YOURVOICE 44

1.1K 48 3
                                    

CHAPTER 44



KEVIN'S POV


Matapos kong pakalmahin si Justin sa gabing yun ay dahan-dahan akong umalis sa tabi niya dahil nakatulog na siya. Medyo may galit ako sa Aljames na yun pero alam kong siya rin ang magpapasaya muli sa Justin ko. Masaya na ako na sa pinaka madilim at pinaka malungkot na oras ni  Justin ay nandun ako. Masaya na ako na ako yung naging sandalan ni Justin, at naging shoulder to cry ni Justin.

Akala ko sa bagong taon, hindi ko makikita si Justin pero ang bait talaga sakin ni God. Kahit umiiyak siya na nakita ko but still naging masaya ako, na nayakap ko siya, nahawakan ko at kahit mali hinalikan ko.

Mabilis akong umalis sa bahay nila Justine dahil alam kong hahanapin ako ng mama ko samin. Pero pagkaalis ko sa Gate ay agad na nakita kong si Aljames na nakaupo.

" Aljames? " salita ko.

" Kevin please. Tulungan moko para kausapin si Justin. " biglang lapit ni Aljames sakin at napansin ko agad na umiiyak siya.

" sinaktan mo si Justin! Pinaiyak mo siya! Akala ko pa naman hinding hindi mo siya sasaktan! " hindi ko napigilan sarili ko at natulak ko siya dahil sa galit. Napa atras siya sa ginawa ko pero napatingin lang siya sa baba at tumayo sa harapan ko. Ramdam ko yung guilt niya, ramdam ko din yung pangungulila niya.

" Alam ko yun, hindi ko intensyon na paiyakin at saktan si Justin lalo na sa araw nato. Ito dapat yung panibagong yugto namin ni Justin na magkasama pero biglang may nangyaring hindi pagkaunawaan. Please Kevin, mahal na mahal ko si Justine. Tulungan moko. " napaluhod na siya at agad na may naramdaman akong tuwa na hindi ko maipaliwanag. Siguro nga tama na ang pagpili ni Justine sa pagkakataong ito, siguro tama na si Aljames yung pinili at minahal niya.

" Guard! Ipapasok mo na daw tong lalaking to sa loob sabi ni Justine at pakibilisan daw. Wala sa mood yun ngayon " pagsisinungaling ko sa guard at nakita ko naman na agad na napatingin sakin si Aljames.

Agad na binuksan ng gate yung guard at pinapasok na agad si Aljames.

" salamat Kevin " biglang sigla ng mukha niya.

" Please, mahal na mahal ka nung kaibigan ko. " tanging sinabi ko sa kaniya at iniwan na siyang magisa at pinuntahan ko na kotse ko na naka park sa side.

Pagpasok ko sa kotse ay napatingin lang akong deretso habang tanaw ko lang ang daan at streetlights. Am I that of a looser? O ang bait ko lang na tao?

" arg! Kevin ang duwag mo! " sigaw ko out of frustration.

Hindi na ako nagtagal pa at umalis na ako at umuwi na samin.

____________________________________

Almost 3 months have past

Balita ko graduation day na ngayon. At syempre hindi pa ako gagraduate, next year pa. Marami narin ang nagbago at nangyari sa almost 3 months na nakalipas. Unti-unti ko naring tinatanggap na hindi talaga para sakin si Justine, siguro may ibang nakalaan para sakin.

At dahil wala naman din klase simula ngayon ay naisipan ko nalang magpalipas oras sa isang park na magisa. Lately napaka boring ng buhay ko, walang excitement ang nagaganap. Naisipan ko din mag take out sa isang fastfood restau para may pang lamon din naman ako. Haha nafefeel ko na din na lumolobo ako, sayang yung effort ko sa pag gygym kung lolobo lang naman ako. Siguro dahil narin wala akong inspirasyon o yung magpa-impress lang man.

Dumating ako sa park at napaupo sa damuhan dala ang pagkain na binili ko kanina. Marami-rami din naman ang tumatambay dito, yun ngalang halos lahat may partner. Parang mali siguro na dito ako pumunta para magpalipas oras.

YOUR VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon