My sisters and I are in the living room at hindi pa rin tapos sa turuan kung sino ang magdadala at mag-didrive ng sasakyan.
We only have to bring one car, kasya naman kami sa isa at agaw pansin pa kung dadalhin namin ang sara-sariling kotse. Sayang din ang gas.
"You drive Ace. Para ma-experience mo naman ang traffic sa Maynila." Si Serene na katabi kong nakaupo sa sofa.
"Why me? Hindi ko pa alam ang pasikot sikot dito sa Manila ate. Si ate Hope nalang since siya naman panganay." Sagot naman ni Ace na nakaupo sa isang footstool.
Sabay silang lumingon sa akin. Napagkaisahan na ako ng dalawa. Pero hindi ako papatalo, ayoko mag-drive. I want to just sit and look pretty.
"Hindi pa kami nakakasakay sa silver Audi mo Ace. Give us a chance and drive for your ates." Ngisi ko sakanya.
Namula siya ng kaunti at lumabas ang freckles niya sa ilong saka niya inilahad ang palad sa direksyon ni Serene.
"Red Audi is much better. And the one who owns it drives the best amongst us."
I glared at Serene nang bumaling siya sa akin.
"Don't tell me that I own a white Audi Serene because I already know it." Banta ko dahil alam ko na ang ihihirit niya.
Nag-ring ang telepono kaya natigil ang pagtatalo namin. Sinagot ni Serene iyon dahil malapit ito sakanya atsaka siya ngumiti.
"Kindly tell him that we'll be down at the lobby in a few. Thank you." She said at binaba ang telepono.
"Who's that?" I asked.
"Our driver." Nakangisi niyang sagot saka tumayo.
She gestures for us to stand up already and go out. "Let's go. We don't want to keep our driver waiting." Dagdag niya ng hindi pa kami gumalaw ni Ace.
Driver? Saan naman siya nakakuha ng driver? May driver naman pala siyang kinuha bakit hindi niya agad sinabi at nagtalo pa kami kung sino ang mag-didrive. Sayang ang laway.
I stood up from the sofa and looked at Ace na nakatayo na ngayon sa aking gilid with a questioning look on my face but she just shrugged her shoulders.
Sabay-sabay kaming lumabas ng condo at bumaba. Dirediretso ang lakad namin palabas, but I halted when I saw Enzo leaning on a black Range Rover wearing a prussian color fitted trousers that ends on his ankles, a plain white polo shirt, white sneakers, and square sunglasses. Napukaw pa ng atensyon ko ang kanyang relos nang tumama ang sikat ng araw doon. It's a leather dark brown watch that I bet costs a thousands of pesos.
Hindi ko namalayan na nakasakay na ang mga kapatid ko sa likuran at pinagbuksan na ako ng pintuan ni Enzo. He is kinda pouting his lips na halatang pinipigilan ang ngiti.
I felt my cheeks heated up because he caught me ogling him. Nakakahiya. Kung bakit ba naman kasi kailangan ganyan pa siya ka-guwapo pumorma, e mukha palang nakakalaglag panga na. Samahan pa ng katawan niyang.. I sighed.
Relax Hope. Breathe in, breathe out.
Nang makabawi ay lumakad na ako palapit sakanya na kunwari ay walang nangyari.
"Morning." I said and kissed him on the cheeks sabay pasok sa loob ng sasakyan sa front passenger seat.
"Morning, baby." He said smirking while buckling my seatbelt.
Nahagip pa ng ilong ko ang kanyang mabangong amoy at lalo lang uminit ang pisngi ko. Tinakpan ko ang aking mukha ng aking mga kamay pagkasara ni Enzo ng pintuan at nagpakawala ng pigil na tili. I don't know but I felt so kilig.
BINABASA MO ANG
Restraint Heart (Eligible Heiress #1)
RomanceEligible Heiress Series Book 1 [Completed] You might have heard the expression, "The heart wants what the heart wants." But what happens when your heart wants someone not appropriate in the circumstances? Is it enough to restrain your heart? The st...