CHAPTER 1
" ..... Baby I'm dancing in the dark, with you between my arms. Barefoot on the grass, listening to my favorite song, I have faith in what I say now I know I have met an angel in person and she looks perfect tonight... " pagstrum ko sa huling key sa guitar at pag tapos ko ng pagkanta ng Perfect ni Ed Sheeran.
" oh? Nagustuhan mo ba mahal? " tanong ko sa girlfriend ko na nakaupo malapit sakin. Nasa isa kaming park na maraming damuhan at naglapag kami ng picnic blanket at may pagkain narin na binili ko at yung bulalak na binili ko para sa kaniya. Actually, 6th monthsary namin ngayon at masaya ako dahil umabot na kami sa pang anim na buwan naming pagmamahalan kaya todo effort naman ako. Sana nga tuloy-tuloy na ito.
" oo na Aljames, alam ko na magaling kang kumanta at maganda boses. " biglang sabi niya habang may nagtatype sa phone niya. Lately parang may kakaiba sa mga kinikilos nitong Girlfriend ko pero hindi ko naman pinapansin kasi baka gaya ng dati moodswing lang niya ito.
" luh siya oh, sungit na nanaman sakin " pabiro kong sabi.
" alam mo mukhang pababa na ang araw at baka itetext na ako ni mama para umuwi, alis na tayo dito " salita niya ulet na ngayon ay gusto na niyang umalis at nagmamadali. Napakunot na ako ng noo.
" luh? Bat parang nagmamadali ka mahal? Monthsary natin ngayon pero bakit parang hindi ka masaya? " tanong ko sa kaniya na ngayon ay nakatayo na siya.
" tsk. Aljames pagod ako galing school at bukas may class pa ako na maaga. Gusto ko ng pahinga " wika niya at tila napalungkot ako dahil feeling ko hindi na siya masaya sakin. Masaya naman siya dati pag nagcecelebrate kami ng monthsary namin at gusto niya matagal kaming magsama kahit pa pagod siya sa school at may class pa kinabukasan. Ako din naman pagod sa school pero masaya ako at nawawala pagod ko kasi kasama ko siya.
" mahal? Pagod ka sa school o pagod kana? " biglang seryoso kong tanong sa kaniya habang tumayo na rin ako at tumitig ng deretso sa kaniya. Kita ko ang biglang pag ilang niya at pagiwas ng tingin sakin. " ano? Sabihin mo sakin? Kasi nung nitong nakaraang araw wala kanang masyadong paramdam sakin at kahit alam kong freetime mo hindi ka na sumasagot ng mga tawag ko at message ko. " naiinis na ako kasi parang wala na sa kaniya ang pageeffort ko.
" aalis na ako. " tanging sabi niya.
" Apple hindi mo pa ako sinasagot " biglang pag hawak ko sa kaniyang braso.
" OO! Pagod na ako. Ayoko na Aljames hindi na ako masaya " at pagkabikas niya ng mga salitang yun ay ang pagsabay kong pagbitaw sa kaniyang braso at tila lahat ng lakas ko nawala.
" so ganun nalang yun? " naiiyak ko ng tanong.
" Sorry pero hindi na talaga ako masaya " at tumalikod na siya, naglakad at tuluyan na akong iniwang magisa. Ganun lang ba yun kadali? Ang bilis naman niyang sinabi na hindi na siya masaya, ang bilis naman niyang sumuko, di kaya naging pampalipas oras lang niya ako?
Napa upo ako at tila napaluha na lamang sa isang napakabilis na pangyayari. Kanina lang ang saya ko pa, pero ngayon wala na, parang gumuho na ang mundo ko. Napapatanong na ako sa sarili ko kung hindi ba ako kamahal-mahal? Tangena! Gusto kong sumigaw dito at magwala. Bat ba ako nalang lagi ang iniiwan?
Habang nakaupo at lumuluha ay kinuha ko ang cellphone ko at agad tumambad sakin ang picture naming dalawa na nakawallpaper. Agad ko na itong pinalit at lahat ng mga pictures namin na magkasama at dinelete ko na at pati narin mga pictures niya dito. Sa bawat pag delete ko ay parang nadudurog puso ko, fvck talaga, ako nalang lagi ang nasasaktan, puso ko nalang lagi ang nawawasak at iniiwang luhaan.
*CRRAASSHHH*
Habang nageemote ako ay agad na may nakarinig akong malakas na kalabog parang may natumaba at napatingin naman agad ako sa harapan ko at ayun nga may natumba isang lalaki.
" ouch! " iyak niyang sigaw at agad naman siyang napaupo at napatingin sa kaniyang tuhod at ayun may gasgas na ito " tae ka naman! Tatawag ka pa talaga, kita mo natumba tuloy ako at may nakakita pa sakin " salita niya, feeling ko may kausap siya sa cellphone niya kasi may suot siyang earphone. Hindi ko mapigilang mapatawa pero tinakip ko nalang bibig ko. Hals, tatanga naman eh.
Matapos ang eksena nung lalaking yun ay bumalik muli ako sa pageemote ko. Hanggang sa naisipan ko nalang umuwi at iinom nalang ako. Wala naman din akong magagawa pa, tanggal ko na, kaiwan-iwan lang akong tao. Nakakapagod na.
---------------------
1 WEEK LATER.
Maaga akong nagising at tila nagmamadali na ako kasi malapit na ang klase ko. Nagdodorm lang pala ako at malapit lang naman ang dorm ko sa school.
Ako nga pala si Aljames Francisco. 21 years old at kumukuha ng kursong Computer Science since mahilig naman ako sa computer. Sa Adan University ako nagaaral at 4th year college na ako kaya soon gagraduate na ang lolo niyo. Medyo moreno at 5'6-'7 ang height at ano pa ba? Basta mukha naman akong tao.
1 week na rin since nawasak yung puso ko at kahit papano nakarecover na ako. Buti nalang lagi kong binibusy sarili ko sa school at sa hobbies ko at isa na doon ang pag guitar at pagkanta. Nagraraket din ako minsan bilang isang vocalist pag may freetime ako para pangtustos ko na rin sa school. At dahil single ako nakakaipon na ako ngayon haha.
-----------------
Natapos ang first class namin at naisipan ko nanaman magtambay sa may likod ng malaking puno at sa school at may bagong building na tinayo dito balita ko isa itong music classroom at kompleto ang mga istrument dito. Gusto ko sanang pumasok kaso mukhang walang tao kaya naisipan ko nalang na sa malaking puno tumambay.
Habang nakaupo na ako ay nagfefacebook nalang muna ako at nagchachat sa mga nagchachat sakin at magpost ng mga picture ko. Haha bakit ba?
Habang nagcecellphone ako ay agad na may narinig akong na tumugtog sa loob ng music room, nagulat ako. Taena! Baka may multo pa sa music room. Guitar ito. Natakot ako pero nacurious ako at may biglang narinig na akong kumanta.
" thinking about you
And I don't know what to do
I feel so blue,
even just by listening to youI can't help it
I can't take this
Wishing that you miss me too
I feel so confused
My heart keep saying that I need youI just want to say I love you
I miss you
And I was wrong to fool you
I love you, I miss you
Hoping that you'll forgive me soon... "Hindi ko alam pero parang biglang may kumirot sa dibdib ko at narealized ko nalang ay nakangiting nakatitig lang ako sa malayo habang pinakikinggan ko ang kung sino man ang kumakanta. Hindi ko alam kung babae o lalaki ang kumakanta pero maganda ang boses niya may pagkamanipis at husky at ngayon lang ay puno ng emosyon. Tae! Nainlove na ako sa kanta at boses niya.
Nacurious ako ng sobra kaya agad akong tumayo at naglakad papunta sa music room para tignan ang kung sino man ang kumanta. Pagkadating ko sa room ay wala ng tao at nakabukas lang ang pinto. Pumasok ako at namangha ako sa loob kasi ang daming intrument at nakita ko ang isang guitar na malamang ito ang ginamit ng kumakanta kanina. Kinuha ko ito at tinugtog at inaalala ang lyrics nung kantang narinig ko ngayon lang.
" ....i love you... i miss you " mahinang pagkanta ko at habang sinasabayan ng pag strum. Napangiti ako, hindi ko alam kung bakit pero parang naiinlove ako. Lalabas na sana ako ng may nakita akong isang panyo sa floor, agad ko naman itong pinulot at tinignan. Isa itong blue na stripes na panyo at gaya ng design ng panyo ay may nakasulat din itong STRIPES.
" panyo kaya to ng kumanta kanina? " tanong ko sa sarili ko.
Itutuloy.................
BINABASA MO ANG
YOUR VOICE
Teen FictionPROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmadali akong pumunta sa music room pero wala na akong naubutan kundi isang panyo na may nakasulat na STR...