YOURVOICE 9

1.6K 71 0
                                    

CHAPTER 9


ALJAMES POV

Umaga na at nagising ako dahil sa gusto kong mag cr kaya bumaba na ako sa kama ko at dali-daling lumabas at kumaripas ng takbo sa cr. Nyahaha and the rest is history.

Dahil nga malakas at patuloy na pagbuhos ng ulan ay idineklara na walang pasok ngayon sa Adan University. Masaya naman ako kasi makakapaghinga ako sa araw na ito, dahil kagabi lang ay may lagnat pa ako buti nalang talaga nagkaroom matey ako na kahit baliw ay masyado namang maaalahanin kahit hindi pa naman kami matagal nagsasama. Siguro nga dahil sa pagiging baliw ni Justine ang dahilan kung bakit mabilis niyang nakikisama ang mga tao sa kaniya. Kagabi may nararamdaman ako na iba para kay Justine, ang weird lang kasi, bakit kaya ganun?

Bumalik na nga ako sa kwarto at nakita kong nagising narin pala si Justine na ngayon ay nagtitimpla na ng kape.

" oh? Saan ka galing? " biglang tanong niya.

" nag cr lang " sagot ko sa kaniya habang inaayos ko yung magulo kong kama. " may natira pa bang mainit na tubig? " tanong ko sa kaniya


" hah? Wala na, pero ito oh, nagtimpla na ako  para sayo " wika niya at napatingin naman ako. Luh? Ang sweet naman nyahaha


" ay wow. Salamat ah. Ang bait mo sakin na ah? Anong meron? Crush mo ko noh? " biro ko sa kaniya


" luh? H-hindi ah. Baliw ka! " bulol niya hahaha. Kakatuwa talaga tong pabebeng baliw. Kinuha ko naman ang tinimpla niya at agad naghigop ng konti pero nabigla naman ako sa lasa.


" teka? Hindi to kape? " gulat kong tanong.

" hah? Hindi, hindi ako umiinom ng kape hot chocolate yan " sabi niya. Haha lumalabas na talaga pagka mayaman niya. Naku!


" Justine may tanong ako sayo? " biglang pagseryoso ko.

" ano? " siya.

" Gaano kayo kayaman? " ako at napatingin siya sa at nagbigay ng kakaibang tingin. Luh?

" hmmmm. Anong balak mo? " siya

" luh? Haha wala ah, wala akong balak, curious lang ako. Pero okay lang kahit hindi mo na sagutin " ako at napangiti at humigop muli ng hot chocolate.


" aysus. Yung mga magulang ko lang ang mayaman, wag mo na i-KAYO hindi ako kasali dun haha. Kung sa mga mayayaman for sure kilala mo yung mga MONTEALEGRE na ang pinaka mayaman dito sa ADAN CITY at kung hindi mo alam, yung isa sa mga anak nila ay nagaral dun ADAN UNIVERSITY. Kung hindi ako nagkakamali JOHN o ALVIN MONTEALEGRE name niya at nakita ko na din yun, gwapo pero mukhang nangangain na tao at mukhang nanglalamon ng kaluluwa. Haha " tawa niya habang nagkukwento. Baliw talaga tong tao na to.

" oo na kilala ko ang mga Montealegre dahil marami silang company dito at sa ibang lugar. Pero hindi ko pa nakita ang sinasabi mo, ano naman sa kanila? " tanong ko muli.


" dahil silang ang nangunguna syempre may pangalawa, pangatlo at hanggang pababa " siya.

" don't tell Pangalawa kayo? " gulat ko.

" hahaha baliw hindi, pangatlo lang yung mga magulang ko sa mga mayayaman dito sa ADAN CITY " Tawa niya at gulat pa din ako kasi pangatlo sila sa pinakamayayaman dito sa ADAN CITY.

" So meaning, may sarili kang kotse na pwede mong gamitin araw-araw para pumunta sa school at para umuwi? " ako

" OO " mabilis niyang habang nakaupo lang na nasataas ang dalawa niyang paa sa silya at umiinom ng chocolate niya.


" WHAT? e bakit ka nandito? Nagdodorm? Nagsisiksik dito sa maliit na kwarto? Tinaboy ka ba nila? Ampon ka lang ba? Ano?! " nyahahaha sumabog na lahat ng katanungan ko.


" hahaha ano pinagsasabi mo dyan? Nyahaha syempre anak nila ako at tsaka nagdecide lang ako na gusto ko muna tumayo sa sarili kong paa at makaranas ng hindi masyadong magarbong buhay hanggang sa makagraduate ako sa college. Tsaka! Makakauwi lang naman ako samin kahit kailan ko gusto, haha yaan mo pag vacation na like christmas vacation, idadala kita dun samin para makilala mo mga magulang at kapatid ko at yung tatlo kong baby " excited niyang wika, luh? Ako ipakilala niya?


" h-hah? B-bakit mo ko ipapakilala sa angkan mo? " tanong ko


" hahaha syempre, kaibigan na kita di ba?" tuwang sabi niya at napatitig lang naman ako sa kaniya. Ngayon palang, mas nakikilala ko na si Justine. Feeling ko, gusto niya lang maka explore sa maraming bagay ng magisa.

" o-oo naman " nahihiya kong sabi at ayun tumayo siya sa pagkakaupo niya at umalis para siguro mag Cr din hahaha.

JUSTINE'S POV

Naku si koya, pinakwento pa talaga sakin ang estado ng buhay namin. Haha pero wala namang problema dun sa pagkukwento dun, masaya ako kasi may nakakausap ako dahil nung lumipat ako dito ay natatakot ako dahil inaakala ko na hindi nila ako papansinin o walang magpapansin sakin. Kaya ngayon, happy ako na si Aljames yung naging karoommate ko sa dorm na ito.

" Justine baby! " biglang may sigaw at nakita kong si Atom na kumakaway sakin na nakatopless lang kahit ang lakas-lakas naman ng ulan.

" luh? Wala ka bang damit? Ang lakas ng ulan wala kang suot na tshirt! " ako

" aysus, para makita mo muscles ko " ngiti niya.

" haha oo na ikaw na may muscles " tawa ko naman.

" so ano na Justine? Pwede ba akong manligaw sayo? " at ayun nanaman yung tanong niya. Nasabi ko ba na tumakbo ako kagabi ng sobrang bilis nung tinanong niya sakin yang tanong. Hahaha at ngayon nagpeprepare nanaman akong mag marathon haha


" bakit ba gusto mong manligaw? Naku! Sasayangin mo yang muscles mo sa wala namang puday? " wika ko at tumakbo na sana ako kaso this time hinila at hinawakan na niya talaga ako sa may pulso ng mahigpit at pinasandal sa pader at tinignan ako ng deretso sa mata.


" tsk! Seryoso yung tanong ko Justine. " at kita ko sa mata niya ang pagkaseryoso. Jusko! Marerape pa siguro ako wala sa oras.

" seryoso din yung sinabi ko, wala ka namang makukuha sakin diba? Tsaka pagtatawanan ka ng marami? Mapapahiya ka pag ipanagpatuloy mo yan. Koyang Atom, napaka judgemental ng mundo at ayoko may mga taong makakaranas dun dahil sa akin " sabi ko at habang nakatingin parin siya sakin at nabigla ako sa sunod na nangyari.


ATOM'S POV


Nung una palang na nakita ko si Justine ay natuwa na ako sa sobrang energetic niya. Isa akong bisexual at alam niyo na, nagkakagusto ako sa babae at lalaki. Haha kahit alam ko na hindi naman bisexual itong tao na to at obvious naman na gay siya ay nagkainteress ako bigla sa kaniya.

Pwede din naman siguro na magkagusto ang dicreet bi na tulad ko isang gay diba? Wala namang sigurong pinipili ang love diba?

Kaya naisipan kong manligaw sa energetic na to, ayoko kasi na dahil sa sobrang bagal ko baka maunahan pa ako ng iba, badtrip kaya yun.

Kaya heto ako ngayon, nakahawak sa kaniya habang nakasandal siya sa pader, habang nagsasalita siya ay nakatitig lang ako ng deretso sa kaniya at nabaling tingin ko sa mapupulang labi niya.

Syet! Hindi ko nakontrol sarili ko at bigla ko nalang sinalubong labi niya gamit ang mismong labi ko na ikinagulat naman niya.



Itutuloy.......................

YOUR VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon