ATOM'S POV
Tama ba yung narinig ko kanina kay Aljames na Loves ang tawag niya kay Justine? Pangungulit lang ba yun? O di naman kaya may sikreto na sila o baka naman may namamagitan na sa kanilang dalawa? Taena! Akala ko ba lalaking lalaki yung Aljames na yun? Bakit may pa loves loves pang nalalaman kay Justine? Kainis! Pinoporma ko yung tao tapos mauunahan na pala ako. Gagu yung Aljames na yun ahh? Maghahanap na kaya ako ng vacant room dito para dun ko itransfer si Justine na yun, dati naman kasi gustong gusto niya pumalit ng room.
Gabi na at hindi ko pa nakikitang bumalik ang dalawa dahil may pupuntahan daw sila kanina. Tss! Ang saya saya pa ng mukha ni Justine kanina nung lumalabas na silang dalawa.
*Beep* *beep*
Bigla naman akong napatingin agad sa labas ng may narinig akong pumipito na tricycle at nakita ko naman agad na bumaba sila Aljames at Justine. Napansin kong parang binubuhat ni Aljames si Justine kaso nga lang nahihirapan siya kasi madami din siyang karga. Agad na akong tumayo at pinuntahan sila.
" oh? Anyare dyan? " tanong ko
" naglasing bro " nahihirapang sabi ni Aljames.
" tsk! Akin na nga si Justine at dalhin mo na muna yang karga niyo sa inyo " utos ko at kinuha ko naman si Justine na ngayon ay kung ano-ano pinagsasabi. Tss! Iinom tapos ang weak naman pala.
" uyy! Sino ka?! Ba-bat moko hinahawakan? " biglang salita sakin ni Justine habang nakahawak ako sa bewang niya at nilalakad siya paloob ng gate.
" luh? Baklang toh! Si Atom ako, nalasing ka lang nakalimutan mo na ako " sagot ko naman sa kaniya.
" oh? Atom! Ikaw pala yan. Wahhh, ang pogi mo pala at ang tigas ng mga braso mo oh " tawang sabi niya na ngayon ay pinipisil na ang braso ko. Taena! Nangaakit ba to gagong to?
" shush! Tumahimik ka nga! Ang ingay mo natutulog na ang ibang tao dito " suway ko sa kaniya habang nandito na ako sa may pinto ng kwarto ko, hindi ko alam kung ipapasok ko to sa kwarto ko o isusundo ko to pataas sa kwarto nila. Hahaha
" wahhh ang init ko na Atom " sigaw niyang muli na parang baliw at baka magkasala na ako kaya naisipan kong isundo na ito ng mabilis pataas kasi baka maipasok ko to sa kwarto ko at irape to. " Alam mo Atom crush kita... " napatigil ako agad sa kalagitnaan ng hagdanan ng bigla kong narinig ang sinabi niya.
" c-crush mo a-ako? " nabubulol kong tanong at tinignan ang mukha niyang lasing pero cute parin at mapupulang mukha niya at labi.
".... kaso nga lang mahal ko na si Al-- " tangina! Ayokong marinig ang panghuling salita niya at hinalikan ko nalang siya agad sa labi. Asar! Sasabihin niya akong crush ako kaso mahal niya iba?! Goodtime ba to sakin si Justine? Hinalikan ko siya hanggang sa gusto kong mawala sa isip ko ang sinabi niyang mahal na niya. Hinahalikan ko siya hanggang sana maiba ang masabi niyang mahal niya. Tangina!
" b-bro?! Anong ginagawa mo kay Justine?! " kumalas ako sa paghalik kay Justine ng narinig kong may biglang sumigaw. Si Aljames.
" H- b-bigla niya akong hinalikan " ako at agad naman niyang pinuntahan ako at kinuha sakin si Justine. Gusto kong magalit sa taong to! Bakit siya pa ang mahal ni Justine samantalang ako naman ang nagconfess kay Justine na gusto ko siya at gusto ko maging boyfriend niya. Asar!
ALJAMES'S POV
Kumukulo dugo ko ng makita kong naghahalikan si Atom at Justine sa may hagdanan. Taena! Sinigawan ko sila at nakita ko naman na gulat si Atom na tumingin sakin at si Justine naman ay lasing lang. Agad ko ng nilapitan sila at kinuha si Justine sa kaniya at wala na akong sinabi pa at agad na umakyat pa taas ng kwarto namin.
Nakarating na nga kami sa kwarto at nilagay ko siya sa may couch. Kumukulo dugo ko parin. Tae! Naiinis akong nakita ko silang naghahalikan! Sinabi ni Atom na hinalikan siya ng gagong ito pero pwede namang siya ang humalik sa gagung din tong Justine nato kasi lasing!
" Hoy! Ikaw! Naiinis ako sayo! Bat mo hinalikan yung Atom na yun hah! Sumagot ka! " sigaw ko sa kaniya habang si Justine naman ay nakapikit lang at nakahilata sa couch. At biglang napamulat at tumingin sakin ng nakangiti.
" hah? Halik? Gusto mo ng halik Loves? Halika dito dali, kiss kita ng one hhuuunnndred times " tulog lasing niyang sabi. Tss! Nababaliw na ang gago!
" ewan ko sayo! Dyan ka na nga at matutulog na ako! Galit ako sayo. " inis ko at umakyat na lamang sa kama ko at humiga nalang at nagkumot na para matulog, pagod din ako lalo na sa gagong to na makikita ko lang pala na naghahalikan sa iba.
" twinkle twinkle little starrrss! How I wonder what you arrree! " biglang dinig ko at napamulat ako nagiingay na mag isa ang gagu! Sarap itali.
" sshush!! JUSTINE! MATULOG KANA NGA! KAINIS KA NA! IINOM KA TAPOS NGAYON MAMEMERWISYO KA NG IBA! " sinigawan ko siya pero bigla naman ako napaisip. Mukhang sobra na ata yung sinabi ko.
Natahimik naman siya dahil dun pero akala ko makakatulog na ako ng biglang may naririnig na akong himukto. Luh? Umiiyak na siya? Agad akong bumangon at tumingin sa baba at ayun nga umiiyak si Justine na parang bata. Buang na ang gagu! Tsk!
" uy. Bakit ka umiiyak? " bumaba ako at tinabihan siya.
" pinapagalitan mo na ako, ta'tapos galit na galit kana sakin " iyak niya
" tsk! Sorry na. Tama na yan halika kana tulog na tayo. " ay nako! Parang bata na siya ngayon jusko! Hindi ko alam kung kakayanin ko ba to ang ganito.
" u'uwi na ako samin, h'hindi mo ako mahal tapos ikaw ma'mahal ko na. U'uwi na ako " iyak parin niya.
" wuy! Baliw ka. Halika na nga dito ka sa tabi ko matutulog. Shhh. Tama na yan " pinaakyat ko na siya sa kama ko at pinahiga. Nilagyan ko narin siya ng kumot at kahit parang umiiyak parin siya ay niyakap ko nalang ang batang gagu na to. Kahit ganun parang natatawa na ako haha. Ganito pala to pag lasing? Ang weak talaga isang bucket lang naman yung nainom niya kanina. Haha
Mga 5 minutes ang nagdaan ay natahimik na ang gagu at tinignan ko naman siya. Peaceful na ang itsura niya at hindi na nakakainis haha. Hays... tumitibok nanaman ang puso ko gaya nung una, pinunasan ko naman ang konting luha sa mga mata niya at inalis ang nahuhulog niyang buhok sa mukha. Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti.
" mahal din naman kita kahit baliw ka " wika ko sa kaniya kahit na natutulog.
Itutuloy.....................
BINABASA MO ANG
YOUR VOICE
Teen FictionPROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmadali akong pumunta sa music room pero wala na akong naubutan kundi isang panyo na may nakasulat na STR...