YOURVOICE 13

1.5K 63 2
                                    



JUSTINE'S POV

Nagising ako na naririnig kong nagriring ang phone ko kaya agad ko naman to kinuha para tignan kung sino ang tumatawag sa ganitong oras, nakapikit ko pa tong tinignan dahil ang lakas ng brightness nung phone ko leche! At si mama lang pala ang tumatawag.


" ohhhh " parang zombie kong pagsagot sa tawag niya.

" uy! Nak! Ngayon pala ang flight namin ni papa mo papuntang Europe, 1 week vacation kami dun. Kaya kung may kailangan ka gamitin mo lang nak yung black credit card ahh, iniwan ko sa may cabinet mo dun sa kwarto. Uwi ka nak sa vacation sa bahay nak ahh, sensya na hindi ka na namin na masama kasi medyo late na at may class ka pa. Muahh Iloveyou nak, Imissyou " at nag end call siya. Bastos talaga tong nanay ko, lagi talaga akong binababaan ng phone. Ayaw niya kasi magdadaldal pa ako kasi siguradong magtatagal talaga kami sa paguusap.tss!

Nilapag ko muli ang phone ko at nagkuskos ng mata. Hals, ang aga pa ehh, 4:35AM palang. Pero wala na akong nagawa kundi ang bumangon nalang at para maghilamos. Mukhang sarap ng tulog ng mokong na Aljames.

Lumabas na muna ako papuntang banyo para maghugas ng mukha at para magmumok. Pero bigla akong nagulat dahil may tao sa loob at naglilinis?

" PALAKA! " biglang hiyaw ko.

" luh? Justine? Bat ang aga mo atang nagising ngayon? Wala pa ang haring araw oh. " biglang tanong ni Atom, oo nga si Atom na malibog ay naglilinis ng banyo.

" h-hah? Kasi nagising lang ako, ikaw bat ang aga mong gising at naglilinis dyan? " tanong ko naman sa kaniya.


" hah? Palagi ko naman tong gawain, nagigising akong maaga para linisin ang banyo para pag gagamitin ng mga dormers malinis na " ngiting sabi ni Atom habang nagbuhos ng tubig sa floor.

" talaga? Bakit ikaw ang gumagawa nito? " taka kong tanong.


" kasi, ito lang magagawa ko since hindi naman din ako nagbabayad ng koryente, tubig at para sa kwarto dito ito nalang ginagawa ko para naman makabawi ako sa tita ko. " siya. Medyo natouch ako kay Atom, kasi yung pilyong atom na alam ko ay nakikita ko yung side niyang ito. Napangiti naman ako sa mga sinabi ni Atom.

" aysus, mabait ka naman pala ehh. Akin na nga tutulungan na kita " ako at agad kinuha sa kaniya ang tabo at nagbuhos narin ako ng tubig.

" luh? Justine wag na dyan, ako na " siya.

" shh! Alis dyan baka mababasa ka pa wala sa oras. " pagtanggi ko at ayun, hinayaan nalang din niya ako at siya rin ay nag mop na sa floor na tiles.

20 minutes Later.


Natapos din kami sa paglinis sa banyo at pati narin sa restroom. Mabuti narin pala yun kasi nagexercise katawan ko at medyo nagsweat ako. Nakaupo na ako sa isang silid habang si Atom naman ay dinala niya ang mga ginamit namin sa pwesto nito.


" ayan, tumulong ka pa kasi! Tignan mo yan, pinagpawisan ka tuloy. " biglang pagsalita ni Atom sakin.

" luh? Maganda nga yun. Exercise sa umaga na rin yun. " wika ko naman sa kaniya.

" aysus. Maghilamos kana dyan, kasi babalik na ako sa kwarto ko" siya at tumayo na ako at naghilamos na nga at bumalik narin muli sa kwarto namin. Naisipan kong gumawa ng hot chocolate at since tulog matika parin ang kasama ko ditk ay naisipan ko nalang din gumawa ng para kay Atom kasi kaming dalawa palamang ang gising.

Matapos kong itinimpla ang hot chocolate ay dinala ko na ito sa baba kay atom at may dinala pa akong cupcakes na ginawa ko kahapon na may cheese flavor haha. Experiment ko. Kumatok ako sa pinto at as usual sumigaw si Atom at nagtatanong kung sino daw sa pintuan.


YOUR VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon