CHAPTER 8
JUSTINE'S POV
Nagmamadali akong bumaba at para maghanap ng gamot para sa gagong Aljames. Pinakaba pa ako sobrang init at nginig niya kanina. Baliw din naman kasi, sino kaya ang nagsabi sa kaniya na magrampa sa ulan. Buti nalang ay may pharmacy na malapit lang sa dormitory namin.
Dumidilim narin ang paligid at medyo umaambon din kaya nagmamadali na akong naglalakad pauwi kasi baka pagbalik ko sa dorm abo nalang yung Aljames na yun. Hahaha
" uy. Justine, ang sexy naman wew " pagharang sakin ni Atom.
" sus. Alam ko na yan " sagot ko naman at lumapit na sakin si Atom.
" alam mo, feeling ko talaga na gusto talaga kitang isolo kahit one night lang " luh? Andyan nanaman kamaniakan niya. Naku! Yokona!
" ahh. Koyang Atom, nagmamadali pa ako kasi kailangan to ng gamot ni Aljames, don't worry dalhan nalang kita dito mamaya ng cupcakes " sabi ko at kumaripas na ng takbo. Haha ayoko talaga ang mokong na yun, nakakatakot parang lalamunin ako ng buhay. Hindi ko mapantayan pagka naughty niya haha.
Nakarating narin ako at nakita kong andun parin si Aljames nakakumot at tila nilalamig parin siya. Agad na akong kumuha ng tubig at para ipainom na sa kaniya ang gamot.
" uy! Aljames, inumin mo na muna tong gamot, ikaw naman kasi kala mo ikaw hari sa ulan " salita ko sa kaniya at napamulat naman siya at tumingin sakin.
" hehe salamat Justine, nakakahiya na sayo. " nanginginig niyang sagod at umupo na siya sa pagkakahiga niya.
" sus. Mahiya ka pa. Wag ka nga pabebe dyan " salita ko at inabot ko na sa kaniya ang gamot at isang baso ng tubig.
Matapos niyang inumin ang gamot ay pinahiga ko nalang siya muna at para bumaba na ang kaniyang lagnat. Hals, naging babysitter pa ako ngayon ng gagong to. Umupo nalang muna ako at chineck ang ginawa kong cupcake na nilagay ko sa minirefrigerator ko na binili ko kanina lang. At natuwa ako kasi medyo malamig na ang frosting at mukhang hindi na siya mahuhulog lang bigla. Haha kumuha ako ng isa at tinikman ko kung masarap ba yung ginawa kong cupcake. At ayun, mukhang tama naman ang pagkatimpla ko sa chocolate cup cake, next time cheese cupcake na ang gagawin ko. Habang kumakain ako ng cupcake ay naisipan ko nalang muna magsulat kasi mamamatay ako sa kaboringan dito dahil malakas ang ulan at ang kasama ko naman ay parang lumpia na sa sobrang balot sa kumot.
5:48PM
Dumidilim narin at ayun malakas padin ang ulan, di kaya may bagyo nanaman? Omg! Sana walang pasok bukas. Haha.
Dahil natutulog parin si Aljames ay nagisip nalang akong magsaing gamit ang ricecooker niya at bumili ako lechon manok dito lang malapit sa dormitory namin. Haha buti nalang talaga maraming malapit na pabilihin dito, gaya ng mga groceries, gamot, instant ulam pag tinamad ako magluto haha.
Inayos ko narin ang pagkain namin at ayun, nagluto nalang ako ng hotdog at isang noodles para sa gagong to. Na hanggang ngayon ay natutulog parin, wait? Natutulog lang ba talaga to? Omg!
ALJAMES POV
" aljames? Aljames! Huy! " rinig kong ingay habang niyuyugyog ako. Napamulat at nakita ko ang mukha ni Justine na sobrang lapit sakin.
" m-my L-loves? " salita ko. Pero bigla akong natauhan? Teka? My loves? Bat ko yun nasabi? Anong pumasok sa ulo ko? Nakita ko naman ang pagkagulat niya. At agad na umalis at bigla akong may narinig na malakas na tawa.
" hahaha, naku! Umabot na yung init mo sa ulo mo Aljames, bumangon kana nga dyan at magdinner na tayo baka pati dahil na din yan sa gutom mo, " tawang salita niya at bumangon naman ako at napatitig lang sa kaniya at biglang natuon pagtingin ko sa pagkain na nakalapag sa lamesa na inayusan ni Justine at nakalapag na rin ang mga pakain.
" ikaw nagluto nito lahat? " tanong ko.
" syempre naman, except yung lechong manok " ngiti niya " bumaba kana dito, kain na tayo " dagdag niya at bumaba na ako sa kama ko. Namamangha na ako sa Justine na to, hindi ko alam pero feeling ko ang bait niyang tao na tinatago niya lang sa pagiging baliw niya at madaldal.
Nagsimula na nga kaming kumain.
May lechong manok, may hotdog at nagluto pa talaga siya ng noodles para sakin. Awe, nakakatouch na talaga, nagpapafall kaya tong gago na to?
------------------------------
Pagkatapos namin kumain ay kinuha ko na ang mga pinggan at para iligpit na ito.
" HUY! ANONG GINAGAWA MO? " bigla akong nagulat dahil sa sinigawan niya ako.
" luh? Bakit? Nagliligpit lang ako at para labhan na to sa labas. " salita ko
" haist! Koya naman! Ako na yan, magpahinga ka na baliw ka! Oh eto! Cupcakes! Kumain ka dito " inabot niya sakin ang cupcakes
" luh? Nahihiya na ako Justine. Ako na! " pagpumilit ko
" hay, ako na magligpit nito at ayusin mo nalang yung kalat dito, okay na? " siya at kinuha na ang mga pinggan at lumabas na. Ang weird niya talaga, bakit ba ako nastock sa mokong na to? Pero on the other hand, thankful ako kasi kung hindi dahil sa kaniya eh baka na kung ano na nagyari sakin.
30 minutes later.
Dumating na siya at karga ang ngayon ay malinis na na mga pinggan.
" oh? Bat parang ang dami pang cupcakes? Hindi ba masarap? " biglang tanong niya
" luh? Hindi ah, masarap siya nahihiya lang ako kumain kasi baka hindi ka pa kumain nito. " sabi ko at napakunot naman siya ng mukha.
" kalalaki mong tao pabebe ka, madami pa naman dun sa ref, haist! Kainin mo na nga yan at dalhin ko lang si Atom na cupcakes. " at ayun pumunta siya sa ref at kumuha ng limang cupcakes at inilagay ito sa parang tray. Namamangha na talaga ako sa kaniya... waahhhhhh bakit to? Umiinit nanaman ako, lalagnatin nanaman ba ako?
JUSTINE'S POV
Hay, buti nalang wala ng lagnat ang gago! Umalis na nga muna ako dala dala ang cupcakes para ibigay ito kay Atom. Nang nakababa na ako at nasapintuan na si Atom ay kumatok na ako.
" sino yan?! " sigaw niya.
" si Justine to " sagot ko at rinig ko ang maingay na kalabog sa loob. Luh? Nukayayon?! At bumukas narin ang pinto niya.
" Justine baby, ikaw pala? " ngiting maniac niya. Naku!
" luh? Baliw! Oh eto na yung cupcakes na sinabi kong dalhan kita. " abot ko sa kanya at kinuha naman niya ito ng nakangiti.
" wow naman, love mo ko noh? Dinadalhan mo talaga ako ng sweets " ngisi nya.
" luh? Madami lang kasi nagawa ko kaya nagshare ako sayo " sabi ko
" aray naman, " siya
" oh sigena, balik na ako " sabi ko at bahagyang aalis na sana kaso bigla niya hinawakan kamay ko na ikinagulat ko naman. " ah? Bakit nanaman? " tanong ko.
" pwede kayang manligaw sayo Justine? " siya at napalaki na lamang mga mata ko
Itutuloy...............
BINABASA MO ANG
YOUR VOICE
Teen FictionPROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmadali akong pumunta sa music room pero wala na akong naubutan kundi isang panyo na may nakasulat na STR...