"I have something to tell you."
Nakuha ko kaagad ang kanyang buong atensyon sa sinabi ko sabay tingin pa niya sa aking tiyan.
"It's perfectly flat and I'm actually hungry. Can we eat?" I asked and smiled sweetly at him.
"Of course. What do you want to eat? I'll get us a reservation." Sabi niya sabay abot sa telepono na nakapatong sa kanyang lamesa.
Tinuro ko ang kanyang office. "Here. I want to eat here."
Tumingin ulit siya sa aking tiyan at tumango.
He ordered chinese food and I ate to my heart's content.
Ewan ko kung nakakain ba siya dahil panay ang sulyap niya sa akin at halos titigan nalang niya akong kumain. Hindi naman na ako nailang at kumain ako sa gusto kong kain.
"Okay. What do you want to tell me?" Hindi na niya napigilan ang sarili niyang magtanong dahil kanina ko pa siya binibitin.
I giggled but then I turned serious when I looked back at him.
"Do you have a job vacancy?" Tanong ko at umupo ng maayos sa kanyang swivel chair.
"I'm not sure, but I can ask the HR. Why? Are you going to recommend someone?"
Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa kanyang lamesa at malapad na ngumiti. "Yes. You'll love her, I'm sure of it."
Sumandal siya sa upuan kaharap ng lamesa at nag-ekis ng mga kamay. "I will only love two women in my life."
Napakunot ako ng noo saka tinaas ang aking dalawang daliri. "Two?"
Sino naman ang kahati ko? Sa pagkakaalam ko ay ako lang naman ang babae sa buhay niya, except...
He smiled and nodded. "My baby and my mom."
Pinigilan kong kiligin sa harap niya at nilaro-laro ang singsing sa aking daliri para hindi mabuko.
"Unless, you'll give me daughters, then, I'll have more woman to love." Dagdag pa niya sabay tingin sa aking tiyan.
Napahawak tuloy ako sa aking tiyan. It's obvious how hopeful he is that I'm pregnant. Gusto na talaga niyang magka-baby kami and I still don't know if I'm ready for that kaya tumikhim na lamang ako at binalik ang usapan sa pag-aapply ko ng trabaho sa kanya.
"She's good and very passionate at her job. She has pleasing personality but not that tall. Hindi ka magsisisi na tanggapin siya sa trabaho. Maganda ang credentials niya." Proud kong sabi.
Nag-angat na talaga ako ng sarili kong bangko. Well, one must sell him or herself in order to land the job. Kailangan ma-impress ang boss.
Pinipigilan ko ang pag-ngiti because it's so funny that I kind of like applying for a job pero ako ang nakaupo sa kanyang trono.
Masarap pala ang pakiramdam ng feeling mataas ang posisyon at pwede pa akong mag-demand sa aking boss.
"Is she going to apply a position in advertising?" Tanong niya na malapad ang ngiti.
Natigilan ako sa kanyang tanong at napanguso nalang. Ang bilis naman niyang makuha ang gusto kong sabihin, samantalang warm up palang ang nagagawa ko.
"You don't have to sell yourself, baby. You're hired."
Nanlaki ang mga mata ko. Wala pa naman akong sinasabi ah. Ang bilis naman ng interview, hindi man lang ako pinagpawisan. No sweat!
Tumayo siya at umikot sa lamesa papalapit sa akin saka niya inikot ang upuan at hinarap ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Restraint Heart (Eligible Heiress #1)
RomanceEligible Heiress Series Book 1 [Completed] You might have heard the expression, "The heart wants what the heart wants." But what happens when your heart wants someone not appropriate in the circumstances? Is it enough to restrain your heart? The st...