Napakabilis pala talagang lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay kasisimula lang ng klase.
October na. Four months na rin naming adviser si Perez. Siya ang pinaka matagal na naging adviser ng hell section. Bukod sa kanya ay walang pang umaalis o napapalitan sa mga subject teachers namin. Sabi nga ng mga students at teachers ng Patterson High school, ibang-iba na ang mga boys ng hell section.
I should agree dahil tama naman talaga sila. We have changed.
Everything has changed since she came to our section. Noong una ay ayaw ko ng mga pagbabagong nangyayari sa amin. I hated her dahil pakiramdam ko ay pinipilit niya kaming bagohin. Eventually naisip ko na lahat ng changes na nangyari ay hindi dahil sa kanya.
It was our choice to change for the better. I'm not telling na wala na kaming kalokohan. Hell section is not hell section without the trouble. Inevitable na iyan. I said na we have changed for the better dahil nagmature na rin kami kahit papano.
Mas alam na namin ngayong i-control ang temper namin. Iniwasan na rin namin ang mambully simula noong malaman namin ang nangyari sa anak ni Mang Kaloy na si Charles.
Wala na kaming gulo na kinasasangkotan. Instead ay naging abala kami sa pagsali sa iba't ibang sports competition kagaya ng billiards at basketball.
Mas naging seryoso na rin kami sa pag-aaral dahil sabi ni Perez ay last year na namin ito sa junior high school. Kailangang wala kaming bagsak o problema sa grades para makakuha kami ng magandang track pagka tungtong namin sa senior high.
Ako? Mas naging maganda na ang pakiki tungo ko sa kanya. After that conversation in the coffee shop ay gumaan na ang loob ko sa kanya. Malaking bagay siguro iyong pagbahagi niya ng mga bagay tungkol sa buhay niya. She has trusted us kaya tinuroan ko rin ang sarili ko na magtiwala sa kanya.
I have finally acccepted her.
*****
Nasa canteen kami ngayon dahil recess time.Kami na naman ang pinaka maingay dito. Si Gray, as usual, ay laging pasimuno sa kulitan at kalokohan.
Hindi ko alam ang topic nila. Busy kasi ako sa paglalaro dito sa phone ko. Hinayaan ko na lang silang mag-ingay.
After recess ay EsP ang subject namin. Ang topic today ay tungkol sa pamilya.
Active ang mga boys sa discussion maliban kay Gray. Kapag usapang pamilya kasi ay nawawalan siya ng interes. Naiintindihan namin siya.
Siya lang sa amin ang hiwalay ang parents. Sa pagkaka alam ko ay grade 2 siya noong maghiwalay ang daddy at mommy niya. Hindi namin alam ang buong kuwento dahil ayaw na ayaw niyang pinag uusapan namin ang pamilya niya.
Sa poder ng lolo niya tumira si Gray since his parents separated. Nasa U.S. ang daddy niya with his new family.
Nagpatuloy lang kami sa discussion habang si Gray ay tahimik lang na nakaupo. Natigilan kaming lahat ng sa kanya magtanong ang teacher namin. This is bad. Sigurado akong ayaw niya ito.
"Mr. Mendoza, ano naman para sa iyo ang isang masayang pamilya?" Nakangiti pa ang teacher na nagtanong sa kanya.
Sinesenyasan ito ni Thom na huwag siyang tanongin pero mukhang hindi maintindihan ni Mrs. Tolentino iyon.
"Gray, maaari mo bang sagotin ang tanong ko?" dagdag pa nito.
Tahimik kaming lahat. Last year ay halos magwala si Gray nang sinabihan siya ng teacher namin na magkuwento tungkol sa kanyang pamilya. Ayaw niya noong tumayo at magsalita pero panay ang pilit ng teacher sa kanya. Ang ending ay pinagsusuntok niya ang pader. Pagkatapos ay nag-walk out siya sa klase. Dalawang araw siyang hindi pumasok noon.
Tinitignan lang siya ni Mrs. Tolentino. "Gray?" tawag pa niya dito.
We are surprised nang tumayo si Gray. Akala namin ay magwawala ito pero kalmado lang siyang sumagot.
"I'm sorry pero hindi ako naniniwala sa isang masayang pamilya."
Umupo agad siya pagkatapos niya iyong sabihin. After a long time, mukhang hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso ni Gray.
BINABASA MO ANG
My Teacher is a Gangster
Teen FictionSa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bully, pasaway at takaw-gulong mga estudyante. Hell section is definitely trouble. Every school year, w...