CHAPTER 6
JUSTINE'S POV
Pagkatapos kong magbihis ay napaupo muna ako saglit sa silya at nacellphone tinignan ko ang picture kanina sa tricy. Haha napatawa ako dahil sa itsura ng engot kasi galaw ng galaw, pero infairness kahit stolen cute parin naman. Habang pumipili ako ng picture na ikeep ko at idelete na ang mga panget kong angle ay agad ko naman nakita ang guitar na nakapatong sa kama niya, hindi ko napigilan at kinuha ko ito at ayun, tumugtog na ako.
Wala lang isang minuto ay agad naman bumukas ang pinto at dumating na ang may-ari ng gitara. Naku!
" marunong kang mag gitara? " biglang tanong niya. Nagulat naman ako kasi akala ko magtataray at magsusungit nanaman siya sakin dahil kinuha ko gamit niya ng walang paalam.
" ah. Hindi, may alam lang akong konting key. " ngiting sabi ko.
" sus! Edi marunong narin yun, " siya at inilagay niya sa lamesa ang tubig na larga niya.
" pero mas marunong ka, magaling pang kumanta ng heaven knows yiiehhh. Laglag panty ko dun eh " tawang sabi ko sa kaniya. Haha pero totoo, ang galing lang niyang kumanta.
" baliw, ge nga tumugtog ka nga ng kahit anong kantang alam mo. " utos naman niya. Luh? Nagutos na si koya. Habang siya naman ay naglalagay ng bigas sa rice cooker niya.
At dahil mukhang hindi naman siya nagalit sa pagkuha ng gitara niya ay tumugtog nalang ako ng PASSENGER SEAT at napalingon naman siya sakin. Kaya napatigil ako.
" oh bakit? " tanong ko sa kaniya.
" bakit puro strum ka lang? Kumanta karin baliw. " siya.
" hala? Ayoko nga. Panget boses ko. " sagot ko sa kaniya. At napakunot naman siya ng mukha.
" tss! Lakumpake. Sige na bilis na. Pabebe ka pa eh. " demanding na si koya oh. Ngayon singer siya maka ano sakin.
" bahala ka, magkakabangungot ka mamaya wag mo kong sisihin " sabi ko at nagstart ng magstrum muli at nagsimula na akong kumanta.
I look at him and have to smile
As driving for awhile
His hair blowing in the open window of my car and as we go I see the light
I watch them glimmer in his eyes
In the darkness of the eveningAnd I've got all that I need
Right here in the passenger seat
And I cant keep my eyes on the road
Knowing that he's inches from me.At tumigil ako dun at nakita ko namang napatitig lang si Aljames sakin. Luh?
" luh? Bakit? " gulat na tanong ko.
" a-ah w-wala. Alis muna ako kuha muna ako ulet ng tubig. " nabubulol niya wika. Luh? Napano yun? Natraumatized siguro sa mala palaka kong boses hahaha.
ALJAMES'S POV
Sa unang pagbigkas ni Justine ng tono ng kanta ay napagulat ako, syet! Bigla kong naramdaman ang naramdaman ko nung narinig ko ang kinanta nung sa music room. Biglang nagiba si Justine nung kumanta niya at yung tingin ko sa kaniya ay hindi na yung madaldal na baliw. Teka?! Di kaya siya na yung kumakanta nun? Hindi ko maexplain pero bumibilis tibok puso ko. Tae!
Umalis ako kasi feeling ko ang init sa loob ng kwarto at kailangan ko muling maghilamos. Kung si Justine nga yun so meaning naiinlove na ako sa kapwa ko? Haha taena! Anong nangyayari sakin? Ganun ba ako kabroken na sa kapwa ko lalaki nalang ako nagkakagusto.
Matapos kong maghilamos at bumalik narin ako muli sa kwarto at wala na akong naririnig na tugtog. Pumasok na ako at nakita kong busy na ang baliw na nagsusulat. At napatingin naman siya sakin.
" oh? Nagsisisi kana na pinakanta mo ko? Ayan tuloy napaalis kita wala sa oras " tawang daldal niya.
" ewan ko sayo. Teka, may iba ka pa bang alam na kanta? " curious na tanong ko, gusto kong malaman kung siya na ba talaga yung kumanta nung kanta. Narealised ko din kasi na kaboses niya at magkasing nipis sila ng boses.
" wala na. Yun lang alam ko na kanta at itugtog sa gitara, natanong mo? " siya
" wala naman, natanong ko lang. " ako. Awts, mukhang hindi naman pala siya. Isa lang naman pala alam na kanta sa gitara haha. Pero bakit ganun? Iba nararamdaman ko. Jusko! Kung ano man to, tatanggapin ko lang po ito, baka sakaling sasaya ako dito.
Hinayaan ko nalang muna siya sa pagsusulat at hindi ko na siya kinausap. Kumuha na rin ako ng canton sa cabinet ko at magluluto nanaman nito pangulam haha. Wala eh, ito talaga ang meron ako.
" luh? Wuy! Canton nanaman? Baliw ka ba? Alam mo ba na pwede kang magkasakit dahil sa palaging instant noodles? " nagulat ako sa pagsermon sakin ng baliw.
" luh? Bat mo ko sinisigawan? Wala naman akong nagawang kasalanan sayo, magluluto lang ako. " wika ko naman sa kaniya.
" hay nako koyang Aljames, " siya at biglang tumayo at may kumuha sa malaking maleta niya. At ayun may nakita akong maliit na pan at hindi ko alam kung ano yung isa. " oh eto, gamitin mo yan, portable electric stove ko yan at ito maliit na pan. Magprito ka ng itlog dyan marami ako nilagay sa cabinet ko " abot niya sakin. Nabigla naman ako, hindi ko alam kung mataray to o mabait.
" s-salamat, pero hindi ko alam kung paano gamitin ito electric something mo. Hehe " ngiti ko sa kaniya at napatitig lang siya ng blanko sakin.
" naku! Kailangab ko pa talaga gamitin culinary skills ko ngayon. Okay, punta ka muna sa baba bili ng kamatis at sibuyas at magic sarap gagawa ako ng itlog mixed sa tuna. Bilis na " ay? Nagutos na siya
" wow! Naguutos na. " ako
" haist! Bilis na koya, para makapagdinner kana " siya at ayun, bumaba na nga lang ako para bumili ng mga pinagutos nitong baliw.
15 minutes ang lumipas at ayun namangha ako sa nakita ko. First time ko muli na makakain ng niluto talaga at hindi instant haha.
" wow! Ang sarap naman, amoy palang " tuwang sabi ko.
" sus, mas masarap pa ako dyan " pagsingit naman ng baliw na Justine habang ayun nagcecellphone nanaman.
" haha baliw. Halika nga dito. Samahan mo kong kumain kasi nakakahiya naman na ako lang kakain " aya ko sa kaniya.
" sigena koya, busog pa ako. " siya, pero hindi ko siya pinansin at kumuha ako ng plato naglagay ng kanin at naglagay narin ako ng ulam at dinala ito sa kaniya.
" ayan, kumain kana. Pabebe ka talaga . " ngiti ko at napatitig naman siya sakin.
" s-salamat " utal niya. Sus. Haha
Itutuloy..................
BINABASA MO ANG
YOUR VOICE
Teen FictionPROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmadali akong pumunta sa music room pero wala na akong naubutan kundi isang panyo na may nakasulat na STR...