Chapter 34

16.8K 282 10
                                    

Excited at malaki ang ngiti ko pagkababa sa sala.

Nakita ko ang lalake na nakasuot ng pormal na damit habang nakatayong naghihintay sa gilid ng sofa na may hawak na bouquet.

Lumapad ang ngiti niya ng makita ako papalapit sakanya.

"Popcorn."

Iniabot niya sa akin ang hawak niyang bouquet saka ginulo ang aking maayos na buhok.

"What are you doing here?" Gulat kong tanong.

Bukas pa ang sabi niya na dating niya. Bakit napaaga? Isa pa gabi na, bumiyahe siya ng ganitong oras at dumiretso rito para lang ibigay sa akin ang bouquet na ito? Bukas pa naman ang birthday ko.

"Uh. I mean, akala ko bukas ka pa dadating?" Tanong ko ulit ng makabawi sa pagkagulat.

"Maaga kasi ako natapos sa trabaho at naisipan kong dumiretso na rito sa inyo. Sayang naman ang oras. Gusto ko ako ang unang bumati sayo." Nakangiting sabi niya.

"Maaga?" Tanong ko sabay tingin sa malapit na orasan. "Alas onse pasado na James. Late na." Tinuro ko pa ang orasan.

Tumawa lang siya pero kita ko sa kanyang mata ang pagod. Naawa tuloy ako kaya naisipan ko ng dito nalang siya patuluyin dahil sobrang gabi na at baka mapano pa siya kung magmamaneho pa siya para lang maghanap ng hotel na matutuluyan sa labasan.

Nandito naman na sila Jane kaya wala naman sigurong kaso kung dito ko nalang din siya patulugin. Kung bakit ba kasi bumiyahe pa ng ganito ka-late.

"Dito kana matulog James, mukha kanang zombie. Hindi mo bagay." Pang-asar ko na nangingiti.

Mukha talaga siyang pagod pero malayo sa zombie ang itsura niya. May eyebags pero gwapo padin.

Napapayag ko rin siya at bago ko siya sinamahan papunta sa isa pang guest room sa itaas ay may kinuha pa muna siyang maliit na bag sa kanyang kotse.

Hindi ko na inistorbo pa ang mga kasambahay dahil disoras na ng gabi at malamang mahimbing na natutulog na ang mga iyon at maaga pa uli silang magtatrabaho bukas kaya ako na ang mag-aasikaso kay James tutal bisita ko naman siya.

Naglalakad kami sa hallway papunta sa bakanteng kwarto nang masalubong namin si Dex. Nagulat pa siya na parang nahuli na may ninanakaw.

"Uh ate. Gising kapa pala." Awkward niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay at nag-ekis ng kamay. "Ikaw din gising pa." I pointed out.

He rub his palms together and speaks. "Magpapahangin lang ate. Sige po." Nagmamdali niyang paalam.

Pagkasabi niya 'non ay mabilis siyang tumalikod at lumakad palayo sa amin. Tinitigan ko lang ang kanyang likod hanggang sa makaliko siya sa isang pasilyo.

Napailing at napabuntong hininga nalang ako.

"Who's that?" Kuryosong tanong ni James.

"Serene's friend." Tipid kong sagot at diretso nang lumakad ulit papunta sa kwarto niyang tutuluyan.

Hindi naman na siya nagsalita pa ulit hanggang sa maihatid ko siya sa kwarto.

"Happiest birthday popcorn." Masayang bati niya saka ako niyakap.

I froze when he hugged me. Pero isinantabi ko muna ang aking pangamba, iniisip na wala lang ito. Birthday ko lang at binabati niya lang ako bilang malapit kong kaibigan.

Convincing myself with that reason didn't help me fall asleep that night.

Even if I try to instill in my brain that his actions towards me are just pure friendship, he kept on pulling me back to him and makes me feel like I belong to him.

Restraint Heart (Eligible Heiress #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon