JUSTINE'S POV
Nagulat ako at napalaki mata ko ng biglang pumasok si Aljames sa kwarto at tinawagan pa akong loves. Sabay kaming tumingin ni Atom sa kaniya at agad naman din siyang napatitig samin.
" A-Atom? Napadalaw ka? " biglang tanong niya.
" Loves? Sinong loves? " tanong din niya kay Aljames at binalewala lang ang tanong sa kaniya ni Atom. Naku! Ang awkward.
" ahh, a-ano kasi pangungulit niya yun sakin, kaya tinatawag niya ako nun " bigla kong pagsingit sa kanila at napangiti ng napaka awkward.
" oh? Hindi ko alam na close na pala kayo dalawa. Last time lang na ayaw mo Justine na makasama siya " salita ni Atom na parang masyadong sceptical. Hayyss.
" n-namamanage ko naman din ngayon at nasasanay nalang ako sa kaniya " palusot ko.
" ahh. Okay. Ay! bro yung rent mo pala sa next week ko na yun kunin ahh " salita niya kay Aljames at napatango nalang si Aljames at pumunta sa may maliit na couch namin.
" sige bro, ibibigay ko sayo next week " si Aljames.
" ohh siya, dito na muna ako kasi marami pa akong sasabihan na dormates niyo about sa payment " ngiti ni Atom at umalis na. Buti naman umalis na yun, parang kinakabahan ako ng husto pag nalaman niyang mas higit pa sa nangyari samin ni Aljames kesa sa kaniya. Ayoko talaga makasakit ng damdamin.
Habang malapit ko ng lutuin lahat ang pang breakfast namin ay napansin ko naman na naging tahimik na si Aljames at hindi nagsasalita.
" uy? Tahimik ka? " tanong ko sa kaniya habang siya naman ay nakaupo lang at nakita kong nakatitig lang sakin.
" tss! Bat mo pinapasok yung Atom na yun sa loob na ikaw lang magisa? " napatingin naman ako agad at nagtaka. Ano nanaman kaya tong drama niya?
" luh? Bakit naman hindi? " tanong ko
" tss! Justine, hindi mo kilala yung taong yun. Yung ugali nun at pagiging maniac nun " siya at sa tunog ng boses niya ay nagtatampo siya. Napakunot naman ako ng noo.
" Aljames, bat parang nagagalit ka? Pumunta lang naman yun dito about sa renta. " inis ko naman.
" basta! Wag kang sasama dun at lumapit pag hindi ako kasama " siya at kinuha at habang ako ay tapos ng magluto at ipeprepare ko nalang.
" at bakit Aljames? " ako
" kasi ayoko! Kulit naman eh! Daming tanong! Tae! " siya at masama na ang tingin sakin. Luh? Siguro bipolar tong tao na to. Kanina lang ang sweet sweet niya sakin ngayon ang bitter bitter na niya.
" bahala ka nga Aljames! Ewan ko sayo " inis ko sa kaniya at nilapag ko na sa maliit na lamesa namin ang niluto ko at naglapag din ng juice para panginumin.
Naiinis ako kaya umakyat nalang ako sa kama, umupo at kinuha ang cellphone ko.
" hoy! Ano pang ginagawa mo dyan Justine? " sigaw niya sakin at hindi ko naman pinansin. Tss! Kala mo hah. " Justine! Huy! Ano yang arte mo? " siya at nandito na sa baba ng kama ko at umaakyat na din.
" tsk! Wala kumain ka na nga dun habang mainit pa yung pagkain " salita ko at patuloy lang na nagiiscroll sa phone ko at nandito na siya sa taas at nakaharap sakin.
" luh? Nagtatampo na siya ohh. Sorry na kung nagalit ako. Nagseselos lang naman ako ehh. Ayoko lang na baka mapunta ka pa dun sa Atom na yun. " salita niya at napatitig naman ako ng deretso sa mata niya at nakita ko naman na seryoso siya.
BINABASA MO ANG
YOUR VOICE
Teen FictionPROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmadali akong pumunta sa music room pero wala na akong naubutan kundi isang panyo na may nakasulat na STR...