YOURVOICE 37

992 38 0
                                    

CHAPTER 37

JUSTINE'S POV

Umagang nagising ako na masakit ang ulo ko at wala na yung kasama ko sa tabi ko. Agad naman akong tumingin sa paligid ko at wala akong  nakikitang Aljames at nang marinig kong bukas ang shower. Bat kaya ang aga ng ligo ng mokong na to?

Bumangon na ako at inayos ko ang kalat sa kama. Yes, ako mismo nagaayos ng kama ko at hindi tulad ng mga rich kid dyan na iniiwan nalang at inaasa pati pagaayos ng kalat nila sa katulong.

Matapos kong ayusin ang kama ko ay naglakad naman ako papasok sa banyo para mag mumok. At ayun nga nakita ko si Aljames sa loob ng shower. Well, hindi ko naman makita talaga kasi may glass pero alam kong hubad siya kahit medyo blurred lang nakikita ko haha.

" Loves? " biglang sigaw ni Aljames ng makita niya siguro ako pumasok.

" hmmm? " parang zombie kong sagot sa kaniya.

" Goodmorning " agad na pagbati niya sakin at sumilip pa ulo niya at ngumiti. Tss! Feel at home na talaga ang pabebeng Aljames ko ahh?

" morning... " same tono parin ng boses ko at nagmumok na.

" okay kalang Loves? " tanong niya habang kita ko ay nagsusuot na siya ng towel.

" masakit ulo ko loves, anong ginawa mo sakin kagabi? " ako tinitignan lang siya.

" hah? Wala naman, tinali lang kita kagabi tapos nirape kita patalikod " nabuo ako bigla sa sinabi niya at tumawa lang naman yung gagong nantitrip nanaman umagang umaga.

" tss! Leche ka! " inis ko at umalis na sa banyo at bumalik nalang sa kama ko nakita ko naman na sumama siyang lumabas sakin at nakatowel parin.


" uy! Joke lang. Ito naman ehh, uminom ka kagabi ng marami, hangover yan " salita niya.


" tse! Lakumpake sayo! Kainis ka kausap " ako at inarapan lang siya.

" luh? Moodswing nanaman ang loves ko. Saglit lang, kukunin kita ng gamot at pang breakfast mo na din " siya at umalis na agad. Luh? Napatingin naman ako agad at para tawagan siya pero umalis na agad ang gago ng nakatowel lang leche! Magpapakita pa ng katawan sa mga katulong.

" OMAYGHAD SIR! " biglang rinig ko na hiyaw sa labas. Napapakunot na ako ng noo at agad na sumilip sa pintuan at dun nakita ko ang isang katulong namin na nagfefeather dust sa mga paintings at furniture ng nakangisi talaga.

" oy! Anong nginingiti mo dyan?! " badmood kong tanong sa kaniya. At nakita ko naman agad ang gulat niyang mukha.


" ay! G-goodmorning sir Justine. W-wala po, masaya lang po akong naglilinis po " siya na halata naman talaga na nakita niya yung gagong Aljames na dumaan at siya yung tumili kanina.


" tss! Akin lang yung katawan na yun! Kaya tigilan mo yang pag ngiti dyan " ako at sinara ko na ang pinto at bumalik sa kama.



Luh? Bat parang teritorial ng dating ko ngayon? May mens kaya ako? Pati katulong inaaway ko na. Kainis talagang ulo to.


___________________________________

Mga 10 minutes ang nagdaan at narinig ko naman na bumukas ang pintuan at dun nakita kong si Aljames na may kargang tray. Medyo sumaya ako agad dahil nakita ko yung hot chocolate at may cake pa.

" loves? Okay lang? Ito na oh, kainin mo na yan tapos inumin mo na ang med mo po " siya at halos nagpapasweet sakin kasi alam niyang nasa badmood ako haha.

YOUR VOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon