YOURVOICE 15

1.4K 56 4
                                    


CHAPTER 15

ALJAMES'S POV

Habang nagbibihis na ako ng uniporme ay agad ko naman napansin na parang plantsado ang uniform ko at ayun nga plantsado ito kasi amoy bagong plantsa. Napangiti naman ako kasi alam kong si Justine ang nagplantsa nito. Mahilig naman akong plantsahin uniform ko kaso ngalang ay nasira yung plantsa ko kaya lately ay hindi ko na napaplantsa uniform ko pag pumapasok sa school. Pero sinisiguro ko naman din na hindi mukhang hahabulin ako ng plantsa pag lalabas ako sa dorm.

Matapos kong magbihis ay inayos ko na din yun bag ko at yung guitar ko at inilagay sa bag nito. Hindi kompleto araw ko pag hindi ko karga ang gitara kong ito, ito kasi first gift ko sa sarili ko nung nakaipon ako ng pera sa pagraraket ko, kaya mahal na mahal ko tong gitara na to. Naisipan ko na sanang pumunta na sa skwelahan pero naisipan ko ding hintayin si Justine at sabay na kaming malalakad papuntang University.

----------------------------------

15minutes Later.

Taena! Naiinip na ako sa kakahintay sa gagung Justine na yun, ang bagal niyang maligo. Sa pagiging inip ko na ay bigla namang dumating ang gago at nagulat ako kasi parang may tinatakbuhan siya habang naka bathrobe at karga niya ang towel niya. Agad ko din napansin ay mapulang labi niya.

" luh? Justine? Anong nangyari sayo? Bat parang gulat ka ata? At teka? Bat ang red ng lips mo? " tanong konsa kaniya at gulat din siyang napatingin sakin.

" h-hah? B-bakit ka nandito pa? " nabubulol naman niyang tanong sakin at napataas naman ako ng kilay sa kaniya. Parang may mali sa gagung to? Mukhang hinabol siya ng serial killer at ngayon parang na trauma haha.

" tsk! Hinihintay kita para sabay na tayo malakad papuntang skwelahan. " salita ko.

" luh? Anong oras na, mauna kana. A-at magbibihis pa ako " utos naman niya.

" luh? Sabay na tayo. Hindi pa naman tayo malelate eh. Dito lang ako sa labas maghihintay ahh, magbibihis kana dyan " wika ko at lumabas na sa kwarto at naghintay sa kaniya sa labas. Medyo umaakyat narin si haring araw at nagiging maingay narin ang mga busina ng mga sasakyan. Limang minuto pa ang lumipas ay lumabas narin si Justine na naka uniform na at bag.

" halikana " sabi niya at naglakad na siya ng una at sumunod naman ako. Pagkababa namin ay agad naman namin nadatnan si Atom. Kita ko ang ngiti ni Atom sa kaniyang mga mukha. Mukhang masaya ang gagu ahh? Siguro may na huli nanaman to.

" uy! Papasok na pala kayo " tuwang wika niya.

" oo bro. " tanging sabi ko pero si Justine ay biglang nagmadaling lumakad papalabas. " uy! Justine teka lang, hintay ka naman " tawag ko sa kaniya at hinabol siya. Gagu naman nito, siya hintay ko tapos ako iiwan lang pala. Saklap nun.

" magingat kayo Justine " rinig ko namang sigaw ni Atom.

Habang naglalakad ay nabobother ako sa katahimikan ni Justine dahil hindi ako sanay na tahimik siya kaya kinausap ko siya para masira ang katahimikan na to.

" hanggang what time lang klase mo ngayon Justine? " tanong ko at napatingin naman siya sakin.

" ahhm. Hanggang 11:30 lang bakit? " sagot naman niya.

" talaga? Same lang tayo, sabay na tayo uuwi ahh " ngiting wika ko naman sa kaniya.

" sus, at bat mo naman gusto na sabay tayo uuwi? " biglang pagtanong niya.

" wala lang, gusto ko lang " tanging sinagot ko at napangiwi naman siya. Tss! Suplado talaga kahit kailan. " nga pala, bat pala parang takot na takot ka kanina nung pagpasok mo sa kwarto? " bigla kong naalala kanina haha nacurious kasi ako kung bakit siya ganun kanina. Agad naman siyang napatingin sakin at bumalik muli sa kaniyang mukha ang pagkagulat? Hahaha " oh? Bakit? " napatanong ko.

YOUR VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon