YOURVOICE 3

2.2K 79 1
                                    




CHAPTER 3

ALJAMES'S POV

Lumalamig narin ang gabi at naisipan ko ng bumalik sa kwarto ko. Medyo nagugutom narin kasi ako for sure luto na yung kanin na iniwan ko sa rice cooker. Habang palapit na ako sa kwarto ko ay napansin kong parang nakabukas ang ilaw kaya mabilis naman akong pumunta sa pintuan at agad na binuksan ang pinto. Agad naman may nakita akong isang lalaki na nakaupo at parang nagsusulat, at ng tumalikod siya at laking gulat ko habang siya naman ay sumigaw.

" IKAW? " sigaw niya.

" naku! Bat ka nandito? Sinong nagpapasok sayo dito? Kwarto ko to " salita ko habang itong gago naman ay tumayo. Sinabi ko bang ito yung bakal na ulo na nakabangga sakin?

" luh? Bago ako sa dorm na ito at feeling ko ikaw yung kasama ko dito sa kwarto na sinasabi nung caretaker na Atom. Hays.... kung minamalas ka nga naman " salita niya at napakunot ako ng noo sa kaniya. Oo talaga, minamalas talaga ako at siya pa ang magiging kasama ko dito, eh ang sarap na ng buhay ko ng walang kasama dito.

" bakit hindi man lang ako sinabihan ng Atom na yun na may bagong lipad pala dito sana man lang nakapagsabi ako na wag dito sakin ilagay. " inis na salita ko.

" hala? Parang gusto ko din na ikaw maging karoommate ko, naku! Nasira gabi ko, kailangan ko kausapin yung caretaker dito at hanapan ako ng bagong kwarto wag lang ikaw ang kasama. " sungit na salita niya at umalis. Hala? Sinundan ko siya at bumaba papunta sa kwarto ng caretaker namin dito na si Atom.

Nakita kong kumatok siya at sinigaw pangalan ni Atom.

" Koyang Atom, please. Kailangan kita kausapin " pagkatok niya sa pinto. Tss! Ang pabebe ng gagong ito.

" oh, ano ba! Nagjajakol ang tao eh. " biglang sagot at pagbukas ni Atom ng pinto nakita ko ang pagkagulat na reaksyon nito nung makita niya na naka topless lang si Atom. Naku! Basang-basa ko na pagkatao nito.

" nubayan! Magdamit ka nga! " salita ng gagu.

" tsk! Hindi ka ba nasisiyahan dahil nakikita mo masarap kong katawan " sagot ni Atom sa kaniya habang ako ay nakatingin at nakikinig lang sa kanilang dalawa.

" hals, ayoko dun sa kwarto ko! Ilagay mo ko sa iba nalang please. " siya

" hah? Bakit? Kanina lang ang excited mong mag ayos dun at excited ka pa sa makakasama mong lalaki sa kwarto, ano bang nangyari? Nirape ka ba niya? " salita ni Atom.

" ayoko sa kumag na yun " siya at tumingin si Atom sa labas at nakita niya ako na nakatayo sa side at nakikinig lang.

" oh? Andito naman pala si Aljames oh, bro ano ba ginawa mo dito? " tanong niya sakin habang yung kumag ay nakasimangot na nakatingin sakin.

" wala akong ginawang masama sa kanya, nabangga ko lang siya kanina nung papunta siya sa kwarto ko " sagot ko kay Atom.

" tss! Sige na Koyang Atom, ang taray niyan sakin mukhang itotorture lang ako dun " sabi nitong gagu na to. Talagang ginagalit talaga ako nitong pabebeng gagu na to.

" tsk! Justine, wala ng ibang vacant na room kasi occupied na lahat at kung gusto mo talaga, may lugar dito sa kwarto ko pero sa isang kondisyon kailangan mo ko pasayahin gabi-gabi " naku kahit kailan libog talaga tong Atom na 'to, kahit bading papatusin.

" Koya namin ihh... sigena! " siya

" Justine, wala na ngang vaccant, kung ayaw mo edi alis nalang dito sa ADAN DORMITORY at for sure wala ka ng makakahanap ng mas malapit pa sa school ng ADAN UNIVERSITY " salita ni Atom. Ahh kaya pala, taga ADAN UNIVERSITY din pala tong gagu na to. Tsk! Kakausapin ko na nga lang to ng mabuti para hindi na to mag tataray at magsusungit.

" aw, oo na, pagtiisan ko na lang hanggang sa makakaya ko na kasama ko itong mataray na lalaki na to " luh? Makapagsabi ng mataray sakin.

" Good. Kaya balik na kayo sa kwarto niyo at nadistorbo niyo pa pagjajakol ko. " si Atom at bumalik narin kami sa kwarto namin. Tahimik kaming dalawa na naglalakad at naisipan ko nalang na kausapin itong mokong na to pag nasa loob na kami.

Mga 3 minutes na paglalakad ay sabay na kaming pumasok at nakita ko namang umakyat na siya agad sa kama niya, ang arte talaga may pa kurtson pang nalalaman.

" Ahm, ako nga pala si Aljames at gusto ko pala magsorry kanina dahil nabangga kita dun sa may hallway. " salita ko at agad naman niya akong tinitigan at nakita ko namang agad siyang namula. Luh?

" a-ano, J-Justine pangalan ko at p-pasensya ka na rin. Ge matutulog na ako " nauutal niyang sabi at agad na tumago sa kumot niya. Hala? Nukayayun?

Hindi ko nalang pinansin at naisipan ko nalang muna kumulo ng mainit na tubig at kakain ako pancit canton kasi wala pa akong dinner at sayang yung niluto kong kanin. Matapos kong imix ang flavor ng pancit canton ay agad naman may nagsalita.

" koya, pwede magpakulo din ako ng pacit canton? Badtrip yang amoy eh " salita niya. Hahaha bat ang weird ng taong ito.

" ahh. Sure, may tubig pa to, ito nalang gamitin mo para magpakulo ng canton. " ako at agad naman siyang bumaba at may kinuha siyang canton sa cabinet niya. Nagulat naman ako dahil ang dami niyang canton at cup noodles. Hala? Anak kaya to owner ng Lucky Me ? Haha

Matakalipas ang 5 minutes ay nagmix na siya ng flavor at canton at ayun, umupo siya sa lugar niya at masayang kinain ang canton. Parang baliw to.

" kain tayo koya " salita niya.

" naku! Wag mo nga ako ikuya masyadong nakakatanda naman " ako

" luh? Nagtataray nanaman, sorry naman " siya

" tsk! Ilang taon kana ba? " tanong ko

" 20 and virgin " siya at napatawa ako sa may karugtong pa siyang virgin.

" haha! Bat may pa virgin pa ? " tawa ko.

" para aware ka lang. " siya habang puno ng canton ang bibig.

" anong year level kana at course mo? " tanong ko muli.

" luh? Daming tanong koya ah. " siya

" tsk! Aljames nalang nga, ayoko ng kuya kuya na yan. " ako

" okay po. 3rd year na ako at Culinary Arts ang kurso. Ikaw ba ? " balik niyang tanong sakin.

" 4th year at COMSCI. kinukuha ko " salita ko at agad naman siya ngumiti at nagpatuloy na sa kinakain niya. " oh siya matutulog na ako. Ikaw na mag off ng ilaw hah " ako at umakyat na sa higaan ko.

JUSTINE'S POV

Well, tulog na si koyang masungit. Pero on the second thought mabait naman pala. At mas cute pala siya kapag mahinahong magsalita at hindi nakasimangot. Habang nagpapahinga at naghihintay na madigest ng katawan ko ang kinain ko ay napapatingin ako sa mga poster niyang anime at yung guitar na nakasabit sa wall. Parang gusto ko tuloy kunin para magpatugtog kaso baka magtaray nanaman yung koya sakin. Kaya naisipan ko nalang matulog.


--------------------

Morning TIME.

Napagising ako dahil sa may naamoy akong fresh na bagong ligo? Hals, ang aga pa eh, napabangon ako at napaupo at nagkusot muna ng mata.

" oh? Gising kana pala " may nagsalita at pagkatingin ko sa kaniya ay napamura ako

" WADAPAK?! " gulat kong sabi at napamulat ako ng malaki wala sa oras.




Itutuloy....................

YOUR VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon