Chapter 27

19.1K 316 37
                                    

Every night of every day, me and my sisters are very busy wrapping all the toys that we bought. Inayos din namin ang mga coloring books and crayons. Ang mga groceries naman ay hinayaan nalang namin na nakalagay sa box.

James and I never missed a lunch together. Kaya last lunch of the week namin ay niyaya ko siyang sumama sa Children's Village. My original plan was to get both Enzo and James to come with me sa orphanage para maipakilala ko sila sa isa't isa but since hindi pwede si Enzo, I'll just take my dear friend with me.

"So, do you want to come?" Ulit kong tanong.

"Tomorrow afternoon, right?"

"Yes, around 4pm. I'll text you the address." I smiled.

Malaki ang ngiti ko nang pumayag siya. Sigurado ako na mag-eenjoy siya roon at pwede ko rin siyang gawing Santa Claus without a big belly nga lang.

My sisters and I decided to call it a night after we cleaned the living room and readied all the things we we're going to bring tomorrow sa Children's Village. Nag-rent nalang kami ng van with a driver going there sa orphanage dahil sa madaming gamit at para hindi mapagod sa pag-didrive. Ilang oras din kasi ang biyahe.

I was about to call Enzo after I showered nang biglang nag-ring ang cellphone ko. It's an unknown number so I cancelled the call pero mabilis din nag-ring ulit ang aking phone. Same caller.

Kumunot ang noo ko na nakatingin sa screen ng phone ko at hinayaan mag-end ng kusa. Pagkatapos ng call na iyon ay tumawag ulit. Ang kulit lang ng taong ito. I can't risk taking unknown number calls.

Hindi ako tinigilan ng unknown number caller na iyon kaya I turned my phone off at natulog nalang.

"Wala na bang nakalimutan?" I asked my sisters after we put everything we need sa van. Pareho naman silang umiling kaya tumulak na kami.

Habang nasa biyahe, I turned my phone on and texted James saying na papunta na kami sa Children's Village. After a few seconds, a lot of messages came in. I scanned my inbox and saw a 2 texts coming from Enzo and 5 from that unknown number last night.

I decided to text my boyfriend first. He sent me a morning text and one saying that he's on his way sa meeting. Ayoko na siya istorbohin sa kanyang trabaho kaya itinext ko na lamang siya, saying na na-busy kami kaya ngayon lang ako nakapag-text and that we're on our way to Children's Village.

With curiosity, I opened the messages coming from the unknown number.

+639279366475:
Answer the phone pls.

It's me, Mason. Enzo's friend

The handsome guy at The Soft

It's important.

Call me back ASAP.

Reading Mason's name, mabilis kong pinindot ang call button. Hindi pa natatapos ang unang ring ay sinagot na niya agad.

"Finally." Bungad niya.

Hindi naman kasi niya ako agad tinext na siya pala ang tumatawag. E 'di sana sinagot ko kagabi pa. Malay ko ba kung sino na ang tumatawag, mahirap na.

"Gonna tell me something important?"

"Yes. Kagabi pa sana kaso hindi mo naman sinagot ang tawag ko."

Sinisi pa ako. Siya naman 'tong may kasalanan. At ano naman ang sasabihin niya na hindi na siya makapaghintay. Paano niya rin nalaman ang number ko?

"Wait. How did you know my number?" Mapagtaka kong tanong.

"Does it matter how? Anyway, kinuha ko sa phone ni Enzo, and let me tell you, it's not easy. Akala ko hindi na ako makakalabas ng buhay sa building niya." Natatawa niyang sabi.

Restraint Heart (Eligible Heiress #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon