Chapter 12

24.3K 510 58
                                    

Updo bun? No, no, no. My face looks like a siopao with this hairstyle.

Half ponytail? No, no, no. I look too pa-cute.

Ugh! I will just let my hair down. No effort. Classic.

Okay. Now what to do with my face? Inilapit ko ang aking mukha sa salamin. I can see my dark circles under my eyes very evidently. Mukha akong may black eye. Hindi ko pa naman dala ang make-up kit ko. How to cover? Bumaba ang tingin ko sa aking damit. Great. My oufit is not fit for a dinner date!

Date? Who says it's a date Hope? 'Wag hopia please.

My outfit is so casual. I am just wearing a black skinny jeans with baby blue peplum top and black pumps. Hindi ako nag-effort because I don't feel well plus hindi ko inaasahan ang dinner na 'to.

Why do men don't give me a heads up before taking me out? I shook my head at that.

Hindi ko alam kung bakit ako namomroblema sa itsura ko, hindi naman ako ganito sa ibang tao. Isa pa, nakita na niya ang ibang fashion trends with no make-up face ko. Seselan pa ba siya kung makakakita siya ng panda?

Walang gana akong lumabas ng restroom and back to my office to fix my things. It's ten minutes before 6pm at nag-decide na ako na bumaba sa lobby at doon nalang maghintay.

Naalala ko kasi kung paano ba kami magkikita. He doesn't have my number and vice versa, kaya I'm sure na dito niya ako sa De Veyra building susunduin dahil hindi niya rin naman alam kung saan ang condo ko.

I sighed and got down to the lobby to wait for him.

Nakita ko si Jane sa may exit door ng lobby kaya tinawag ko siya at nilapitan.

"Oh, Why are you here Hope? 'di mo ba dala ang kotse mo?" nagtataka niyang tanong.

"Hindi e, nagpahatid lang ako. Are you gonna hail a taxi or may sundo ka?"

"Sasabay ako kay George." Hiya niyang sabi. "Gusto mo ba sumabay? Hatid ka na namin."

I smell something fishy. Is my ship already sailing?

"Sabay lang ba talaga or date muna bago uwi?" Pang-aasar ko sabay tawa ng kaunti.

Natigil ang usapan namin ni Jane ng mapansin na marami ang sumusulyap sa labasan kaya napalingon kami doon.

Napatitig ako sa paparating na isang itim na magandang sasakyan. Iyon siguro ang sinusulyapan ng mga tao. Sino nga naman ang hindi mapapatingin sa isang magarang sasakyan. Everyone has a dream car.

Hindi man ako maalam sa mga sasakyan pero nasisiguro ko na mayaman ang nagmamay-ari ng sasakyan na iyon.

Tumigil ang itim na sasakyan sa harapan namin ni Jane, hindi naalis ang tingin ko roon.

Lumapit ang valet sa driver's side. Nag-usap pa sila ng kaunti at lumapit ang valet sa amin.

"Ms. Scarlet Hope?" Pormal na tanong ng valet sa akin.

Napatutop ng bibig si Jane. "Oh my God, Hope. 'Yan ang sundo mo?" bumilog ang kanyang mata sa gulat.

It must be Enzo. Wala na ako ibang naisip na susundo sa akin kung hindi siya. Wala rin akong kakilala na may ganoong kotse. So, it must be him.

"I'll see you tomorrow, Jane. Bye." I kissed her cheek and went to the car.

The valet ushered me to the car at pinagbuksan ako ng pintuan. "Thank you." I said and got in.

Sobra-sobra ang hataw ng puso ko pagkakita sa kanya. He is wearing a charcoal suit with a maroon necktie. Nanginginig pa ang aking kamay habang sinusuot ang seat belt.

Restraint Heart (Eligible Heiress #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon