JUSTINE'S POV
Nandito na kami ngayon sa isang fastfood restau at andun na si Aljames sa counter at nagoorder ng makakain namin. Hindi ko alam kung anong meron ngayon at naisipan ng mokong na to maglibre sakin.
Habang nakaupo at naghihintay ng pagkain ay naisipan ko nalang munang magfacebook at tignan ang mga notifications at messages ko na hindi ko ginagalaw mga weeks na. Haha busy kasi ako kaya wala akong masyadong time para mag facebook. Habang nagfefacebook ay napunta naman ako sa friend request at dun nakita ko agad ang friend request ni Atom. Biglang napalunok ako dahil sa bigla ko nanaman muli naalala ang nangyari kanina. Bakit ganun? Bakit bumigay ako kahit gusto kong itigil ang nangyayari kanina? Bakit kahit ganun parang ginusto ko din? Arg! Kakainis ang tagal na nun nung unang ginawa ko yun. Feeling ko magiging awkward na ako nito kay Atom at hindi ko alam kung makakausap ko pa siya. Kahit ganun pa man ay inaccept ko nalang din ang request niya at nagscroll na muli ako.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay dumating narin si Aljames na may kargang tray at agad naman akong naging excited kasi kanina pa ako nagugutom.
" wow hah! Seating pretty kalang talaga dito " salita ni Aljames sakin habang nahirapan siguro sa pag buhat ng mga pagkain papunta dito haha.
" luh? Maka ano ka din sakin. Lalaki ka din naman, kayang kaya mong bumuhat ng kahit ano " wika ko at ngumiwi lang sa kaniya.
" tss! Ewan ko sayo. Kumain kana, nafefeel ko na ang pagkagutom mo " salita niya habang siya naman ay nagmimix na ng kaniyang spaghetti. At gaya nga ng sinabi ko kanina, gusto ko ng spaghetti, frenchfries, burger, chicken at sundae kaya eto ngayon, puno ang table namin ng pagkain kahit dalawa lang namin kami dito haha.
" buti alam mo na gutom na gutom na talaga ako. Kung bumalik ka siguro dito na walang dalang pagkain ikaw yung sinubo ko " wika ko pero agad ko naman narealize ang sinabi ko. Oh syet!
" luh? Bastos ka ahh. Anong subo mo ako? " wika ni Aljames na gulat ang mukha. Haha ako din naman nagulat sa nabigkas ko.
" I-I mean i-ikaw yung nilamon ko " pagcorrect ko pero tinitigan lang niya ako na parang nagsasabing 'sus palusot ka pa'. Napayuko nalang ako dahil medyo napahiya ako haha. Isa-isa ko ng inubos ang mga inorder ni Aljames at para akong bata. " thank you Aljames sa libre ahh " pagsasalamat ko at ngumiti sa kaniya napatitig naman siya sakin ng narealize ko parang nakatutok cellphone niya sakin. Teka? Pinipicturan niya ba ako?
" sus! Kumain ka na lang dyan. Pabebe ka pa " ngiti niya.
" huy! Pinipicturan mo ba ako?! " sigaw ko sa kaniya at agad naman niya ibinaba ang phone niya at inilagay sa bulsa niya.
" h-huh? B-bakit naman kita pipicturan? Feeling nito " siya at inirapan lang ako at inirapan ko nalang din siya. Tss! Daig pa babae kung makairap.
Natapos kami sa fastfood restau nag lunch ay naisipan ko na din mag mall kaya isinama ko nalang din si Aljames para may kasama ako. Syempre naka Uniform parin kami haha. Dumating kami sa isang mall at medyo excited ako kasi gusto ko bumili ng mga bagong damit, mga 5 pairs siguro kasi feeling ko yung mga ibang damit ko dun, na binili ko nung last, last week pa ay parang nawawala na ang pagiging bago niya.
" ahh, Justine? Bat tayo sa may mga branded na damit? " biglang tanong ng mokong na nasa side ko at habang ako naman ay pumipili ng damit pang itaas.
" tss! Ano naman ngayon? Wag ka nga maingay dyan, kasi nahihirapan akong mamili " wika ko sa kaniya at ayun umalis nalang siya sa tabi ko at naghanap ng maupuan. Haha parang bata naman to.
Mga 15 minutes ang lumipas at wala akong nahanap na maganda kaya naisipan kong pumunta nalang sa iba. Hahaha hindi talaga ako expert magshopping pero alam ko naman kung bagay sakin ang damit o hindi.
" Aljames, halika na " tawag ko sa kaniya at ayun parang siya pa ang pagod na pagod kesa sakin.
" ang tagal mo dun tapos wala ka man lang napili kahit brief lang " imik niya at napasimangot naman ako sa kaniya.
" tss! Kailangan mahanap ko yung babagay sakin hindi yung magmumukha akong basahan pag sinuot ko yung damit " salita ko.
" arte nito. Pwede naman na yung tig 100 pesos lang na tshirt at yung tig 200+ sa pangibaba. " wika niya at napataas naman ako ng kilay sa kaniya.
" kung yun ang ibibili ko eh di masasayang lang ang pera ko kasi mga isang laba lang yun, wala na yun " bat ang daming kontra ng taong ito, isiko ko kaya to sa diaphragm niya?
" tss! Masasayang. Eh 1000 yung nakita ko kaninang presyo sa polo. Kung sakin yun nakabili na ako ng sampung tshirt nun " wika niya muli at napatingin naman ako sa kaniya.
" alam mo Aljames, quality ang gusto ko hindi yung quantity. Tsk! Alam mo ililibre kita ng mga damit since nilibre mo man din ako ng pang lunch " nginitian ko siya at kita ko ang pagkalito at gulat niya sa mukha niya. " oh bakit? " bigla kong tanong.
" s-sure ka? Saan ka naman kukuha ng pera? " bigla naman akong natawa ng malakas sa tanong niya. Hahaha baliw talaga tong tao na to. Pero oo nga noh? Wala akong dalang pera pero may black credit card naman din akong dala pwede na siguro yun.
" hahaha. Kakatuwa ka talaga, wag mo na nga isipin ang mga bagay na yan basta sabi ko sayo mamili ka na dyan. Gawin mo ng 5 pairs din bilis kasi inaantok na ako " salita ko pero nagtaka ako dahil parang aalis siya. " uy! Saan ka pupunta? " tawag ko agad sa kaniya.
" pipili ng damit " siya
" hah? Bat ka umaalis dito? At saan ka pipili ng damit? " naku! Nagmamall ba tong tao na to, parang first time mag mall.
" dun sa tig 100 " siya at tumawa muli ako sa kaniya. Hahaha naiinis na ako dito pero taena! Nacucute-an narin ako sa pagiging engot niya.
" bumalik ka nga dito. Dito ka pipili. Kaloka ka! " sigaw ko at ayun nagstart na kaming mamili.
Habang naghahanap ng masusuotan ay hindi ako mapakali sa Aljames na to kasi parang kahit isang damit wala pa siyang napipili. Kaya pinuntahan ko nalang siya at nagtanong kung ano ang problema niya.
" oh? Bat kanina ka pa dito? At wala ka man lang napipili kahit isa? " tanong ko.
" kasi Justine, wala akong mahanap na mura, lahat nasa 700-1000+ ang presyo Justine. " at kita ko naman sa mukha niya na parang siya pa ang namomoblema kung paano niya iyon babayaran. Syempre, pinagtawanan ko nalang din naman siya. Hahaha
" haha ewan ko sayo Aljames. Saan yung 700 ang presyo? " tanong ko at pinakita nita naman ako nung polo na plain lang " at saan yung 1000+ plus na sinasabi mo? " at ayun pinakita niya sakin yung denim na polo.
" kitam, ang mahal " siya
" yang 1000+ ang kunin mo at ifit mo, hanapan mo na din ng partner para sa baba. Bilis na Aljames, kasi malapit ko ng matapos hanapin at ifit yung mga bibilhin ko. " at ayun napakamot nalang siya ng ulo at ako naman ay nagpatuloy sa paghahalungkat ng damit. Nakakapagod talaga pag sa mall mag shopping, namimiss ko tuloy yung drawer room ko. Kasi lahat ng damit nandun na at kahit mag kalat ako dun okay lang kasi iaayos lang din naman ng mga katulong namin. Luh? Pero hindi ako spoiled brat, kala niyo sakin ahh. Mabait kaya ako.
At lumipas ang isang oras at kalahating oras ay natapos din kami sa pagshoshopping at ayun, ang dami naminh bitbit. Kaya pinahawak ko yung iba kay Aljames kasi siya naman ang mas may muscles samin dalawa haha.
" Justine parang ang dami nito, hindi ko to mababayaran kahit magsampung gig pa ako sa isang araw " naku! Nagyayawyaw nanaman ang gagu.
" libre nga diba? " ako at pinara ang tricy kasi pagod na ako at gusto ko ng umuwi.
" paano ko to mababayaran? " luh? Nakakaintindi ba tong tao na to?
" kiss na lang " joke ko at ngumiwi lang pero nabigla ako dahil bigla nalang din may dumampi sa pisngi ko at agad akong napatingin sa kaniya na gulat ang mukha.
" pwede na ba yan? " siya
Itutuloy....................................
BINABASA MO ANG
YOUR VOICE
Teen FictionPROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmadali akong pumunta sa music room pero wala na akong naubutan kundi isang panyo na may nakasulat na STR...