YOURVOICE 23

1.2K 49 0
                                    

JUSTINE'S POV

Nagising ako sa amoy ng pinipritong itlog. Babangon na sana ako ng biglang naramdaman kong masakit masyado ang ulo ko at napahawak ako sa noo ko. Bakit nandito ako sa kama ni Aljames? Teka? May nangyari ba samin kagabi? Luh? Ano pala nangyari kahapon?

" oh? Gising kana pala? " biglang salita ni Aljames at napatingin sa kaniya habang nakaupo na.

" anong nangyari kahapon? " curious kong tanong. Wala kasi akong matandaan, dahil siguro sa sakit ng ulo ko at naboblock ang memory ko haha

" tss! Magtatanong ka pa?! " biglang pag iba ng tono boses ni Aljames na nagulat naman ako habang binigyan niya ako ng tubig at gamot?

" p-para saan to? " tanong ko. Napano kaya to?

" inumin mo yan! Alam kong masakit ulo mo! " salita niya muli na padabog parin.

" luh? Anong problema mo?! Bat parang beastmode ka sakin umagang umaga " takang tanong ko.

" ewan ko sayo. Oh eto, magbreakfast kana at magpapahangin lang ako sa labas " siya at inilapag na sa harapan ko ang friedrice at itlog. Luh? Ano nanaman napasok sa kokote nito?

" luh? Aljames naman. Sabayan mo ko dito magbreakfast. Ano ba nagawa ko sayo? Bat nagtatampo ka? " tawag ko sa kaniya at lumingon siya sakin.

" ahh ganun? So hindi mo maalala na naglasing ka kahapon? " omg! Oo nga noh? Last naalala ko pumasok kami sa bar teka? Nagwala ba ako dun? Pinahiya ko ba si Aljames sa maraming tao.

" a-anong nangyari kahapon? " natatakot kong tanong sa kaniya kasi parang badmood na badmood siya sakin.

" ewan ko sayo Justine, kumain ka na nga dyan at aalis na ako " siya at umalis na nga talaga at iniwan akong magisa kasama ang guitara niya habang naka handa na ang pagkain sa lamesa. Hayss, nagtatampo ang gago!

Wala na nga akong nagawa kundi ang kumain nalang ang inihanda niya para sakin pero habang nagbebreak fast ako ay napaisip ko rin na gumawa ng cookies para sa mokong na yun at dalhin ito sa kaniya para mawala na ang sungit nun sakin. Hindi ko nga alam kung bakit siya galit hindi man lang ako binibigyan ng explanation.

25 minutes ang nakalipas ay nagayos na ako sa loob ng kwarto namin at luto narin ang binaked kong cookies or kiss ko nalang kaya siya para bati na kami? Haha inilagay ko na ito sa isang topper ware at dinala na ito pataas ng rooftop kasi alam kong nandun siya nageemote. Haha

At gagawin kitang prinsesa ko
Kahit parehas tayong prinsepe
At gagawin kitang misis ko
Kahit parehas naman tayong mister
Nakakaloko diba
Pero mahal kita
Dedma na
Kung ano ang sasabihin nila
Basta't tanggap kita........

Napahinto ako habang nakatalikod siya na nakaupo at kumakanta habang naguiguitara. Napangiti ako, para akong asong ulol na nakangiti lang sa bawat pagbigkas at pagawit niya ng mga lirokong sinulat niya.

" diba yan yung sinusulat mo? " ngiting salita ko at nagulat naman siyang lumingon sakin.

" kailan ka pa dito? " gulat niyang tanong sakin

" yung pagsimula ng chorus, ganda ng sinulat mo ahh? Kinilig ako sa lyrics " tuwang sabi ko at lumapit na sa kaniya habang karga ang cookies na ginawa ko para sa kaniya.

" at bakit ka naman nandito? At ano yang karga mo? " tanong niya at napatingin sa topperware na may cookies.

" cookies! Ginawa ko para sayo " sabi ko at nagsmile lang sa kaniya. Haha pabebe ako ngayon.

" sus! Para saan yan? Apology mo sakin? Naku! Hindi yan gagana sakin " siya at inirapan lang ako. Luh? Mas pabebe pala to sakin, sapakin ko na kaya to?

" luh? Arte naman nito?! Nageffort na nga ako ehh. " inis ko at tumayo na " bahala ka dyan! Magalit na kung magalit " ako at magwawalk at na.


" uuy! Loves, nagtatampo ka na din ehh. Diba dapat ako lang ang magtatampo? Tss! Halika nga dito " biglang pagsweet ng boses niya. Tss! Kailangan pa na magalit din ako para bumait lang. Lumapit naman ulit ako at umupo muli.

" tss! " tanging sabi ko

" luh? Nagtatampo na nga ang loves ko ohh. Yiiehh ngingiti na yan " pangungulit na siya at hinahawakan na ako sa bewang.

" kainin mo to, tikman mo. " sabi ko at binigay ko sa kaniyaang cookies. Binuksan din naman niya at nakita na niya ang mga cookies sa loob.

" ay wow. Puro heart ahh? Magpapasko palang pero yung sa loob ng topperware parang valentines na haha " tawa niya at napatingin lang ako sa kaniya at pinipigilan ko wag ngumiti. Haha

" kainin mo na para sumaya na ako " wika ko at kumaha na siya ng isa at kinain kita. Ngumiti na ako habang minumuya na siya ang cookie na parang kambing hahaha

" sarap loves, the best ka talaga mag luto! pag asawa na kita siguradong hindi ako magugutom sayo. " lumaki naman mata ko sa sinabi niya.

" h-ha? A-asawa? " nabubulol kong tanong.

" asawa. Partner sa buhay. Yun? Hahaha ayaw mo loves? Tapos gabi gabi gagawa tayo baby " excited na sabi niya at agad naman akong tumawa ng malakas.


" hahaha paano tayo makakabuo aber? " tawa ko at sinabayan ko nalang pagpapantasiya ni Aljames.

" try ng try lang tayo baka maka chamba tayo hahaha " tawa siya at tumawa na din ako. Para kaming mga baliw na nagtatawanan dito.

" baliw ka Aljames, kung gusto mo ng baby dapat hindi sakin mo gawin. Sa totoo mo yun gawin, sa totoong makakabuo ng baby " wika ko at tumingin lang ng deretso sa mga mata niya. Medyo nasad ako dun haha oo nga noh? Paano kung yung lalaking nagmahal ng isang tulad ko ay biglang nagisip na gusto niya pala ng baby? Iiwan ba niya ang tulad ko at maghanap ng tunay at makakapagbigay sa kaniya nun? Ang sad lang isipin kaso yun din naman ang reality eh. Haysss...

" pero pag mahal mo naman yung tao hindi mo hahanapin sa kaniya ang hindi niya kayang ibigay diba loves? Kasi pag mahal mo yung tao tatanggapin mo siya ng buo at kung ano yung kaya niya lang ibigay sayo ng buo at totoo " napatingin ako sa kaniya at tila bumilis pagtibok puso ko. Bakit ang sarap lang marinig ang mga salitang yun galing sa kaniya?

" t-tama na nga yang mga baby na yan, kainin mo na yang cookies " pag palit ko ng topic baka kasi maiyak pa ako dito hahaha

" ayoko na nito " siya at napatingin ako ng masama sa kaniya

" at bakit? " galit kong wika

" kasi gusto ko naman YUNG.... KISS mo " ngumiti siya haha taena! Hinampas ko siya, kinilig ako sa corny na to.

" che! " ako

" luh? Sigena loves. Isa lang " nag pout siya at inisip ko nalang na pagbigyan nalang siya. Lumapit ako sa kaniya ng dahan dahan at mabilis na dinampi labi ko sa labi niya at tinanggal agad naman ito.

" okay na " ako at medyo nagblush. Taena.

" luh? Ang bilis naman? Ulet gusto ko yung french kiss " lumaki naman mata ko sa sinabi niya. Luh? Gagu ba to?

" tumigil ka dyan Aljam........... " at hindi ko na natapos sinasabi ko dahil nakadampi na muli ng labi niya sa labi ko.


Itutuloy..............

YOUR VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon