CHAPTER 42
JUSTINE'S POV
Nakangiti akong naglalakad papunta sa room ni Atom at dahil sobrang occupied ako sa mga kinakarga ko ay hindi ko na pinapansin yung mga nadadaanan kong kadorm mate namin. Mabilis naman akong nakarating sa room ni Atom at agad naman kumatok sa may pintuan niya.
" wait lang " sigaw ni Atom sa loob. Naghintay ako at dinig ko nanaman yung parang natatarantang Atom sa loob ng kwarto niya. At binuksan na nga niya ako ng pinto.
" hi " pagbati ko sa kaniya ng nakangiti.
" wow! Justine, namiss kita! Napadaan ka? May kailangan ka? " tanong niya habang nagtataka siguro kung bakit marami akong kargang topperware.
" ahh, ito ohh dinala kita ng panghanda mamaya, pwede pumasok? Para ayusin natin to sa loob. " ako at agad naman niya ako pinapasok.
" luh? Justine naman, hindi ka na dapat nag abala pa, nakakahiya sayo tapos ang kalat pa sa loob ng kwarto ko ngayon " hiyang wika ni Atom.
" sus! Wag ka na nga mag pabebe dyan at tulungan mo ako dito. Para naman may pagkain ka mamaya pagsapit ng new year " ako at tinanggal lahat ng mga kalat niya sa lamesa.
" aysus. Ang sweet sweet naman, okay lang naman kahit magpapaputok nalang ako mamaya ehh " ngiwi niya at napatingin lang din naman ako sa kaniya ng nakasimangot.
" tss! Magbabagong taon nalang libog ka parin talaga " ako at tumawa lang naman din siya.
Lumipas ang 15 minutes ay natapos na namin mag ayos at maglinis kwarto ni Atom. Medyo na stress ako sa mga nakita kong sex toy ni Atom na nakakalat sa sahig kanina.
" wew. Good na. Una na ako Ahh. Siguradong hinihintay na ako ni Aljames dun " ngumiti ako at napatingin lang naman si Atom sakin ng deretso.
" thank you ng marami Justine ahh " salita niya at bigla nalang ako niyakap. " akala ko magiging malungkot at nagiisa nanaman ang bagong taon ko pero hindi pala, kahit papano nafeel ko na hindi ako nagiisa ngayon " siya habang yakap ako at niyakap ko nalang siya pabalik kasi feel ko na kailangan din niya to kahit alam kong may pagka naughty talaga tong Atom na to.
" aysus, syempre naman, hindi ka nagiisa nandito lang ako, kaibigan mo kaya ako " ngiti ko. Pero nagulat akong bigla nalang dumampi labi niya sa labi ko.
" kaibigan na kinikiss siya sa labi " ngiwi niya " sige, salamat ulet Justine ahh, advance Happy New Year. " at ayun pumasok na siya sa loob at iniwan ako gulat na nakatayo sa labas.
Taena! Ninakawan nanaman ako ng halik nung gagong Atom. Napahawak nalang ako sa labi ko at napaisip. Bat ba ganito itong si Atom, alam kong mabait to at maalagain ayaw niya lang na ipakita ito.
Napangiti ako, somehow. Alam ko parang nagcheat na ako kasi may humalik sakin na iba kaya hindi ko nalang to sasabihin kay Aljames para wala ng away. And besides, wala lang naman din yun sakin, kinilig ako but hanggang dun nalang yun. Maybe gift ko nalang yun kay Atom, mahal ko yung Loves ko at kahit meron mang mga temptation sa paligid, lalayo ako dahil ayoko masaktan yung mahal ko.
Naglakad na nga ako pabalik sa kwarto namin, habang iniisip kung ano na ginagawa dun ni Aljames at kung naligo at nagbihis na ba ang gagu na yun.
Nakangiti akong naglalakad habang napasilip ako sa langit. Napakaganda ng langit ngayon, maliwanag at puno ng mga bituin. At mamaya pupuno ng mga fireworks, can't wait na mapanood ko yun na kasama si Aljames mamaya. Malapit narin kaya kailangan ko na din mag bihis.
BINABASA MO ANG
YOUR VOICE
Teen FictionPROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmadali akong pumunta sa music room pero wala na akong naubutan kundi isang panyo na may nakasulat na STR...