangyayari. Then Neil decided to approach the guards. Susubokan daw niyang maki-usap kagaya ng ginawa niya last time.
We watched him approached the gate. Ilang hakbang pa lang ang layo niya ay hinarang na kaagad siya ng isa sa mga bantay.
The guards are not carrying firearms pero alam kong mapanganib sila. Neil is still talking to the guard. Hindi namin marinig ang pag-uusap nila pero based on their actions ay mukhang hindi sila madadala sa paki-usap.
After a few minutes, bumalik si Neil na bagsak ang mga balikat.
"Sabi ng guard ay matagal na daw wala dito sa villa si Miss Perez. Kahit buong gabi at hanggang umaga pa daw tayo dito ay wala ang hinahanap natin. Even if she is inside, hindi daw niya tayo haharapin." Neil told us.
Honestly, hindi ako naniniwalang wala si Perez sa loob. My gut feeling is telling me that she is inside.
Ilang oras pa kaming nanatili. Nang umabot na kami ng gabi ay nagpasya na kaming umuwi.
This is just our first attempt. We already expected things to be like this. Babalik kami. Hindi basta-basta napapasuko ang mga boys ng hell section.
*****
I have tons of work to do kaya hindi ako makapag-update regularly.Our story is almost at its turning point. Pinag-iisipan ko pa ng mabuti kung ano ang mga mangyayari.
Since the first chapter, Jazz has been the storyteller. Maybe in the next chapters to come the story will be narrated in Allison's point of view. Hindi pa sigurado. Baka lang.
Please drop your comments and of course your votes.
Thank you! Keep reading!
😊😊😊
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Teen FictionSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...