Tapping my foot on the floor while biting my index finger. Iniisip ko kung may nakalimutan pa ba akong ilagay sa mga maleta o isama sa mga kahon na dadalhin ko.
"Hmmm...." Looking at my bedroom, sa tingin ko ay wala na akong nakalimutan pa.
Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at nakitang sumilip doon si manang Josie. "Ipapababa ko na ang mga maleta mo hija, nailagay na rin ni Caloy ang mga kahon sa kotse mo. Wala kana bang ihahabol pa?"
"Ah wala na po siguro manang. Si lolo ho?" Sambit ko nang maalalang kailangan ko na magpaalam at baka gabihin pa ako sa daan.
"Nasa kanyang silid aralan at marahil hinihintay ka na magpaalam." Sambit ni manang habang inilalabas isa isa ang aking mga maleta.
Hindi na rin iba ang turing namin kay manang Josie, matagal na siyang nagsisilbi sa amin. Nasa labing limang taon na rin kung bibilangin. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ni lolo sa mga bagay bagay dito sa mansion pati na rin sa pag-aalaga sa aming magkakapatid kahit na hindi na kami bata.
Bumaba ako sa aming mahabang hagdan at nagtungo sa silid ni lolo. Nadatnan ko siyang nagbabasa ng dyaryo at tutok na tutok doon. Nalulungkot ako na iiwan ko siya at aalis na sa bahay na kinasanayan ko na.
Since our parents died from car crash, si lolo na ang nagsilbing magulang namin. He is our mother's father, kaya iisa parin ang dugong nananalaytay sa amin. Lahat naman ng kamag-anak namin from the father side are all abroad at may sara-sarili ng pamilya. Nag-iisang anak si mommy at maaga naman namayapa ang aming lola kaya kami nalang apat ang natitira dito sa napakalaking mansion ni lolo.
Lolo Joaquin Azucena is considered a legendary investor. Dahil sa investments niya kaya kami namumuhay ng marangya. Wala naman ibang pinagkakagastusan si lolo kaya sa amin niya binubuhos ang lahat. We're spoiled but we're not a brat.
"Lolo Joaquin, Good morning!" masayang bati ko sakanya at sabay halik sa kanyang pisngi.
"Good morning, Hope. Are you all set?" nakangiting tugon ni lolo.
I looked at the window and saw na naka-ready na ang white audi ko sa labasan sa harap ng mansion. Napanguso ako. I'm feeling sad pero mas nangingibabaw ang excitement. This is it. I will finally gonna' chase my dreams and find love. Napangiti ako sa huling naisip.
"Inihanda na ni Caloy ang iyong sasakyan. Sigurado ka ba na ayaw mong magpahatid?" mapag-alalang tanong ni lolo.
Bago pa ako makasagot ay narinig ko na ang napaka-energetic na boses ni Serene.
"Ateeeeeee!!! Oh, hi lolo. Good morning!" ginawaran niya rin ng halik sa pisngi si lolo saka bumaling sa akin. "Ate, why don't you let me drive you?" Balag labi niyang tanong. "Mahaba ang drive at baka maligaw ka, atleast pag sumama ako, hindi ka nag-iisa." Malapad na ngiti niya.
"I can drive myself to city, Serene. I will be fine. Isa pa baka malaman ng media kung saan ang condo ko pag sumama ka at pati ako pag interesan nila. Sayo lang naman sumusunod ang mga yun at ayokong ma-front page." Pang-aasar kong sabi sa kanya. "Nasaan pala sa Ace? Tulog pa ba?"
"Well, I'm just worried dahil you're alone but I know you will be fine ate. Ikaw pa. E strong independent woman ka kaya." Proud na pagkakasabi niya.
Bumukas din ulit ang pintuan ng silid ilang segundo lang at sabay-sabay kaming napalingon doon. Pumasok si Ace, ang bunso naming kapatid, na pumipikit pikit pa ang mga mata. She is already twenty-one but she is still our baby.
Yumakap siya sa akin pinikit ang kanyang mga mata. "Kagigising mo lang ba o hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kanya.
"Late na ako nakatulog Ate, gumising lang ako para magpaalam sayo. Alam ko kasi na maaga ka aalis." Antok na sagot niya sa akin.
"Hay nako, Ate. Busy kasi siya sa planning niya para sa publishing kaya hindi na yan natutulog." She rolled her eyes and looked at lolo. "Lo, hindi na healthy ginagawa ni Ace. She's just twenty-one pero parang gusto niya maging panganay ang itsura."
"Serene." I said in a warning tone. Sensitive pa naman ang bunso at baka magtampo. Sila na nga lang dalawa ang maiiwan dito pasasakitin pa nila ulo ni lolo.
Tumayo si lolo sa kanyang upuan at nagsenyal na sa sala na namin ipagpatuloy ang pag-uusap. Sumunod naman kami at tahimik na naglakad patungo roon.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo na magtrabaho sa siyudad? Kahit hindi kana lumayo ay hindi ka naman na mahihirapan kung ditto ka magtatrabaho." Si lolo na nagbabakasaling magbabago ang aking isip. Pero hindi na magbabago ang desisyon ko. I want to grow, be more independent, to experience working in a big company at magamit ang napag-aralan ko sa advertising, and maybe to find more of what life can offer.
"Nakapag-apply at natanggap na ako sa De Veyra Industries, lo. Malapit na rin ako magsimulang magtrabaho roon. Ngayon pa ba ako aatras?" nakangiti kong sagot sa kanya para kahit paano ay maibsan naman ang kanyang pag-aalala.
"Alam ko naman na buo na ang desisyon mo, Hope. You also know that I will support you and your sisters to whatever you aspire and want to do with your life. I'm just here to guide you at hindi ko kayo pipilitin sa ayaw ninyo."
I looked at lolo and saw sadness in his eyes. Maybe he remembers mom at natatakot siya sa puwedeng mangyari sa akin dahil titira na ako mag-isa at malayo sakanila.
Hindi ko napigilan at niyakap ko ng mahigpit si lolo. I will miss him and my sisters pero may skype, fb, puwede din naman akong tumawag para kamustahin sila at puwede rin umuwi rito sa hacienda kapag may mahabang leave.
Hinagod ni lolo Joaquin ang aking likod at saka rin nagpunas ng nagbabadyang mga luha. "Hala sige, tumulak kana at baka gabihin ka pa sa paghahanap ng building ng condo mo."
Ayoko mang tanggapin ang condong binili ni lolo dahil gusto ko sariling sikap, ayaw ko naman mag alala pa siya at baka mapano pa siya kaya pumayag na rin ako. Isa pa, hindi ko pa kabisado ang lugar na aking pupuntahan at wala pang kaibigan doon.
I kissed my sisters' cheeks and hug them after saying a few goodbyes.
"Serene, hinay-hinay lang sa mga parties okay? Wag mo araw-arawin ang front page ng news. And drive safely. Wag mo na bigyan ng iba pang sakit ng ulo si lolo." Serene is a socialite. Sa aming tatlo siya ang socially active sa parties and other events. Lagi siyang front page at laman ng news.
"It's not my fault that I am a media darling Ate, kahit kumurap lang ako sigurado may issue na. And don't worry, I can handle things here. Babalitaan kita lagi." She sweetly smiled habang sinasabayan ako papunta sa sasakyan ko.
"Bye Ace. Be a good girl, call ate okay?" kinawayan ko siya, ganoon din siya sa akin at nagpaalam na.
Sumakay na ako sa aking kotse at bumusina para sa huling pagpapaalam.
Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko sa Maynila. Basta ang alam ko at nararamdaman ko na nasa siyudad na iyon ang sinisigaw ng aking puso.
BINABASA MO ANG
Restraint Heart (Eligible Heiress #1)
RomanceEligible Heiress Series Book 1 [Completed] You might have heard the expression, "The heart wants what the heart wants." But what happens when your heart wants someone not appropriate in the circumstances? Is it enough to restrain your heart? The st...