CHAPTER 5
ALJAMES'S POV
" oh? Bat parang gulat ka? " biglang paghinto niya sa paglalakad.
" ano ginagawa mo dito? " tanong ko naman.
" hah? Bakit? May hinahanap lang ako natanong mo? Ikaw ba ano ginagawa mo? " tanong din niya sakin.
" ahh. Wala, napadaan lang " ako.
" ahh.. okay, sige una na ako " at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hmm? Ang weird lang ng taong to, pero hindi ko nalang pinansin pa at nagpatuloy narin ako sa paglalakad kasi oras na ng second subject ko sa araw na ito at pagkatapos nun ay maypupuntahan nanaman akong raket. 500 pesos narin yun, malaki na yun pangdadag ipon ko.
Kung nagtataka kayo kung bakit kailangan ko magraket para sa sirili ko ay dahil wala naman ang tutulong sakin kasi nasa broken family ako. Lahat ng magulang ko ay may kaniya-kaniya na silabg ibang pamilya at ayun, yung naiisang anak nila mukhang nakalimutan na nila. Wala man lang nagangkin sakin basta nagsialisan sila. Tingin ko tuloy na pagkakamali lang talaga nila ako. Pero nevermind nalang, ngayon kaya ko naman din sarili ko at kaya ko ng buhayin sarili ko kahit wala sila. Pero syempre, thankful ako sa tita ko na kumupkop sakin nung iniwan ako ng mga magulang ko kaso nga lang ang bilis din niyang nagpaalam, hindi pa nga ako nakapag-graduate kinuha na siya agad.
5:00PM
Nagpalit narin ako ng damit para hindi ko suot-suot ang uniform ko mamaya pag kakanta ako sa isang restau. Kailangan ko din magpapogi ng konte para magustuhan naman ako ng mga costomer hindi lang pagkanta ko haha.
-----------------
6:00PM
Nasa stage na ako at medyo kinakabahan ako kahit matagal ko naman din tong ginagawa haha. Nagready na ako ng guitar at kita kong dumadami na ang mga kumakain sa restau. Pero biglang napalaki mata ko at tila bigla akong kinabahan ng sobra. Bakit? Kasi nandito yung ex girlfriend ko, at mas nasaktan ako na may nakitang may kasama siyang lalaki. Wow? Kaya pala wala na siyang gana kasi may iba na pala. Taena!
" Aljames, ready na " biglang sabi nung manager dun at ayun nga, nagsimula na akong magtugtog ng gitira kahit parang nasasaktan ako sa nakikita ko. Bakit ba nahagip ko pa kayo kahit nasa side naman din kayo nakapwesto.
She's always on my mind
From the time I wake up
Till I close my eyes
She is everywhere I go
That's all I knowAnd though she's so far away
It just keeps getting stronger everyday
And even now she's gone
I'm still holdin' onSo tell where do I start
Coz it's breaking my heart
I dont wanna her go...Nagsimula na nga akong kumanta ng HEAVEN KNOWS by RICK PRICE. Wala na akong pake kung makikilala niya boses ko basta ngayon ang punta ko dito is para magtrabaho. Napatingin ako sa kung saan sila at nakita kong nakatingin na siya sa direksyon ko. Kita kong gulat siya na nandito ako ngayon na kumakanta pero inawasan ko nalang ng tingin para hindi ako mawalan ng focus sa ginagawa ko.
Maybe my love will come back someday
Only heaven knows
And maybe our hearts will find their way
But only heaven knows
And all I can do is hope and pray
Coz heaven knows.At tinapos ko dun yung kanta ko. Umalis na ako agad dun para uminom ng tubig kasi parang natuyo lalamunan ko dahil sa daming naiisip ko habang kumakanta ako kanina. Habang nasa baba ako ay may pumalit naman sakin para kumanta sa stage. Napapatingin ako sa pwesto na kung saan nandun ang ex GF ko at tila ang saya lang nila na naguusap. Tangena! Nasasaktan ako, hindi pa ako lubusang nakakapag move on pero siya may iba na. Tae! Ang unfair lang.
Naiinis ako kaya naisipan ko nalang umuwi na at sinabihan ko ang manager na masama pakiramdam ko. Nag OK lang din naman siya sakin at kahit isa lang kinanta ko ngayon ay buo pa din ang binayad sakin. Haha syempre, dalawang taon narin akong singer dito kaya close na kami ng manager dito haha. Lumabas na nga ako at lumanghal ng sariwang hangin.
" hays... kabadtrip naman ng gabi na to " salita ko sa sarili ko.
" oh? Bat ka naman badtrip? " biglang may nagsalita sa tabi ko at ikinagulat ko naman. Parang multo nalang sumulpot at mas ikinagulat ko ay yung kadormmate ko pala to, si Justine.
" TAE KA! Bat ka nanggugulat? At teka? Bat ka nandito? Sinusundan mo ba ako? " tanong ko sa kaniya na nakakapagtataka dahil nandito siya.
" hala? Ikaw sinusundan ko? Hahahaha assuming ka talaga " tawang sabi niya sakin. Naku! Mangiinis nanaman.
" oh? Kung hindi mo ko sinusundan bat ka nandito? " tanong ko muli sa kaniya.
" obvious ba? Edi nagdinner ako dito. Restau naman to siguro dito eh noh? " sagot naman niya. Tss, hindi ko nalang siya pinansin at nagpara nalang ako ng tricycle kasi gusto ko ng umuwi. Sumakay na ako at biglang sumigaw yung gago.
" manong wait, sasama ako. " sigaw niya at ayun nagpreno ang tricy at sumakay din siya at sa tabi ko pa talaga umupo. At umandar narin ang tricycle. " hala koya bat ang pogi niyo po? " biglang pagtalak nanaman ng bunganga niya. Hals, ito nanaman yung bunganga niya.
" ay, hindi naman masyado " tuwang sagot ng driver. Pero oo nga noh? Poging ang driver na to hahaha
" koya selfie tayo. Please. " salita niya at nilabas na niya yung cellphone niya. Ay, may pa Iphone ang gago.
" haha, hinde pwede nagmamaneho pa ako " driver.
" Justine ano ba, ang likot-likot mo naman eh. Umayos ka nga ng pagupo. " biglang salita ko kasi nasisikipan na ako dahil sa likot niya.
" luh? Nagtataray nanaman siya. Ito na oh, tayo nalang ang magselfie. Smile na dali " siya at ayun nagclick nalang siya ng basta basta at hindi ko alam kung mukhang tao ako sa picture na nakuha niya.
" Justine ano ba, burahin mo yan lahat. " inis ko sa kaniya.
" tsk! Ayaw. Titignan ko pa yan mamaya kung may maganda akong pic na nakuha " ngiti niya at itinago na niya ang cellphone niya sa bag.
7:55PM
Nakauwi narin kami sa dorm at kakapasok lang namin sa building. Nakita ko naman na nandun si Atom na nakaupo sa labas ng kwarto niya.
" ay wow! Bat kayo magkasabay? Nagdate kayo noh? Naku ito talagang si pareng Aljames ang bilis talaga maka moves " tuwang salita ni Atom na nangiinis nanaman.
" haha, baliw ka koya. Nagkasabay lang kami sa paguwi. " tawang sabi ni Justine.
" ahh. Ganun ba, kung ganun ako nalang ang magdate sayo kung may time " si Atom.
" sure ba koya basta libre mo ko food hah. " naku! Nagkiclick talaga sila, pareho silang madaldal.
" oo, tapos ikaw naman yung kakainin ko " si Atom. Haist! Mga malalandi talaga tong tao na to, nauna nalang akong umakyat dahil pagod ako at gusto ko ng magpahinga. Badtrip pa talaga ako sa nakita ko kanina.
Nakarating narin ako sa kwarto ko at nagpalit na agad ng damit. Hays, hindi ko alam kung ano nanaman kakain ko ngayon pang dinner, noodles nanaman ba? Or canton? Haha. Habang nagbibihis ay dumating na rin ang maingay kong roommate na baliw.
" oh? Ulam " biglang salita niya habang titig sakin.
" luh? Huy! Tigilan mo yang titig mo sakin. Pabubog kita kay Berna " wika ko sa kaniya at inirapan lang ako.
" hmm! Assuming " salita niya at nilagay narin niya mga gamit niya sa maliit na lamesa niya. Umalis muna ako saglit para kumuha ng tubig at para maghilamos din. Matapos kong maghilamos at kumuha ng tubig para pang inom at kulo ay bumalik narin ako ng biglang may narinig akong tugtog ng gitara sa loob. Binuksan ko naman agad ang pinto at nakita kong tumutugtog si Justine.
" Marunong kang mag gitara? " biglang tanong ko.
Itutuloy..................
BINABASA MO ANG
YOUR VOICE
Teen FictionPROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmadali akong pumunta sa music room pero wala na akong naubutan kundi isang panyo na may nakasulat na STR...