62. ALLY

1.8K 63 0
                                    

Since saturday ay araw-araw kaming nagpupunta sa villa. During school days ay every after class kaming nandoon. Halos isang linggo na rin pala kaming pabalik-balik. Pero kahit ganoon, hindi mo kami makikitaan ng pagod. No one is complaining. Ganito kadeterminado ang lahat na mapabalik si Perez.

Yesterday, we stayed until midnight. Kagaya ng dati, hindi namin nakita si Perez. Biyernes na ngayon, mamaya pagkatapos ng klase ay doon pa rin ang punta namin.

"Kung magdala na lang kaya tayo ng tent?" Bruce said.

Nandito kami sa may parking lot. Hinihintay pa namin ang iba.

"Puwede. Sabado naman bukas. Totohanin na natin. Doon na tayo matulog." said Duke.

Sa araw-araw na pagpunta namin sa villa, we did not see or observe any sign of her presence. Pero kahit ganoon, malakas talaga ang pakiramdam ko na nasa loob siya.

Tahimik lang na nagbabantay ang mga guards tuwing nandoon kami. Neil has tried talking to the guards again but they did not entertain him anymore.

"Iyong iba sa sasakyan na lang matutulog." dagdag pa ni Bruce.

Kompleto na ang mga boys kaya ready na kaming umalis. Sina Bruce at Duke naman ay mahuhuli dahil kailangan pa nilang kumuha ng tent at ibang pang mga gamit. If we are in a different situation, I would think that we are going to a camping.

Kasama ko sa sasakyan si Neil at ang kambal. Paandar na ang sasakyan nang humirit si Ace na magbanyo saglit.

While we are waiting, we heard a knock on the car's window. Sa may driver's seat ito kaya ako ang nagbukas.

Outside my car's window is our Filipino teacher. Si Francis Herrera.

"Jazz." he seriously said.

Tinignan ko lang siya at hindi umimik. Neil who is just beside me addressed the teacher.

"Anong kailangan mo Sir?"

Sa klase ko lang siya nakikita. When he is in class, he is all business. Sometimes he talks to the boys about stuffs like music and bands but he never talked to us about serious things.

"Alam namin kung ano ang pinagkakaabalahan ninyo." he said.

"What do you mean?" sagot ko sa kanya.

"Alam naming nagpupunta kayo sa villa ng ama ni Allison." tipid niyang sagot.

Allison. Hindi ako sanay na naririnig ang pangalan niya. Hindi ako sanay na may taong ganoon ang tawag sa kanya. Sanay akong tawagin siya sa kanyang apelyido.

"Alam din namin ang dahilan kung bakit ninyo iyon ginagawa. Gusto ninyo siyang mapabalik. Ganoon din ang gusto ko. Hindi lang ako. Lahat kaming mga teachers ng hell section." pagpapatuloy niya.

Pareho kaming nagulat ni Neil sa mga sinabi niya.

"I'm sure na hindi ninyo alam na kina-usap kami ni Allison noon." dagdag pa niya.

Ikinuwento niya sa amin ang nangyari. Perez talked to our teachers noong sumali kami sa talent show.

During that time ay nagka problema kami sa pagkumbinsi sa mga teachers na sumali kasama kami.

"She talked to us not to convince us but to let us know how much you wanted to join. Sinabi niya sa amin kung gaano kayo ka-excited at kadeterminado.

Honestly, I was hesitant given our not-so-good history. Maging ang iba ninyong mga teachers ay may pag-aalinlangan din noon. But hearing her talking about how much you have changed, we realized that as your teachers we must also support you. Katulad niya ay dapat maging bahagi din kami ng inyong pagbabago.

Allison has so much pride and confidence for you boys. Malaki at malakas ang tiwala niya sa inyo. When she left, alam din namin ang tindi ng impact nito sa inyo, sa ating lahat.

Nalungkot din kami. Akala namin ay babalik kayo sa dating magulo at pariwalang hell section.

Eventually ay nalaman namin ang araw-araw ninyong pagpunta sa villa nila. Alam naming nagbabakasakali kayong maka-usap siya at makunbinsi siyang bumalik.

I am here to let you know that you have our support. Ako at lahat ng mga teachers ninyo ay nakasuporta. Tutulong kami sa abot ng aming makakaya. Just let us know how we can help."

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. After listening to him, tila mas lalong lumakas ang loob ko. We got more reasons not to give up.

*****
Malapit nang dumilin kaya itinatayo na ng mga boys ang tent na tutulogan nila.

Ayokong matulog sa tent kaya doon ako sa sasakyan mamaya. As usual, kung saan ako ay doon din si Neil.

Habang abala kami ay napansin ko ang dalawa sa mga bantay na naglalakad palapit sa amin.

We have been doing this for almost a week now but they never seem bothered. Binabalewala lang nila ang presensiya namin. Ni minsan ay hindi nila kami nilapitan, kina-usap o ginambala.

Ano kaya ang pakay nila?

"Itigil ninyo iyan. Bawal na kayo dito. Umalis na kayo." sabi ng mas matangkad na bantay.

"Hindi kami manggugulo. Alam ninyo kung bakit kami nandito. Kung hahayaan ninyo kaming pumasok at maka-usap si Miss Perez ay aalis din kami." sagot ni Neil.

"Wala dito ang Dragoness." sagot naman ng isa.

"Then we will wait." muling sabi ni Neil.

"Utos sa amin ni Dragoness na paalisin kayo. Bibigyan namin kayo ng limang minuto para tanggalin at iligpit ang mga iyan. Pagkatapos, kailangan ay wala na kayo dito sa harap ng villa." sabi ng matangkad na bantay.

Lumapit si Mike sa kanya. They almost have the same height. Mike is not intimidated at all.

"Hindi. Kami. Aalis. Dito." madiin at matapang na pagkakasabi ni Mike.

Nagulat na lang kami na ang isa pang bantay ay humugot ng baril at itinutok ito sa noo ni Mike.

Kitang-kita ko ang takot sa mukha ni Mike. Marami na kaming gulong kinasangkotan pero lahat ng iyon ay pisikalan. Hindi kami nakikipag-away na may gamit na armas katulad ng baril.

Lahat kami ay nanigas sa takot. Siguro ay kailangan na naming umalis upang maka-iwas sa gulo at kapahamakan.

"Put down that gun."

Napalingon ako sa nagsalita.

"Never point a gun to any of my students. Hindi mo magugustohan ang mangyayari kapag ginawa mo pa iyan." dagdag pa nito.

Ibinaba naman ng bantay ang baril.

Anong ginagawa niya dito? Tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang mga kasama ko at alam kong nagulat din sila sa pagdating niya.

"Sir Herrera." takang sabi ni Bruce.

He is here and I never thought he had the courage to say those words.

Walang ano-ano ay sa kanya naman itinutok ng bantay ang baril.

My Teacher is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon