CHAPTER 35JUSTINE'S POV
Natapos kaming magbreakfast nila Kevin at Aljames at eto ako ngayon parang sasabog na yung tyan ko sa sobrang busog kasi kung ano-ano inilalagay nila sa plato ko. Mga gagung to.
" uy, okay ka lang loves? " tanong sakin ni Aljames habang nakaupo lang ako sa sofa at nagpapahinga.
" napasobra yata kain ko, busog na busog ako " salita ko kay Aljames.
" tss! Bat mo din kasi kinain lahat ng nasa plato mo? " si Aljames at medyo nagsimangot sakin, agad naman ako napatingin sa kaniya at binigyan siya ng masamang tingin.
" aba?! Edi kung hindi sana kaya lagay ng lagay ng kung ano-ano sa plato ko edi sana hindi ako parang sasabog ngayon dahil sa kabusugan " inis ko at inirapan na si Aljames.
" uy! Sorry na. Wag na beastmode dyan " biglang salita ni Kevin.
" isa ka pa! Anong drama niyo kanina? " inis ko parin at napakamot nalang si Kevin ng ulo at nginitian ako. Tss! Nagpapacute na ngayon ang gagu.
" ewan ko nga dyan sa kaibigan mo loves! May pa lagay pa sayo ng ulam sa plato " salita ni Aljames.
" at gumaya ka din sa kaniya? " ako kay Aljames.
" luh? Bakit bawal ba? Jowa mo ko, ako dapat ang gumawa nun hindi yang kaibigan mo na halatang gusto ka " si Aljames at agad napalaki mata ko sa sinabi niyang na halatang gusto ako ni Kevin. Napatingin naman agad ako kay Kevin at binigyan niya lang ako ng malagkit na tingin na tila nagsasabing totoo ang sinabi ni Aljames.
Napatingin ako kay Aljames at agad nakita ko naman ang may halong lungkot at galit sa mata niya. Bakit kung kailan may tao ng nagmamahal sakin dun pa dadating yung iba?
" tsk! Tigilan niyo na nga yang kalokohan niyo okay? " pagbaba na ng aking boses at mahinahong kinausap sila. " Kevin, may Aljames na ako at mahal ko jowa ko at ikaw naman Aljames, please have faith in me. Ikaw lang mahal ko at alam mo yun, hinding hindi ako gagawa ng bagay na alam ko ikakalungkot mo okay? " salita ko sa kanilang dalawa at medyo na awkward ako dahil nasa gitna ako sa kanilang dalawa.
" I understand Justine. Sorry. " si Kevin at binigyan lang ako ng matipid na ngiti. " pwedeng hiramin ko gitara mo Justine? Tutugtog lang ako saglit. " tanong ni Kevin.
" umakyat kalang dun sa kwarto ko kunin mo lang dun nakasabit " ako at ayun tumayo na nga siya at umakyat papunta sa kwarto ko para kunin ang gitara. Napabuntong hininga ako dahil sa wakas wala ng magaganap na alitan sa dalawang baliw na to. Tumingin naman ako kay Aljames pero nagulat ako dahil nagpasandal naman siya agad ng ulo niya sa balikat ko.
" okay kalang? " tanong ko kay Aljames.
" opo, mukhang ang dami kong kaagaw sayo loves " salita ni Aljames.
" luh? Baliw to " ako
" totoo naman. Sa dorm kaagaw ko si Atom ngayon naman may kaagaw akong kaibigan mo nung kababata " si Aljames na nakasandal parin sakin.
" oh? Ano naman ngayon? " ako
" paano kung nagsawa kana sakin? For sure mabilis mo lang akong mapapalitan " siya at napatingin ako sa kaniya. Nagpapabebe ang loves ko, agad ko naman kinurot siya sa pisngi at napangiti sa mga kakatawang imagination niya.
" aysus. Patawa talaga tong jowa kong emotero. Bat ka naman may kaagaw eh, in the first place sayo naman din ako at tsaka bat naman ako magsasawa sa taong nagpapadama sakin na kahit ganito ako kamahal-mahal ako at pinadama sakin na pwede ako maging special sa isang tao. " pagkurot ko sa kaniya at pisil sa ilong niya.
" aray loves. " siya " Iloveyou Loves " at kinuha kamay ko at inilagay sa kamay niya.
" ILOVEYOU too. Lagi mo lang tong tatandaan lovea ahh, kaya wag na praning loloves ko " ako at binigyan siya ng kiss sa forehead. " CR muna ako loves " ako at tumayo na at tumakbo na papuntang CR. Haha
KEVIN'S POV
Dumating ako sa kwarto ni Justine at napangiti ako, bumabalik yung alaala na kaming dalawa lang sa kwarto at naglalaro. Dito rin nung unang may nangyari samin ni Justine wala mang penetration nun pero siya yung unang tao na nakaexperience ko.
Nakita ko na yung gitara ni Justine na kulay blue na nakasabi sa dingding. Kinuha ko naman ito at ulet, may naalala ako. Ako yung nagturo kay Justine mag gitara dahilan para nagpabili siya sa mama niya ng gitara at ito na yun. Halos araw-araw kaming nagpapractice para lang matutunan niya lahat ang mga Keys.
Noon pa man alam ko na may kakaiba akong nararamdaman kay Justine. Pero ang bata pa namin nun, hindi ko sinabi pa sa kaniya kasi baka macoconfuse siya. Kaya itinago ko sa sarili ko to at pag dumating na yung tamang panahon ay sasabihin ko na ito sa kaniya. But I was too late, nung nag 18 ako nalaman kong may boyfriend na siya kaya hindi ko na masabi sa kaniya. Nalungkot ako nun kaya naisipan kong mag girlfriend nalang baka sakaling confuse lang din ako sa nararamdaman ko. Pero hindi nagwork out, nagtry ako mag jowa ng bi at gay but still walang tumagal. Until sa nalaman kong break na sila nung boyfriend niya. Bigla akong sumigla nun at parang bumalik pagka energetic ko, nalaman ko ding nag dorm siya malapit lang sa University. kaya naisipan kong pagumuwi siya dito ay aaminin ko na sa kaniya ang nararamdaman ko simula nung bata pa kami. Aaminin ko lahat kay Justine.
But.......
I was too late, AGAIN. Ang palpak ko kahit kailan. Ang hina ko kaya lagi akong nauunahan. Lahat ng gusto kong sabihin kay Justine tanging sa utak ko nalang yun mananatili. Masakit, masakit makita yung taong mahal at minamahal mong patago ng mahabang panahon ay masaya sa iba. Masaya sa taong mahal niya.
Inumpisahan ko ng strum ang gitara at kinantahan ang unang pumasok sa isip ko.
' magsalita ka at handa na akong makinig,
At tanggapin kahit ano mang ipahiwatig,
Titiisin ko at pipilitin kong itindihinWag kalang bumitaw
Ayokong maiwan sa kawalan
Di lubos, matanaw
Mas kaya ko pang ipagsapilitan na
Isipin kung tama ang alam kong mali
Ibigin lang sana KAHIT KUNWARI ' ( KAHIT KUNWARI by TJ MOTERDE)Sa pagkanta ko hindi ko nalamayan na may bumabagsak na palang luha sa mga mata ko. Kainis! Ang weak ko. Kaya lagi akong talo. Kalalaki kong taong iyakin ako. Napapahikbi ako at tanging nagagawa ko nalang ay yakapin yung gitara na alam kong yakap din ni Justine sa twing nagpapatugtog siya. Mukhang desperado na ako. Haha
Napatingin ako bigla nang marinig kong bumukas ang pintuan at sa labas ng pintuan ay nakita kong si Justine at tila may gulat sa mata at mukha niya.
" K-Kevin? Bat ka umiiyak? " gulat na tanong niya. Hindi na ako nagsalita at binitawan ko yung gitara, tumayo at nilapitan si Justine at hinila siya paloob at sinara ang pintuan. At niyakap siya ng sobrang higpit. " Kevin anong ginagawa mo? " pagpupumiglas ni Justine pero hindi ko siya binibitawan at nakapikit lang akong niyayakap siya at may tumutulo paring luha sa mga mata.
" sshhh.. please, just this once Justine hayaan mo ko yakapin kalang ng kahit ilang saglit " ako.
Niyakap ko si Justine ng mahigpit, and somehow I felt happy.
" salamat " ngiti kong salita
" b-bakit? " tanong naman niya na alam kong naiilang na talaga at baka kakatukin yung jowa niyang baliw.
" dahil nakuha ko na ang best gift ko bago mag christmas, yung mahigpit mong yakap " ako at binigyan siya ng huling pinaka matamis na ngiti na kaya kong gawin at umalis na ako sa kwarto.
Itutuloy.......................
BINABASA MO ANG
YOUR VOICE
Teen FictionPROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmadali akong pumunta sa music room pero wala na akong naubutan kundi isang panyo na may nakasulat na STR...